Showtime Begins In:

Click here to visit her Live Show on Pinays247.com

Ang Pambansang Kawal (Liham sa Asawa)

Submitted by on Wednesday, 7 September 2016, 12:30 PM | True Story | Tagalog
Categories: Erotic Couplings, Romance, One Night Stand   Tags: , ,

Tumatakbo ng walang tigil si Erika, wala ring tigil ang pagtawag nito sa pangalan ng pinakamamahal na asawa, pati na rin ang luhang tumutulo. Hindi nito alintana ang pagod at hingal. Mahigpit na nakahawak sa kanang kamay nito ang iPhone nito, nakabukas ang screen nito. Makikita sa screen ang isang napakahabang text:

"Erika, pagkabasa mo nito ay wala na ako sa tabi mo. Di ko rin alam kung buhay pa ba ako noon pero, buhay man ako o hindi, ito na ang huling paalam ko sa iyo.

Ikaw lang ang bukod tanging babaeng minahal ko sa buhay na ito. Kahit mahirap, tinakasan ko ang mga klase ko sa PMA upang makapiling lamang kita. Kahit na di ko kayang bigyan ka ng magarang kasal dahil mahirap lang kami, pinaghirapan kong maibigay sa'yo. Kasi mahal na mahal kita. Handa kong ibigay lahat sa iyo. Tanda mo pa ba iyon?

Ngunit, bago ko hiningi ang kamay mo, tinanong kita kung handa ka bang pakasalan ang isang tulad ko. Isang kawal ng bayan. Anumang oras na kailanganin ako ng bayan, maaari kitang iwan, baka hindi na ako makabalik. Sabi mo sa akin ay hindi ka magsasawang maghintay, kahit pa ikaw ay tumanda na dahil ako lang ang mamahalin mo. Tanda mo pa ba iyon?

Di na ako magpapaligoy ligoy pa. Bakit mo nagawa sa akin iyon? Bakit? Sobrang sakit, Erika. Gusto kong gumanti. Gusto kitang saktan. Gusto kong pumatay. Pero naisip ko, isa akong sundalo. Nangako ako sa Diyos na habang ako ay nasa serbisyo ay poprotektahan ko ang mamamayang Pilipino. Isa ka na doon. Pero higit sa lahat, ikaw ang aking asawa. Paano ko magagawa sa iyo iyon?

Tama na na ako ang nasaktan. Hindi mo na kailangan pang pagdaanan ang sakit at hapdi na pinagdaanan ko sa nakalipas na buwan. Ang nakalipas na buwan na parang isanlibong taon ng buhay ko.

Pero, kailangang may buhay na magbabayad ng lahat ng ito. Lahat ng hapdi at sakit sa puso ko. Upang maibsan ang poot na naghahari sa akin ngayon. Hindi ikaw ang kailangan magbayad, Erika. Sana ako na lang. Sana ako na lang, para tuluyan ka nang maging malaya. Malayang gawin ang kahit na ano pang gustuhin mo sa buhay. Magiging malaya ka nang makasama si Michael. Gumawa kayo ng maraming anak, na hinding hindi ko naibigay sa iyo. Lahat ng bagay na makakapagpakuntento sa iyo, na naging pagkukulang ko sa iyo. Basta maging malaya ka, at magiging malaya na rin ako.

I loved you, Erika. Pero mas mahal ako ng Pilipinas. Kahit gaano ako kasamang tao, hindi nya ako iniwan. Hindi nya ako pinagpalit. Hindi nya ako sinaktan. Inalagaan nya ako kahit tinadtad ko ng napakaraming bala ang kanyang katawan, kahit pinatay ko pa ang kanyang mga supling, aking mga kapwa Pilipino. Sa lahat lahat ng iyon, mahal pa rin nya ako!

Ang masakit na tanong ay, ikaw? Bakit mo ako pinagpalit? Bakit mo ako sinaktan?

Paalam.
...


You might also like to visit: