Showtime Begins In:

Click here to visit her Live Show on Pinays247.com

A Cheater's Side

Submitted by on Monday, 14 November 2016, 11:11 AM | Blog | Taglish
Categories: Non-Erotic   Tags:

"We cheat on our girlfriends but we don't want them to cheat on us. Why? Because we know that cheating is wrong. We cheat for sex, just to fuck. But when a woman cheats, she cheats for love and affection. She cheats with a guy that can potentially replace you."

May naalala lang ako nung nabasa ko yan..

Remember jake na first boyfriend ko? 1 and a half din yung relasyon namin.
Then I cheated on him.

Dahil....
Busy sya lagi nun, wala na syang time saken. Kahit mag message di na nya minsan nagagawa. Bihira na kami magdate, tapos pag nagkita kami minsan nauuwi pa sa away, sa selosan.. In short naging malamig na yung dating mainit na relasyon namin.

Hindi ko pinlano. Bigla nalang ako nahulog sa isang guy, na sobrang sweet saken. Na lagi akong naaalala at nag eeffort kahit hindi ko sya boyfriend. Yung time na hinahanap ko kay jake, sya yung nagpifill nun.. Nung mga panahon na yun hindi nya alam na taken ako. Sinagot ko sya habang kami pa ni jake. Pero di nagtagal, nalaman ni jc (the second guy) na may boyfriend pala ako. Kung paano? Dahil sa bestfriend ko na may lihim na gusto saken.
Si niel.

Inamin saken ni niel,
Tanda ko pa yung sinabi nya nung mga araw na yun. Bumisita sya sa dorm.
Niel: Sorry ha, nasabi ko kay Jc na may boyfriend ka bukod sa kanya
Me: ha bakit? Saan?
Niel: wala, nayabangan kasi ako sa kanya. Minsan narinig ko sya pinagyayabang nya na kayo na. Tapos nagparinig ako na "kala mo naman nag iisa ka"

Hindi ko alam kung magagalit ako kay niel dahil nalaman ni Jc na taken ako. Nung kausapin ako ni Jc, inamin ko.. Wala syang ibang sinabi nun kundi mamili daw ako sa kanilang dalawa ni jake. Sya ang pinili ko. At nung araw din na yun, nakipag break ako kay jake.. Hindi ko sinabi na dahil meron na kong bago, kundi dahil ayoko na, tingin ko hindi na kami nagwowork. Wala ng time.

Hindi ko malilimutan yung pag iyak ni jake nun, na pilit nyang itinatago saken at yung sinabi nya
"hindi naman kita pipigilan kung hindi kana masaya saken"
(ang gaga ko ng mga panahon na yan)

Nagpatuloy yung relasyon ko kay Jc, 8months na kami. Nung mapansin ko na sa tuwing may pupuntahan ako, lagi na syang duda. Laging nagseselos. Lagi akong inaaway. Lagi nyang sinusumbat yung nagawa ko. Na baka magcheat ako ulit sa kanya.

Yung dating sweet na jc, napalitan ng maangas na boyfriend.. Minsan pag nagsesex kami, bigla nyang sasabihin, "ginagawa mo din ba toh sa iba!?" Tapos marahas yung ginagawa nya. Minsan nasasaktan na ko sa tuwing ginagawa namin, physically and emotionally.

Hindi ko malilimutan yung reason ng break up namin, na super walang kwenta.
Magkachat kami nun, tapos nagpaalam ako na maliligo lang ako.

Ang reply nya saken: "sige, pag hindi kana nagreply, magbebreak tayo!"
Hindi ako nagreply at naligo pa din, kasi anu ba namang masama sa gagawin ko. Parang humahanap nalang sya ng dahilan para makipagbreak.

After ko maligo,
Chinat ko sya.. wala ng reply
Tinatawagan ko, Hindi na sumasagot..
(gag*! Sa isip ko)

Ganun kami naghiwalay.
Ganun natapos ang lahat samin.
Dahil lang sa kagustuhan kong maligo.
Yeah, what the fuck!

Alam ko nagkamali ako nung piliin ko sya. Naisip ko na dapat ba si jake nalang pinili ko? Pero kahit ano pang tanong ko sa sarili ko hindi ko na mababawi yun. Siguro karma ko yun, karma ko si jc tanggap ko naman..

"Lahat ng bagay may kapalit.
Minsan mas matindi pa yung balik sayo."


Yung pagchicheat, Hindi sya achievement.
Hindi parang trophy na pwede mo ipagmalaki, Na "yes! Two timer ako"
lalo na alam mo na may nasasaktan ka.
Pag ayaw mo na, sabihin mo.

Been there..
And believe me, its not...


You might also like to visit: