Showtime Begins In:

Click here to visit her Live Show on Pinays247.com

Ang Nakaraan ni Amy Ch 10

Ang Nakaraan ni Amy Ch 10Kabanata 10

Mahigit dalawang buwan ang lumipas mula noong atakihin sa puso ang kaibigan nil Amy at Drei na si Jimmy. Sa loob ng panahong iyon ay tila ba inabutan si Amy ng kanyang nakaraan. Ang nakaraan niya bilang isang call girl o escort. Hindi naman sa iniiwasan o tinatakasan niya ang nakaraan na iyon, sapagkat alam naman ng kabiyak niyang si Drei ang tungkol dito bago pa man sila ikasal. Paano ba naman, isa si Drei sa dalawang pinakamasugid na client ni Amy noong siya'y aktibo pa.

Sa buong panahong sila'y magkarelasyon, pinili lang nilang kapwa huwag pag-usapan ang nakaraan nilang iyon. Kasi para kay Amy at Drei, hindi na mahalaga pa na ungkatin iyon. Pero noong masugod sa pagamutan si Jimmy, na siyang dating bugaw ni Amy at nagpakilala sa kaniya kay Drei, ay bigla na lang nila kapwa napag-usapan. At sa kanilang pag-uusap ay mayroon silang natutunan sa bawat isa. Mga bagay na nauwi sa kakaibang pakikipagsapalaran ng dalawa bilang mag-asawa.

Isa na dito ay ang kaalamang nalilibugan si Drei na makitang pinagnanasaan si Amy ng ibang lalaki, na may kung anong yabang at kapangyarihan siya nadarama dahil dito. Tiyempo namang si Amy ay madaling matangay ng kanyang libog mula nang siya'y mamulat sa kamunduhan. At ang dalawang bagay na ito'y nauwi sa isang weekend ng pakikipagtalik ni Amy sa ibang lalaki. Isang weekend kung saan may natutunan muli ang magkabiyak sa isa't-isa. Na si Amy pala'y matagal nang kinikimkim ang takot na siya'y nymphomaniac, habang si Drei nama'y natatakot na siya'y cuckcold.

Mula noon ay nagpupunta na sa isang marriage counsellor ang dalawa. Nahirapan silang mahanap ang counsellor na kanilang pupuntahan, dahil yung mga una nilang kinausap ay para bang hinuhusgahan na sila agad. Pang-apat na itong kinausap nila na mas bukas ang isipan sa pinagdaanan ng dalawa. Kaya unti-unti ay natutunan nilang tanggapin at kanilang mga kahinaan at kung papaano nila lalagpasan ang mga kinatatakot nila, pati na rin kung dapat nga ba nila ikatakot ang mga demonyong iyon sa kanilang isipan.

Ilan beses pang pinagbigyan ni Amy ang asawa na magpakantot sa puwet. Dahil na rin sa medyo nagtagal bago lubusang gumaling ang kanyang puke mula sa pagkabugbog nito habang nasa piling ni Mr. Reynoso. Natutunan rin ni Amy na masarapan sa pakikipagtalik niya sa puwet.

Dalawang linggo matapos ang makamundong pakikipagsapalaran ni Amy sa piling ni Mr. Reynoso ay dinatnan siya ng kanyang buwanang dalaw. Dahil sa kabisado ni Amy ang kanyang menstrual cycle, na kuwenta niyang nasa kalagitnaan siya ng panahong puwede siyang mabuntis nang mga araw na nagkantutan sila ng matanda. At sa dami ng tamod na inilagak ng matanda sa sinapupunan niya'y siguradong naanakan na sana siya ni Mr. Reynoso kung hindi siya gumagamit ng birth control pills. Nabanggit niya sa asawa niya ang bagay na iyon.

   "Sayang!," ang pabirong banat ni Drei. "Kung nabuntis ka puwede na sana nating huthutan ang matanda ng pera!"

Nabatukan tuloy ni Amy ang kabiyak nang di oras.

Sa loob ng mahigit dalawang buwan na iyon ay kinuwento ni Amy kay Drei kung paano sila nagkantutan ni Mr. Reynoso sa rest house ng matanda sa Tagaytay. Kahit sila'y nagpapatingin, hindi pa rin mapagkakaila na sadyang nakadadagdag sa libog ni Drei ang marinig kung paano nakantot ng ibang lalaki si Amy, na parang nagsaboy ng gasolina sa apoy. Nakikinabang rin naman si Amy sa resulta ng kanyang pagkuwento, sa dami at lakas ng tinatamo niyang ligaya sa pagniniig nilang mag-asawa matapos niyang magkuwento ng isang tagpo nila ng matanda. Kaya tuloy inunti-unti rin ng mag-asawa na ikuwento ni Amy ang mga naganap ng dalawang araw at gabi na iyon.

Sa loob din ng dalawang buwan na iyon ay may natatanggap na mga text messages si Amy mula kay Mr. Reynoso na nag-aanyaya muli na magsama sila sa Tagaytay. Dahil sa may usapan ang dalawa simula't sapol na walang lihiman ay pinapakita ni Amy ang mga ito sa asawa. Kapwa na lang nilang ipinagkikibit balikat ang paanyaya ng matandang lalaki. Kasi para sa kanila ay sapat na ang minsang karanasan.

Hanggang sa may natanggap na tawag si Drei mula kay Jimmy minsang sila'y naghahapunan.

   "Tsong, may gala event kasi na sponsored ng kumpanya ni Mr. Reynoso na yung agency ang nag-ayos," ang sabi ni Jimmy matapos magkumustahan. Dating magkasama sa ad agency sila Drei at Jimmy kung saan sila nagkakilala. "Kasama ako sa mga naimbitahang dumalo, kaso may lakad kami ni May at Jimboy sa probinsya. Baka puwede kayo ni Amy."

   "Ewan ko lang, tsong," sagot ni Drei. "Tatanungin ko si Amy. Kailan ba yan?"

   "Itong Biyernes na. Malay mo, baka may makilala ka sa event na pupuwede para diyan sa consultancy mo."

   "Sige, pag-usapan namin ni Amy."

   "Balitaan mo agad ako."

Pagkababa ng telepono ay binanggit na ni Drei kay Amy ang napag-usapan nila ni Jimmy.

   "Alam kaya ni Jimmy ang tungkol sa nangyari sa amin ni Mr. Reynoso?," ang unang nasabi ni Amy.

   "Ba't mo naman naisip yan?," tanong naman ni Drei. "Wala namang sinabi si Jimmy tungkol doon. May iba ka bang napagkuwentuhan ng nangyari sa inyo ng matanda? Nasabi mo ba kay May?"

   "Kinuha ko nga kay May numero ng matanda," pagpapa-alala ni Amy. "Pero wala akong sinabi na balak kong makipagkita. Ewan ko kung may sinabi ang matanda sa dalawa."

   "Puwede namang hindi na tayo magpunta kung nag-aalangan ka," sabi ni Drei.

   "Pero sayang din naman," pangangatwiran ni Amy. "Malaking networking opportunity rin yun para mapalaki mo yang design consultancy mo. Kaso nga lang..."

   "Natatakot kang baka kulitin ka ng matanda na magkantutan uli kayo," tinapos ni Drei ang sasabihin niya. Nagtitigan sila sa mga salitang iyon.

   "Kung magkataon ba ay papayag kang sumama ako sa matanda?," tanong ni Amy sa kabiyak.

   "Sasama ka nga ba sa matanda kung magkataong pumayag ako?," tanong ang sagot ni Drei sa kanya.

   "Hindi naman tayo sigurado kung mangungulit nga yung matanda sa ganoong okasyon na marami ang tao," dagdag ni Amy.

   "Sige, saka na lang natin pag-isipan kung ano gagawin natin kapag nag-yaya sa iyo ang matanda doon sa gala," pahayag ni Drei. "So, punta na nga tayo?"

   "Sige."

At sa sagot na iyon ni Amy ay nagpadala ng text message si Drei kay Jimmy na tinatanggap nila ang paanyaya.

Bago matulog ay nagtalik ang mag-asawa gaya ng kanilang kinaugalian. Nakasandal sa ulunan si Drei habang si Amy ay nakasaklang paharap sa kabiyak. Yakap niya ang hubad na katawan ng lalaki habang nagtataas-baba sa malaking burat nito ang pumupuno sa kanyang mainit at basang puke. Nakapikit siya habang dinarama ang kiliting dumadaloy mula sa kaibuturan ng kaniyang pagkababae. Kahit na magkasiping silang mag-asawa ay bumalik ang kanyang diwa sa naganap sa Tagaytay.

Naikuwento na niya ang tagpo kung saan nagtalik sila sa infinity pool. Halos paubos na ang mga tagpo ng kanilang kantutan ng matanda, mauubusan na siya ng bala, 'ika nga. Pero mukhang magkakaroon nanaman siya ng karagdagang maikukuwento sa kabiyak. Ang kahalayan ng naisip niyang ang naging sanhi ng biglang pagsapit ng kanyang ligaya nang di inaashan ni Amy. Sa sobrang tindi ng pagtama sa kanya ng kasarapan ay hindi niya namalayang binago ni Drei ang ayos nila. Nang bumaba ang diwa niya mula sa kaluwalhatian ay nakahiga na siya at nasa ibabaw na niya ang kumakantot sa kanyang kabiyak. Hindi na nagwang mabagabag ni Amy sa naisip dahil patuloy lang ang asawa sa paghindot ng kanyang tumatagas na kepyas, hanggang sa magkasabay silang labasan. Nakatirik ang mata ni Amy sa sarap habang sumusumpit ng tamod ang titi ni Drei sa kalooban ng pekpek niya.




Alas-sais y media ng Biyernes ay naghahanda si Amy sa dadaluhang gala ng kumpanya ni Mr. Reynoso. Dahil walang pasok ng araw na iyon si Drei at maghapon lang ito sa bahay, nakaligo at halos tapos na ang kabiyak maghanda nang siya'y sunduin mula sa trabaho. Nasa baba ito ngayon at naghihintay sa kanya. Alas-otso pa ang simula ng event na gaganapin sa isa sa mga 5-star hotel sa Makati.

Katatapos lang niyang maligo at nagpupunas ng katawan. Nang tuyo na ang balat niya'y nilagay ang tuwalya sa sabitan at nagtungo sa lababo upang magsipilyo. Walang ni isang saplot sa katawan habang naglinis ng ngipin si Amy. Matapos magmumog ay lumabas na siya ng banyo at nagtungo sa mga gamit niya.

Nagpahid ng lotion si Amy, una sa kanyang mga braso at bisig kasunod ang mga hita at binti. Habang nagpapahid sa binti ay pinatong niya ang paa sa silya at saka tumuwad para abutin hanggang sakong niya. Inulit ni Amy ang ginagawa sa kabilang paa.

Naupo naman siya sa silya at humarap sa salamin upang maglagay ng make up. Dahil sa klase ng okasyon, kakaiba sa araw-araw niyang ayos ang ginawa niya. Sinunod naman tanggalin ni Amy ang mga curlers sa buhok niya na nilagay niya bago maligo. Binugahan niya ng hair spray para manatili ang mga alon at pagkakulot ng hibla ng buhok niya.

Nang masaya na siya sa ayos niya ay kinuha niya ang mga alahas niya sa kahon. Ilan dito ay bigay ng magulang at biyenan niya, ang iba ay binili niya. Naglagay siya ng ginituang hikaw sa magkabilang tainga na may mahabang nakabitin na sumasayad sa kanyang balikat. Sinuot din niya ang orasan na ginintuan ang paha at nilagay sa kanyang kaliwang pulso. Bigay ito sa kanya ng nanay ni Drei at dahil may kamahalan ay sa mga espesyal na lakad niya lang ito sinusuot. Tinignan niya ito at sinuguradong tama ang oras. Naglagay din siya ng pilak na pulseras sa kabilang pulso. Huli niyang sinuot ang kuwintas na binigay sa kanya ni Drei nitong nakaraang buwan lang. Yari din ito sa ginto kaya hindi na naiiba sa kanyang mga alahas. Ngunit ang tunay na nagbigay ng halaga nito para kay Amy ay ito'y isang agnos. Sa loob ng ginituang bilohaba ay may larawan nilang mag-asawa noong araw ng kanilang pag-iisang dibdib. Tinignan ni Amy ang larawan bago iyon sinara at nilatag sa kanyang dibdib.

Tumayo siya at nagtungo sa kama kung saan niya nilatag ang kanyang susuotin bago naligo. Kinuha niya ang garter belt para sa stockings at sinout sa kanyang balakang. Kasunod ay ang pares ng itim na stockings na kinabit niya sa garter gamit ang mga sipit nito. Tumayo siya at sinout ang kulay asul na lace boy cut panty. Hindi na rin siya nagsout pa ng bra. Kaya gayon ang pinili niyang pang-ilalim ay dahil sa long gown na pinili niya. Kulay maroon at ang tabas nito'y halter, walang tela sa likuran hanggang sa beywang niya, ang neckline ay lalampas pa ang baba sa kanyang mga suso. Mayroon biyak ang mahabang palda na umaabot sa gitna ng kanyang kanang tuhod, na kung wala ay halos hindi makakhakbang si Amy sa kakitiran ng palda. Bigay ng isang dati niyang pinag-model na designer at matagal nang nakatago sa aparador niya. Lapat na lapat sa bawat kurbada ng katawan ni Amy ang tela ng gown. Huli niyang sinuot ang itim na open toed na sandalyas. Dinampot niya ang isang magarang handbag na bihira lang din niyang gamitin. Inabot niya ang bote ng mamahaling pabango at naglagay ng patak sa likod ng tainga, pulso at sa pagitan ng kanyang mga suso sa ilalim ng agnos. Saka niya tinakpan at nilagay sa handbag, kasama ang ilang gamit niya. Mayroon din siyang nilagay na isang kahon na hindi mawari ni Amy kung gusto niya bang magamit ang laman o hindi.

Pagbaba niya ng hagdan ay naghihintay sa kanya ang kanyang kabiyak. Matikas si Drei sa suot nitong navy blue na amerikana at maroon na kurbata. May itim na fedora sa kanyang ulo at ang mahabang buhok niya'y nakatali. Napangiti si Amy ng matanaw ang asawa, at alam niyang maraming maakit sa lalaki niya, babae at posible ilang lalaki rin.

   "Shall we?," tanong ni Drei habang nakausli ang siko nito.

Sinabit ni Amy ang kamay sa braso ni Drei. "Let's go."

Magsisimula pa lang ang gala nang dumating ang mag-asawa sa hotel. Nataong malapit si Mr. Reynoso sa pinto at binabati ang mga dumarating na kakilala.

   "I'm glad you could make it!," bati ng matanda sa kanila nang makita sila. Nakipagkamay ito kay Drei, atsaka bumeso kay Amy. "Make yourselves comfortable. Huwag na kayong mahiya."

   "So, anong gagawin natin kung mangulit ang matanda?," tanong ni Amy kay Drei.

   "Hhhmmm," nag-isip si Drei. "Ganito, naka-panty ka ba ngayon?"

   "Siyempre, oo!," sagot ni Amy. "Anong tingin mo sa akin?"

   "Hehe," tawa ni Drei. "Kung mangulit ang matanda at gusto mong pagbigyan, punta ka sa banyo at tanggalin mo panty mo. Katapos bigay mo sa akin, maiintindihan ko na iyon."

Dahil ang dating ahensya na pinagtrabahuhan ni Drei ang nga-ayos ng gala na ito, kahit papaano ay may mga ilang kakilala rin naman ang mag-asawa sa ibang mga panauhin. Marami rin ang tulad ni Drei na mga umalis at nagsimula ng sariling ahensya o consultancy. Kinumusta ni Drei ang mga natitira pang dating katrabaho at nakipagbalitaan sa mga ito. Marami ring nakilalang iba pang panauhin si Drei na mayroong mga sariling negosyo tulad ni Mr. Reynoso na kanyang nakausap tungkol sa maaaring maitulong niya bilang isang design consultant. Maraming nakuhang bagong mga contact si Drei.

Naging masaya naman sila Amy at Drei sa okasyon. Nang matapos ang programa ay mayroong sayawan. May bandang tumugtog ng mga piyesang nababagay sa okasyon. Kahit hindi masyadong marunong sumayaw si Drei ay pinagbigyan naman niya si Amy noong ito'y mangumbidang sumayaw.

Nasa kalagitnaan sila ng pagsabay sa saliw ng tugutgin nang may lumapit sa mag-asawa. "May I cut in?," sabi ni Mr. Reynoso. Nagkatinginan saglit ang mag-asawa. At sa tinginan lang na iyon ay nagkaintindihan ang dalawa kahit na walang binibitawang salita.

   "Don't mind if I do," ang sabi ni Drei at iniabot ang kamay ni Amy kay Mr. Reynoso.

   "Did you receive any of my messages?," tanong ng matandang lalaki habang isinasayaw niya si Amy.

   "Yes," sagot ni Amy. "Hindi lang namin pinapansin."

   "Sinong 'namin'?," usisa ni Mr. Reynoso.

   "Kami ni Drei."

   "Well, anyway," pagpapatuloy ni Mr. Reynoso. "How about it? I have the presidential suite reserved."

   "I'll think about it," mataray na sagot ni Amy. Sakto naman natapos ang piyesang kanilang sinasayawan, at agad na bumalik si Amy sa mesa nilang mag-asawa.

Hindi iyon ang huling pagkakataon na sinubukan siyang kumbidahin ng matanda sa gabing iyon. Sa bawat pagkakataong mapag-iisa sila ni Mr. Reynoso ay muling mag-aalok ang matanda na umakyat na sila sa suite. At sa bawat pagkakataon ay sasagutin ito ni Amy na pag-iiisipan niya, kahit na sa bawat beses na lalapit ang matanda sa kanya ay nag-iinit siya.

Kumukuha ng inumin nila si Drei nang huli siyang akitin ng matanda. Matapos mapilitan ang matanda na lubayan siya dahil may kakausapin ito, ay naisipan ni Amy na sundan ang asawa at tignan kung bakit ito natagalan makabalik. Nakita niya ang kabiyak sa open bar na may kausap na lalaking mukhang negosyante rin. Tila malalim ang kanilang pinag-uusapan at may pinapakita si Drei sa kanyang telepono sa kausap. Kaya naisipan na lang ni Amy na magpunta na muna sa banyo.

Pagbalik ni Amy mula sa banyo ay nasa bar pa rin si Drei, pero mukhang tapos na sila ng kausap nito kanina. Inabot sa kanya ng kabiyak ang isa sa dalawang baso na naglalaman ng champagne na nasa likuran nito kanina pa. Sabay silang mag-asawang uminom.

   "Kanina pa ako kinukulit ng matanda," bulong ni Amy sa asawa. "Pina-reserve na daw niya yung presidential suite." Nakasandal ang katawan ni Amy sa tagiliran ni Drei, at naka-akbay ito sa kanyang beywang.

   "E, anong gusto mong gawin natin?," bulong rin ni Drei sa kanya.

   "Actually...," sagot ni Amy. Binuksan niya ang kanyang handbag at may kinuha mula rito. Inilagay niya ang bagay na iyon sa kamay ni Drei.

Tinignan ng kabiyak ang nasa kamay nito. Kulay asul at yari sa lace. "Is this what I think it is?," tanong ni Drei.

   "Maybe," pilya at mapanuksong sagot ni Amy. "Pero may isang condition ako. Kasama ka ngayong gabi."

Nagtinginan muli silang mag-asawa. Parehong malalim ang titig ng mag-asawa sa mata ng kabiyak. At muli ay nagkaunawaan sila kahit na walang salitang sinasabi.

   "Sige," sabi ni Drei. "Pero kung oras na hindi mo na gusto ang nangyayari, magsabi ka lang at ititigil na natin."

   "Ikaw rin, magsabi ka lang kung ayaw mo na at titigil din ako."

Magkahawak kamay silang lumapit kay Mr. Reynoso. "Are you two leaving?," tanong ng matanda sa mag-asawa. "9:45 palang, ah." Gusto sanang matawa ni Amy dahil kita sa mukha ng matandang lalaki na nanganagmba ito.

   "Were here to tell you that we'll join you tonight in the presidential suite," sabi ni Drei. Nagbago ang mukha ng matanda, mula sa pangamba ay naging pagtataka.

   "Narinig mo asawa ko," sabi ni Amy. "I'll only go with you if he joins in."

Nagpabaling-baling ang mata ni Mr. Reynoso sa kanilang dalawa. Kalaunan ay ngumiti ang matanda. "Very well," sabi ng matanda. "The more, the merrier."

Sinundan nila Amy at Drei ang matanda sa reception ng hotel kung saan kinuha nito ang key card para sa presidential suite. Sabay-sabay silang nagtungo sa elevator paakyat sa tuktok ng gusali. Sa loob ng elevator ay magkaakbay ang mag-asawa, habang nasa tabi nila si Mr. Reynoso. Tahimik ang tatlo hanggang sa makarating sila sa suite.

Kasing laki ng maliit na bahay ang suite. May sarili itong sala, kusina at hapag-kainan na kasya ang anim na tao. Sa banyo ay may jacuzzi, at ang dutsa nito ay maluwag at walang pinto ang harang na salamin. Sa kuwarto ay may king-sized na kama, at may lagusan patungo sa terrace na mayroong mga upuan at mesa. Kitang-kita mula sa mga bintana ang ilaw ng lungsod sa gitna ng gabi.

Nilapag ni Amy ang dalang handbag sa mesa na nasa tabi ng kama. Humarap siya sa dalawang lalaki na parehong nakatayo sa may paanan ng malaking kama. Lumapit si Amy sa kabiyak, at niyakap ang leeg nito. Naghalikan ang mag-asawa na para bang walang ibang tao na kasama.

Naramdaman ni Amy na nakatayo sa likod niya ang matanda. Humawak ito sa kanyang balakang at hinimas ang kanyang tagiliran at puwet, habang hinahalikan ang kanyang balikat at likod ng tainga.

Kumalas si Amy sa asawa at hinarap ang matandang lalaki sa likuran niya. Ito naman ang kahalikan niya, habang ang kabiyak naman ang humihipo sa puwet at tagiliran niya kasabay ng paghalik sa balikat at batok niya. Pinagsalit-salit ni Amy ang pakikipaghalikan sa dalawang lalaki, sa kabiyak niyang si Drei at sa matandang si Mr. Reynoso.

Nakikipaghalikan siya kay Mr. Reynoso nang hawiin ni Drei ang buhok niya mula sa batok niya. Kinalag ng asawa ang kabitan ng tela sa likod ng leeg niya, pero dahil nakasandal siya sa matanda ay naipit ang tela sa pagita nila. Humiwalay siya sa halik ng matanda at tinulak itong papalayo. Nahulog ang tela ng damit niya at lumantad sa mga lalaki ang ang malulusog niyang suso. Sunod na binuksan ni Drei ang kabitan sa likod ng beywang niya at binaba ang zipper. Lumuwag ang damit at tuluyan nang nahulog mula sa katawan ni Amy. Tanging stockings at garter belt at sandalyas na lang ang suot niya bukod sa mga alahas. Humakbang siya mula sa nakatumpok na damit at nagtungo sa kama. Hinubad niya ang sandalyas bago sumampa sa kama.

   "Ano pang hinihintay niyong dalawa?," mapanuksong tanong ni Amy.

Mabilis na naghubad na kani-kanilang saplot si Drei at Mr. Reynoso. Nang pareho nang hubo't hubad tinabihan na nila si Amy sa malaking kama. Nasa kanan niya ang kabiyak at nasa kaliwa naman ang matandang lalaki. Pareho niyang inakbayan, at pasalit-salit siyang nakipaghalikan sa dalawa.

   "Oooohhhhhh," daing ni Amy nang maghiwalay ang labi nila ni Mr. Reynoso. Kasalukyang sinisipsip ni Drei ang kanang suso niya habang nilalamas ang kaliwa. Pinaghiwalay ng matanda ang kanyang tuhod at saka ito pumuwesto sa pagitan ng hita niya. Pinasadahan ni Mr. Reynoso ang hiwa ni Amy ng malapad niyang dila.

   "Hhhaaaahhhhh!," napasinghap si Amy nang sumiksik ang pinatulis na dila ng matanda sa pagitan ng labi ng kanyang puki. Sinusundot nito ang kanyang naglalawang puwerta nang ilang ulit na tila kinakantot si Amy gamit ang dila.

Habang kinakain siya ng matanda ay tuloy lang ang kabiyak niya sa paglapirot at pagdedede sa kanyang malusog na dibdib. Nagpalipat-lipat sa magkabilang suso si Drei, at kung minsan ay dinidilaan pati ang kabuuan ng kanyang dibdib kaya basa na ng laway ang harapan niya.

   "Uuuhhhmmmm!," nabigla si Amy nang kalabitiin ng ni Mr. Reynoso ang nakalitaw niyang tinggil. "Aaahhh.... Uuhhhhnngg.... Hhhaaaahhhh...," nagpaikot-ikot ang dila ng matanda sa kanyang tinggil.

Ngayon lang naranasan ni Amy ang ganitong sarap. Nagsasabay ang kiliti at sarap ng dalawang dila sa katawan niya. Isa sa kanyang pekpek, isa sa kangyang mga suso. Pati ang pakiramdam na may dalawang pares ng kamay na humihipo sa hubad niyang katawan ay bago rin sa kanya. Ang kakaibang karanasan na ito ay nagtulak sa kanya na marating agad ang una niyang rurok ng kaligayahan ngayong gabi na ito.

   "AAAAHHHHH!," hiyaw ni Amy kasabay ng sarap ng nilalabasan. Bigla ang pagtama ng gloria sa kanyang katawan. Sa sobrang sarap ay nagliliyad siya at halos matilapon ang dalawang lalaki na naghatid sa kanya sa kaluwalhatian.

Tinulak ni Amy si Mr. Reynoso nang makabalik na ang kanyang diwa mula sa kaluwalhatian. Bumangon siya at hinalikan ang matanda na ang nguso at baba ay basa ng kanyang katas. Hindi niya rin pinabayaan si Drei at sunod niya itong hinalikan.

   "Mahiga ka," utos ni Amy kay Mr. Reynoso. Agad na tumalima ang matanda, at ang mataba nitong tarugo ay nakatayo at nakaturo sa kisame. Lumuhod si Amy at inabot ang kanyang handbag mula sa pinaglapagan niya nito. Binuksan niya at kinuha ang isang sisidlan ng KY Jelly, na siyang binigay niya kay Drei.

   "Alam mo na ang gagawin mo diyan," sabi ni Amy kay Drei habang sumaklang siya sa ibabaw ni Mr. Reynoso. Hinawakan niya ang ulo ng titi ng matanda at tinapat sa kanyang kepyas.

   "Uuuhhhngggg!," sabay ang ungol ni Amy at Mr. Reynoso nang bumaon muli ang alaga ng matanda sa tumatagas na puki ng ginang. Samantala ang kabiyak naman ni Amy naglalagay ng pampadulas sa tayung-tayo ring sandata nito.

Nakailang kadyot si Amy bago naglapat ang kanilang puson ni Mr. Reynoso. Saka siya dumapa sa ibabaw ng matanda para bigyang laya ang asawa sa gagawin nito. Naunang pahiran ni Drei ng pampadulas ang butas ng puwet niya, bago nito pinasok ang isang daliring balot sa pampadulas. Ilang ulit na ginawa iyon ng kabiyak ni Amy, papahiran muna ang paligid ng butas bago sumundot.

Nang makontento na ang kanyang asawa ay pumuwesto si Drei sa likuran niya. Sumaklang din ito sa hita ni Mr Reynoso. Naramdaman niyang tinapat ng kabiyak ang malaking ulo ng tarugo sa tumbong niya.

   "Eehhhhrrrggghhh!," napaigik si Amy nang pumasok ang mala-kabuteng ulo ng titi ng asawa sa puwet niya. Kahit ilang beses na siyang nagpakantot sa puwet kay Drei ay nagulat pa rin siya sa naramdaman niya sa puwet. Sa bawat ulos ni Drei ay napapigik siya, hanggang sa maramdaman niyang lumapat na ang katawan ng asawa sa pisngi ng puwet niya.

Punong-puno ang pakiramdam ni Amy sa mga sandaling iyon. Nakapikit lang siya at humihingal sa ibabaw ni Mr. Reynoso. Gumagala at hinihimas ng apat na kamay ang kanyang buong katawan, habang ninanamnam niya ang dalawang malaking titi na nakapasak sa kanya.

Hindi na rin siguro matiis ng dalawa ang sarap, kaya nagsimula nang gumalaw ang mga ito. Noong una ay basta hugot-baon lang ang ginawa ng asawa ni Drei at ng matanda sa katawan ni Amy. Peto kalaunan ay parang nagkasundo sa pagbayo ang dalawa. Habang hinuhugot ni Mr. Reynoso ang batuta niya sa kepyas ni Amy ay siyang lusong naman ng tarugo ni Drei sa kanyang puwet. At kapag si Drei naman ang aatras ng alaga saka naman uulos ang titi ni Mr. Reynoso. Tuloy-tuloy lang ang dalwang lalaki sa sabayan nilang pagkantot kay Amy. Sa wari ni Amy ay nagkikiskisan ang mga titi ng dalawa sa kanyang kalooban.

   "OOOOHHHHH SSHHHHIIIIIIITTT!," hindi inaasahan ni Amy ang pagdating ligaya. Sa sobrang tindi nang siya'y labasan ay wala siyang nagawa kundi magpaubaya sa mga kumakantot sa kanya. Tanging ang sarap at kiliti na parang kuryente na dumadaloy sa kanyang hubad na katawan ang nasa isipan niya.

   "Aaahhhh....aaaahhhh....aaahhhh....!" tuloy-tuloy lang ang pagkadyot sa kanya ni Drei at ni Mr. Reynoso. Dahil dito kahit katatapos lang labasan ni Amy ay sasapit pa ang isa pa uli. At ang isa pa. At isa pa. At isa pa uli. Para bang hindi tumigil siyang labasan habang bumabayo ang dalawa sa katawan niya. Tila mga bagon tren ang pagkasunod-sunod ng ligaya ni Amy.

   "Ayan na ako!," daing ni Drei. Bumilis ang paghindot ng asawa niya sa piwet ni Amy. "Aaahhhh!" Nakailang ulit umulos si Drei habang sumisirit ang tamod niya sa loob ng tumbong ni Amy.

Bumibilis na rin ang pagkadyot ng matanda sa ilalim niya. "Heto na ako....Uuhhhhmmmmm!," daing ni Mr. Reynoso kasabay ng pagsaboy ng kanyang katas sa kaibuturan ng pagkababae ni Amy.

Saglit na natili ang tatlong malilibog bago sabay na hinugot ni Drei at Mr. Reynoso ang kani-kanilang tarugo sa katawan ni Amy. Ang magkasabay na paghugot ay lumikha pa ng maliit na ingay sa mga butas ni Amy. Wala sa sariling nagkusa si Amy na umalis sa ibabaw ng matanda at mahiga sa pagitan ng dalawang lalaki. Umaagos na ang tamod ng dalawa mula sa kaniyang magkabilang butas at nababasa na ang kama sa ilalim niya.

Kapwa hinhingal si Amy, Drei at Mr. Reynoso dahil sa katatapos lang threesome. Balot ng pawis ang kanilang katawan maski na malakas ang aircon ng suite. Hinang-hina si Amy dahil halos tuloy-tuloy siyang nilabasan sa sabayang pagkantot sa kaniya ng dalawa. Ngayon lang niya naranasan ang ganoon katinding pakikipagtalik. At kahit nanghihina pa siya ay siya pa rin ang naunang tumayo at nagpunta sa banyo para maglinis.

Pagbalik ni Amy ng kuwarto ay sunod namang nagtungo ng banyo si Drei. Tinanggal na niya ang garter belt at stockings na kamuntikan nag magkagulagulanit sa ginawa nilang tatlo. Habang naglilinis ng sarili ang asawa ay tinabihan ni Amy ang matandang lalaki sa kama. Nagyapusan sila at saka naghalikan. Mapusok ang halikan nila habang ang kanilang katawan ay magkalapat. Ang mga kamay ni Mr. Reynoso ay gumagala sa kanyang buong katawa, sa hita, sa puwet, sa braso, sa tagiliran, sa suso. Nasa ganoong ayos sila nang makabalik ang kabiyak ni Amy.

Nang mahiga si Drei sa likod ni Amy ay siya namang pagbangon ni Mr. Reynoso at pagpunta sa banyo para makapagbanlaw rin. Sila naman ngayong mag-asawa ang mapusok na naghalika sa ibabaw ng magulong kama. Kamay naman ngayon ng kabiyak ang humihimas sa katawan ni Amy at nagdadagdag ng libog sa kanya.

Tinulak ni Amy si Drei at nagbago ng puwesto para tsupain ang asawa. Sa isang kamay ang bayag at sa kabila naman ang puno ng maugat na alaga ng kabiyak, sinubo ni Amy ang kahabaan ni Drei habang hawak ng asawa ang kanyang mahabang buhok. Sinisipsip niya ang ulo at pilit na nilulunok ang buong pitong pulgada ni Drei. Nakasandal ang kanyang nguso sa puson ng asawa nang bumalik galing banyo si Mr. Reynoso. Saglit siyang nakatayong pinapanood si Amy na tsupain ang asawa nito bago ito naupo sa isang silya sa sulok ng kuwarto. Nasa may gawing paanan ito, at nakaharap sa kama. Sinilip ni Amy ang matandang mamayaman habang nagtataas-baba ang ulo niya sa kandungan ng kabiyak.

Tumayo si Amy sa kama at saka sumaklang sa ibabaw ng nakahigang asawa. Nakaharap siya sa paanan ni Drei at kay Mr. Reynoso. Ang magkabilang paa niya'y nasa gawing balakang ng kabiyak. Dahan-dahang naupo si Amy at binababa ang kanyang katawan papunta sa nakatirik na alaga ni Drei. Pinapanood siya ni Mr. Reynoso habang hinihimas nito ang sariling titi na tumitigas pa lang.

Lumapat ang ulo ng titi ni Drei sa basang puki ni Amy. Saglit na tumigil si Amy habang nakahawak sa tuhod niya. Umuulos ang kabiyak at pilit na ipinapasok ang sarili sa katawan ng batang ginang, pero umaangat si Amy sa bawat ulos. Pareho niyang tinatakam ang dalawang lalaki.

   "Oohhhh," mabilis na sumagad sa kaibuturan ni Amy ang batuta ni Drei nang ibinaba na niya ang katawan niya. Nakasandal ang malaki niyang suso sa mga tuhod niya, kaya alam niyang kitang-kita ni Mr. Reynoso kung papaano siya pinupuno ngayon ng asawa. Tinukod ni Amy ang dalawang kamay sa dibdib ni Drei at sumandal. Nasa ganitong ayos siya nang simulan niyang umiindayog sa ibabaw ng kabiyak.

Ngayon ay si Mr. Reynoso naman ang pinapanood niya sa pagtatalik nilang mag-asawa. Mula sa salamin na nasa tapat ng kama ay nakita ni Amy ang ayos nila ni Drei. Nakabuyangyang ang buong alindog niya sa mata ni Mr. Reynoso. Kitang-kita ang nakabalot niyang puki sa titi ni Drei, na kumikinang dahil sa katas niyang bumabalot dito. Ang mga kamay ni Drei na gumagala sa kahubaran niya, nilalamas ang magkabilang suso, inaalalayan ang balakang na kumakadyot.

Kasabay ng mga ungol na namumutawi mula sa mga labi ni Amy at Drei ay ang paghimas ni Mr. Reynoso ng matigas niyang titi. Bukod dito ay walang kaimik-imik ang matanda habang pinapanood ang mag-asawang nagkakantutan sa kama.

   "Aaahhhh...aaaahhhh....aaaahhhh!," naunang nilabasan si Amy. Tinulak siya ni Drei at napahiga siya ng patagilid sa kama. Binuka ni Drei ang kanyang mga tuhod at saka pumuwesto roon. Isinabit muna ng kabiyak niya ang mga binti ni Amy sa balikat nito bago muling ipinasok ang basang tarugo sa naglalawang kepyas.

Sa lakas ng mga kadyot ni Drei ay dumadaosdos ang katawan ni Amy sa kama, hanggang sa lumaylay ang ulo niya sa gilid ng kama. Muli niyang nakita ang matanda na nakaupo sa silya at pinapanood silang maghindutan. Kumapit na si Amy sa tela ng kama para hindi na mahulog pa.

   "Sige paaa...fuck me more...aaahhhhh....sarap......uuuhhhhmmmm....," malanding mga daing ni Amy, tila ba gusto niyang udyukan ang libog ng dalawang lalaki.

   "AAAHHHHHRRRGGG!," ilang malalakas na bayo ang binitawan ni Drei habang pumuputok ang malapot niyang tamod sa sinapupunan ni Amy. At isa sa mga malakas na bayo na iyon ang nagtulak na rin kay Amy kaya siya nilabasan muli.

   "Ooohhhh yeessss...give it to me....aaaahhhhh...," daing ni Amy habang nilalabasan.

Hindi gaya ng kinagawian ay umalis agad si Drei sa pagkakapasak sa kanya. Nakapikit pa si Amy sa sarap ng katatapos nilang pagtatalik ng kabiyak niya, nang may humila sa kanya para hindi na nakalaylay ang ulo niya sa gilid ng kama. Tinaas niya ang ulo niya para silipin kung sino iyon, sakto namang pasak ng tarugo ni Mr. Reynoso sa kanyang kepyas. Ang pinaghalong katas ni Amy at tamod ni Drei ay nagsilbing pampadulas, kaya sumagad agad sa pagkakabaon ang matabang alaga ng matanda sa puki niya. Gayunpaman ay nabatak pa rin si Amy sa taba ng kargada ni Mr. Reynoso.

   "Aaahhhh...," napaungol na lang si Amy nang simula siyang kantutin ni Mr. Reynoso. Nilapat niya ang ulo sa kama at nilingon ang kabiyak niyang nasa tabi pa rin nila ng matanda. Nakahiga ito sa tagiliran at nakatukod ang ulo sa isang kamay na pinapanood si Amy habang nakikipagkantutan sa ibang lalaki.

Kinabig ni Amy ang ulo ni Drei papalapit sa kanya. Mapusok na naghalikan ang mag-asawa habang patuloy na kumakadyot ang matandang mayaman sa magandang ginang. Hindi naman nagpahuli si Drei at nilalamas ang magkabilang suso ni Amy.

   "Sige paa...sige paaa...!," pag-uudyok ni Amy sa dalawang lalaking kanyang kasiping.

Sa sobrang basa na ng kepyas ni Amy ay maingay na ang bawat kadyot ni Mr. Reynoso sa kanya. Ang bawat salpukan ng kanilang puson ay may kasabay ng tunog ng pagkalat ng pinaghalong katas ni Amy at tamod ni Drei.

   "Uuhhhhmmm....itong sa iyo...!," ang usal ni Mr. Reynoso habang pinuputok niya ang tamod sa loob ng puki ni Amy.

   "Aaaahhhhh.....aaahhhh...," ungol ni Amy, kasabay niyang nilalabasan si Mr. Reynoso.

Ilang saglit na nakapatong si Mr. Reynoso kay Amy bago nito hinugot ang matabang batuta mula sa puwerta niya. Naunang bumangon si Amy at nagtungo ng banyo para maghugas ng katawan. Sumunod sa kanya si Drei at sinimulang kargahan ang jacuzzi ng tubig. Huling dumating si Mr. Reynoso na may dalang bote ng champagne at tatlong baso.

Ang dutsa sa malaking banyo ay nasa isang dingding. Ang tanging harang nito mula sa ibang bahagi ng banyo ay isang malaking malinaw na salamin na nakakabit sa kisame at sahig. Walang pinto gaya ng dutsa sa bahay nila Amy at Drei. Sa halip ay bukas na lagusan ang magkabilang gilid ng malinaw na salamin. At doon sa magkabilang lagusan na iyon dumaan sila Drei at Mr. Reynoso para pagitnaan si Amy na nasa ilalim ng umaagos na tubig.

Noong una ay ayaw magbasa ng buhok ni Amy. Pero dahil sa nabasa na rin ito ng pawis kaya tinuluyan na siyang maligo. Maski ang dalawang lalaking nasa magkabilang tabi ni Amy ay naligo na rin muna nang hindi siya pinapansin. Kanya-kanya silang nagsabon ng katawan sa ilalim ng rumaragasang tubig. At nang nagbabanlaw na sila ay magkasabay na yumapos kay Amy si Drei at Mr. Reynoso.

Unang hinarap ni Amy si Drei. Humawak ang kabiyak niya sa beywang at niyakap niya ng leeg nito. Naipit sa pagitan nila ang malaking suso ni Amy at ang nakatirik na burat ni Drei. Habang mapusok silang naghahalikan ay nakasandal naman ang katawan ni Mr. Reynoso sa likuran ni Amy. Naipit sa may balakang niya ang naghuhumindig na sandata ng matanda. Malayang gumagala sa katawan niya ang kamay ni Mr. Reynoso habang hinahalik-halikan ng matanda ang batok at balikat ni Amy. Pagkalipas ng ilang sandali ay si Mr. Reynoso naman ang hinarap ni Amy, at nagpalit ng ginagawa ang dalawang lalaki. Si Drei naman ang naghihipo sa kanya at humahalik sa kanyang batok at balikat, habang si Mr. Reynoso naman ang nakikipaglaplapan kay Amy. At gaya ng unang dumating sila sa kuwarto ay salit-salit na nakipaghalikan si Amy sa dalawang lalaki.

Iginigiya na sana ni Mr. Reynoso ang titi papasok ng lagusan ni Amy, kaya tinulak niya ito. "Tara sa jacuzzi," malanding paanyaya niya sa dalawa. Hawak kamay niyang hinatak si Drei palabas ng dutsa.

Binuksan ni Mr. Reynoso ang bote ng alak at pinagsalin silang tatlo. Nakaupo sila sa bumubulang tubig habang iniinom ang champagne. Katapat ni Amy si Mr. Reynoso at nasa gawing kanan niya si Drei. Nangangalahati pa lang ng laman ng baso si Amy nang kabigin siya ng asawa niya na makipaghalikan. Naglalro ang kanilang mga dila habang nagpapalitan sila ng laway.

Hinatak ni Drei si Amy upang kumandong siya paharap sa kabiyak. Patuloy silang naghalikan at hindi pinapansin ang matandang nanunood sa mag-asawa. Nadama ni Amy na tinatapat ni Drei ang ulo ng titi nito sa kanyang puwerta. Kaya inabot niya sa bumubulang tubig at inalalayan itong makapasok sa yungib ng kaligayahan niya.

   "Aaahhhh...," napatingala si Amy at nakapikit nang mapuno uli ang kanyang puki ng malaking tarugo ni Drei. Nakalubog pa rin ang kanilang beywang pababa sa bumubulang tubig. Tinukod ni Amy ang kamay niya sa tuhod ni Drei at sinimulang kantutin ang asawa.

   "Ooohhhh....ganyan ngaaaa...," libog na sambit ni Amy nang isubo ni Drei ang isa niyang nakausling utong. Kumapit ang isang kamay ni Amy sa batok ng asawa para igiyak pa lalo sa kanyang dibdib ang nguso nito.

   "Aaaahhhh....ooohhhh....uuuuhhhhh," pabilis nang pabilis ang pag-indayog ni Amy sa kandungan ni Drei. Tumataas nanaman ang libog at pagnanasa sa kanyang katawan at malapit na uli niyang makamit ang sukdulan.

   "EEEEEEEE!," tili ni Amy nang marating nga niya ang gloria habang kumakadyot sa kabiyak. Hindi pa nakakabalik ang kanyang ulirat nang baguhin ni Drei ang kanilang ayos. Pinatayo siya ng asawa at pinatuwad at pinakapit sa kabilang pasilyo ng jacuzzi. At mula sa likuran ay muling pumasok sa kanyang pagkababae ang matigas na sandata ni Drei.

Nakatuwad siyang tinatanggap ang kantot ng asawa nang maramdaman ni Amy ang isa pang kamay sa kanyang umaalog na suso. Nakakapit sa kanyang balakang si Drei kaya nagtaka siya kung saan galing iyon. Dumilat siya para silipin ang nagmamay-ari niyon, at nakitang si Mr. Reynoso ang lumalamas sa kanyang dibdib. Biglang bumalik sa kanyang gunita na may kasama nga pala silang mag-asawa na ibang lalaki.

   "AAAAAHHHH!," hiyaw ni Amy nang muli siyang labasan sa ginagawng kantot sa kanya ni Drei. Kasunod niyang pumintig ang batuta ni Drei sa kaibuturan niya tanda na nilalabasan na rin ang asawa.

Habol-habol ang hininga ni Amy nang nilingon niya si Mr. Reynoso. Nakaupo na ito sa pasilyong kanyang kinasasandalan kanina at nakangiting hinhimas ang matabang titi sa pagitan ng hita niya.

   "May naghihintay pa sa iyo," bulong ni Drei sa kanya. Hinugot nito ang matigas pa ring titi at saka inalalyang tumindig si Amy, bago ipasa kay Mr. Reynoso.

Pinatalikod siya ni Mr. Reynoso bago paupuin sa kandungan nito. Inabot ni Amy sa pagitan ng hita niya ang alaga ng matanda at pinagtapat ang kanilang mga ari.

   "Uuuggghhhhhnnnn...," daing na kumawala sa bibig ni Amy nang pumasok sa kanya ang titi ni Mr. Reynoso. Mabilis na sumagad ang matabang batutang bumabatak sa kanyang kepyas. Ipinatong ni Mr. Reynoso ang mga tuhod ni Amy sa nakabukaka nitong hita bago hinila ang katawan ni Amy pasandal sa dibdib nito at saka nilamas ang suso niya.

Sa tapat nila naupo sa jacuzzi si Drei. Alam ni Amy na kitang-kita ng kabiyak ang magkasugpong nilang ari ni Mr. Reynoso. Lalo lang nakadagdag sa libog niya na pinapanood siya ng asawa na makipaghindutan sa mas matandang lalaki.

   "Uuuhhhhmmmm....aaaahhhh....," panay ang halinghing ni Amy habang nagtataas-baba siya sa matabang haba ng tarugo ni Mr. Reynoso. Sa harapan niya ay pinagmamasdan lang sila ni Drei habang iniinom ang kanyang champagne.

   "Ang sarap...sige paaa...oooohhhhh....," usal ni Amy habang gumigiling at umiindayog sa kandungan ni Mr. Reynoso.

Napuno ang banyo ng tunog ng bumubulang tubig, basang salpukan ng dalawang katawan na mainit na nagtatalik, at sagutan ng libog na mga ungol ng babae at lalaki. Patuloy si Amy na ginagamit ang ibang lalaking kasalukuyang katalik para sa pansariling kaligayahan, si Mr. Reynoso na sarap na sarap sa bawat galaw ng maganda at sexy na babae, at si Drei na nalilibugan sa kaalamang hindi mangyayari ang pinapanood niya kung hindi sila pumayag ng asawa.

   "Ayan na uliiii....AAAAHHHHHH!," sigaw ni Amy nang muling tumama sa kanya ang sukdulang sarap ng kamunduhan. Nangisay siya sa sarap sa kandungan ng matandang lalaki na ang titi ay nakapasak sa kanyang pekpek.

   "Ang sarap talaga ng asawa mo, Drei!," hiyaw ni Mr. Reynoso kasabay ng pangatlong pagkakataon ngayong gabi na makapagsaboy ito ng malagkit niyang binhi sa sinapupunan ni Amy. Dama ni Amy ang pagpintig ng matabang titi sa kanyang kaibuturan, tanda ng paglagak nito ng tamod sa loob ng katawan niya.

At mula noon ay naghalinhinan na ang dalawang lalaki sa pakikipagtalik kay Amy. Pagkatapos nila ni Mr. Reynoso ay matigas na ang tarugo ni Drei, at sasampa na ang kabiyak niya sa kanya. Pagkatapos nilang makaraos mag-asawa ay tirik na uli at alaga ng matanda, at ito naman ang gagamit kay Amy. Parang nagpapaligsahan si Drei at Mr. Reynoso sa kung sino sa kanila ang magpapasigaw ng pinakamalakas, pinakamatagal, at pinakamaraming beses kay Amy habang nilalabasan ang magandang ginang.

Buong magdamag ay walang kapaguran ang tatlo. At hindi lang sila nanatili sa kama. Kinantot din siya ni Mr. Reynoso doon sa silyang inupuan nito noong pinanood niya ang mag-asawa. Nilabas din siya ni Drei sa terrace at doon siya patuwad na kinantot. Maski ang sala at kusina ng suite ay hindi nakaligtas sa kahalayan ng tatlo. Bawat sulok ng presidential suite ay bininyagan nila. Hindi na sila naghuhugas ng katawan, at ihi na lang ang naging pahinga ni Amy. Napuno ng ingay, daing, ungol, at halinghing ng tatlong taong nagsasalo sa kamunduhan at kahalayan ang presidential suite ng gabing iyon.

Nag-order pa ang matanda ng prutas para may makain sila at magdagdag sa kanilang lakas. Nang dumating ito'y pilyang sinalubong ni Amy nang walang suot na anumang saplot, ni magtapis ng tuwalya ay hindi ginawa. Ang kawawang room boy na naghatid ay natulala na lang nang makita ang hubo't hubad na katawan ni Amy.

   "Akala ko pasasalihin mo pa yung room boy," pang-aasar ni Drei nang maipasok na ni Amy ang karitelang pinaglalagyan ng mga prutas. Pumitas ito ng isang ubas.

   "Gago!," pang-asar ding banat ni Amy sa asawa. "Sa inyong dalawa pa lang ko-quota na ako."

Nakatayo si Amy sa likod ng isang upuan sa sala, at nasa likuran niya ang kanyang asawa. Pinatuwad siya ni Drei sa ibabaw ng sandalan at pinatukod ang kamay sa patungan ng braso ng upuan. Saka isinubo ni Drei ang pinitas niyang ubas kay Amy bago nito tinarak muli ang naghuhumindig niyang titi sa naglalawang puki ni Amy.

   "Eehhhrrrggghhh," maski puno ang bunganga ay napadaing si Amy. Habang nagkakantutan silang mag-asawa ay sinusubuan nila ang isa't-isa ng ubas. Samantalang si Mr. Reynoso ay nakaupo lang sa sofa at pinapanood silang magkantutan habang kumakain ng mansanas.

Ilang beses ding nagsabay sila Drei at Mr. Reynoso sa pagkantot kay Amy. Pero hindi na katulad ng unang beses na sa puwet at kepyas niya tinanggap ang dalawang titi. Sa halip ay tsupa na lang ginawa ni Amy doon sa lalaking hindi kumakadyot sa pagkababae niya. Hindi na binilang ni Amy kung ilang kargada ng tamod mula kay Drei at Mr. Reynoso ang nilunok niya nang gabing iyon.

Naipaghambing din ni Amy ang mga alaga ng dalawang lalaking kakantutan niya. Ang titi ni Mr. Reynoso ang mas mataba sa dalawa. Makinis at halos pantay lang ang ulo sa bilog ng puno nito, bukod sa uka sa dugtungan ng ulo at puno. Kayang-kaya ni Amy na isubo ng buo ang kahabaan, pero nangangalay siya kapag matagal. Ang tarugo naman ni Drei ay mas mahaba, may isa't kalahating pulgada sa tanya ni Amy. Maugat ang puno at parang kabute ang malaking ulo. Hindi nangangalay si Amy sa pagtsupa, pero nabibilaokan naman siya.

Ang tanging tinanggihan ni Amy ay nang subukan rin siyang kantutin ni Mr. Reynoso sa puwet. "Exclusive sa asawa ko yang butas na yan," mariin na pahayag ni Amy habang nakangiti kay Drei.

Sumisikat na ang araw nang makabalik silang tatlo sa kama. Nasa gitna ng dalawang lakaki si Amy habang magkalapat ang kanilang mga katawan. Nakabukaka si Amy at nakadantay sa magkabilang hita sila Drei at Mr. Reynoso, na may tig-isang hawak na suso. Maski si Amy ay nakatulog na hawak ang malalambot na titi ng dalawang lalaking nagpaligaya sa kanya sa buong magdamag. At kahit kailan ay hindi inalis ni Amy mula sa leeg niya ang agnos na naglalaman ng larawan nila ni Drei na bagong kasal.


Mataas na ang araw nang magising si Amy. Wala ang dalawang lalaki sa kama, pero nariring niya ang mga boses nilang nag-uusap. Marahan siyang pumihit sa kama paharap sa pinanggagalingan ng mga boses at nagkunwaring tulog pa rin. Baka kasi kung anong gawin ng dalawa kung malaman nilang gising na siya. Binuka niya ng kaunti ang isang mata at nakitang nakaharap siya sa terrace, kung saan ay nag-uusap sila Drei at Mr. Reynoso.

   "May itatanong ako sa iyo," boses ni Mr. Reynoso. "Alam mo bang naging call girl si Amy at regular client niya ako."

   "Opo alam ko," sagot ng boses ni Drei. "Alexa ang tawag sa kanya, at regular client niya rin ako."

   "I thought as much. Pero pinakasalan mo pa rin? Iba ka talagang bata ka!"

   "E sa napamahal po ako sa kanya."

   "Kung sabagay, ilan beses ko rin siyang inalok na maging kabit ko na lang at tumigil na sa pagiging escort."

Saglit na natahimik ang dalawang lalaki. Patuloy lang na naghintay at nakinig si Amy mula sa kinahihigaan niya.

   "I know this is none of my business," pagpapatuloy ni Mr. Reynoso sa kanilang usapan. "Pero may iba ka pa bang babae bukod kay Amy?"

   "Bakit pa po ako magkakaroon pa ng iba?," ang natatawang sagot ni Drei. "Nakita niyo naman po, kay Amy pa lang ay ubos na ako!"

Natawa ang dalawang lalaki. Nainis si Amy sa asawa dahil sa narinig at babangon na sana para sugurin kung hindi nagsalita muli si Drei.

   "Pero, seryosohan po," pambungad ni Drei. "Bukod sa angking kagandahan at panlabas na kaanyuan ni Amy, marami pa siyang magagandang katangian. Mabait, maintindihin, mapagbigay, matalino, alam niya kung kailan siya mali at mahina at tanggap niya iyon. Wala na akong hahanapin pang iba, at sa katunayan, hindi ko alam kung anong nakita niya sa akin. Alam niyang dati rin akong client ng mga call girl at may hilig rin sa babae. Pero mula nang makilala ko siya, lahat ng iyon ay nag-iba. Parang wala nang ibang babae sa mundo bukod sa kanya. Wala na kasing ibang kayang tapatan si Amy para sa akin."

Muling natahimik ang dalawang lalaki.

   "Alam mo, hijo," sabi ni Mr. Reynoso. "Kailan lang kita nakilala. Pero pinagmamasdan kita kagabi doon sa event. At nakikita ko ang kabataan ko sa iyo. Madiskarte, alam ang ginagawa, at malakas ang dating sa mga babae. Marami ang nakikipag-flirt sa iyo kagabi, pero ni isa ay hindi mo pinansin.

   "At doon tayo nagkaiba. Maski may asawa na ako ay babaero pa rin ako. Wala pang dalawang taon kaming kasal ay may kabit na ako. And through the years, paibaba yung mga babae ko. Ilang beses din akong tinakot ng yumao kong asawa na hihiwalayan ako kung hindi ako tumigil, pero tinawanan ko lang siya. Hanggang sa kung kailan pareho na kaming may edad at malaki ang mga anak namin ay ginawa nga niya.

   "Noong una ay hindi ako makapaniwalang ginawa niya iyon. Pero nangulila talaga ako sa kanya noong mga buwan na magkahiwalay kami. Kaya sinuyo ko siyang patawarin ako, at nangakong hindi na uulit.

   "Pero mahina talaga ako sa tawag ng laman. Kaya imbes na magkaroon ng kabit ay nagsimula akong kumuha ng call girl. Mas madali nga naman kasing itago. At doon ko nakila si Alexa. At kahit na nangako akong hindi na ako magkakaroon ng kabit ay handa akong isugal uli ang aking kasal. Iba kasi ang katauhan niyang babae na pinakasalan mo.

   "At kagabi, kahit na magkasalo tayo sa katawan ng asawa mo, may kakaiba pa akong nakita. Kung sa akin, si Alexa, o Amy, nakikipagkantutan lang. Pero kapag kayo, iba ang ginagawa niya. Higit pa sa pakikipagkantutan. She makes love to you. Nasa mga mata niya, sa galaw ng katawan niya. Higit pa sa pagsusugpong ng inyong mga ari ang nangyayari.

   "Kaya pahalagahan mo ang inyong relasyon. Kahit na ipagpatuloy ninyo itong open-relationship ninyo, huwag na huwag kang gagawa ng maski ano na makaksakit kay Amy. She is a special woman, and you are lucky that she choose to spend her life with you. Bibihira ang ganyang tao, Drei. Huwag mo nang pakakawalan.

   "Sinasabi ko sa iyo ito para hindi ka matulad sa akin. Noong una akong iniwan ng mahal kong Victoria dahil sa aking mga kabit, andiyan pa rin siya e. Puwede kong suyuin at hingan ng tawad. Pero nang siya yumao dahil sa cancer, wala na talaga. Wala na akong kasalo sa tuwa at ligaya ng mga tagumpay, wala na ring kasama na umiiyak sa oras ng hinagpis. Wala na akong kasosyo sa buhay. Oo, puwede na akong mambabae muli, ngunit bibihira lang talaga ang taong darating sa iyong buhay na makakapagbigay ng higit pa sa tawag ng laman. Huli na para sa akin nang maunawaan kong natagpuan ko na iyon kay Victoria. At kahit hindi niyo pa parehong nauunawaan, pareho kayo ni Amy na natagpuan na ito sa isa't-isa. Pareho niyong tinanggap ang inyong masalimuot na nakaraan. Kaya kayang-kaya ninyong harapin ang maski anong unos sa inyong pagsasama basta ba matatag at magkakaisa kayo."

Muling natahimik ang dalawang lalaki. Maski si Amy ay walang masabi sa pahayag ni Mr. Reynoso.

   "Maliligo na po muna ako," sabi ni Drei matapos ang ilang sandali. "If you want one more go with Amy, feel free to wake her up."

   "Salamat, hijo," sagot ng matanda. "And from now on, you and Amy can call me Jaime."

Pumasok na nga si Drei at saglit na tumigil sa tabi ng kama. Nakapikit pa rin si Amy at nagtutulog-tulugan. May dumamping halik sa kanyang pisngi. Muling sumilip si Amy at nakitang patungo ng banyo ang kabiyak na wala pa ring saplot.

Saglit lang ay pumasok na rin si Mr. Reynoso. Naupo ito sa tabi ng kama at pinagmasdan ang hubad niyang katawan na nakahiga sa tagiliran. Tulad nila ni Drei ay wala rin itong suot na maski ano. Doon na dumilat si Amy at nagkunwaring kagigising lang.

   "Asan asawa ko?," tanong ni Amy sa matanda pagkaupo sa kinahihigaan. Hindi na siya nagtakip pa ng hubad niyang katawan dahil nga wala na rin siyang ikahihiya pa sa matanda.

   "Naliligo," ang tanging sagot ng matanda.

   "Kaya pagsasamantalahan mo ang pagiging mag-isa natin dito?," panunukso ni Amy.

   "Hindi na, hija," ang sagot ni Mr. Reynoso. Tumayo ito at nagsimulang magbihis. "Hindi naman sa hindi ko na kaya. Palagay ko naman ay napatunayan ko na ang sarili ko sa iyo. Ang sa akin lang ay tama na ang naging mga karanasan natin sa isa't-isa. At hindi na rin kita gagambalain pa."

Nakatunganga lang si Amy sa matanda at pinanood itong magbihis. Kahit na alam niya kung bakit, hindi niya akalain na tatanggihan na ng matanda ang pagkakataong makatalik siya ng isa pang ulit habang wala ang kanyang kabiyak.

Nang matapos magsuot ng sapatos si Mr. Reynoso ay tumayo na ito at dinampot ang suit jacket niya mula sa sahig. "Gaya ng sinabi ko kay Drei, pahalagahan ninyo ang inyong samahan at ang isa't-isa. Bihira ang makahanap ng taong tanggap ang buong pagkatao mo.

   "The two of you can stay until tomorrow's check out and order anything you like. I'll have the hotel bill me. Consider it my wedding gift to you." At lumabas na ng suite si Mr. Reynoso.

   "O, asaan si Mr. Reynoso," ang tanong ni Drei pagkatapos maligo. Nagpupunas para ng buhok at wala pa ring saplot.

   "Ayun, nauna na siya," sabi na lang ni Amy.

   "Kumusta ka naman," usisa ni Drei sa kanya.

   "Grabe kayong dalawa!" sagot ni Amy. "Kahit noong magdamagan natin noong mag-propose ka, at noong mag-honey moon tayo, kahit na noong samahan ko si Mr. Reynoso sa Tagaytay hindi ako nahindot ng ganoon katindi. At least doon sa mga binanggit ko nakapagpahinga ako pagkatapos labasan. Kagabi, tuloy-tuloy lang niyo akong kinantot! Hanggang ngayon may tumatagas pang tamod niyo galing sa puki ko. At sobra akong nalibugan makita kayong libog na libog dahil sa akin."

   "Wala ka namang pinagsisisihan?," seryoso ang tanong ni Drei.

   "Wala," ang medyo nag-aalangang sagot ni Amy. "Sa tingin mo ba sumobra ako kagabi? Na naging nymphomaniac uli ako?"

   "E sa sinasabayan mo lang ang pagiging manyakis namin ng matanda," pahayag ni Drei. "Kaya hindi ko masabing nagpaka-nymphomaniac ka kagabi."

   "Ikaw ba may pinagsisisihan sa nangyari kagabi?," si Amy naman ngayon ang nagtanong sa kabiyak.

   "Mukha bang may pinagsisihan ako sa kagabi?," sagot ni Drei. "Atsaka ang usapan ay kung may ayaw na sa nangyayari ay magsabi lang. E pareho naman tayong tuloy-tuloy lang, at mukhang pareho rin naman tayong nasiyahan sa nangyari."

   "Kunsabagay," pagsang-ayon ni Amy sa asawa.

   "O, ano?," tanong ni Drei. "Uwi na ba tayo?"

   "Sabi ni Mr. Reynoso na sagot na niya hanggang...


You might also like to visit: