Showtime Begins In:

Click here to visit her Live Show on Pinays247.com

Ang Pambansang Kawal (Part 5)

Submitted by on Wednesday, 7 September 2016, 01:31 PM | Fiction | Taglish
Categories: Erotic Couplings, Romance, One Night Stand   Tags: , ,

Biyernes, 5:30 ng madaling araw. Masakit ang ulo ngunit masarap ang naging tulog ni Bong. Sa dami ba naman ng naiputok nya, sino ba namang hindi makakatulog ng ganun kasarap. Napatingin ito sa katabi. Isang napakagandang dilag ang kanyang nasaksihan. Di nya maiwasan na maalala ang mga masasarap at matatamis na ala-alang hatid ng magandang mukha nito. Napangiti ito. Bakit di na lang kaya nya ito patawarin?

"Pag-iisipan ko." bulong ni Bong sa sarili. Naisip nya na sa oras na patawarin nya ito ay lalayo na lamang silang dalawa sa magulong buhay ng Maynila. Magtatanim na lamang sya ng mais at palay sa lupaing iniwan sa kanya ng namayapang ama sa Ilocos Norte. Doon ay mapayapa na silang mamumuhay, kakalimutan ang mapait na nakaraan, gagawa ng anak, at palalakihin ang mga ito. Tatanda silang magkasama, at mamamayapa nang magkasama.

Nakangiti pa rin itong nakatingin sa natutulog na asawa nang may tumunog sa ilalim ng unan nito. Hindi nagising ang babae. Biglang nawala ang ngiti sa labi ni Bong. Dahan dahan nitong kinuha ang iPhone ng asawa. May mensahe. Sinubukan nya itong buksan ngunit naka lock ito. Sinubukan nya ang mga posibleng passcode ng asawa. Walang tumama. Ngunit biglang naalala ni Bong na nung bagong bili nya ito ay di nito kasama ang asawa. Kaya pinabukas ng vendor sa kanya ang iPhone at ininput sa fingerprint scanning nito ang kanyang hintuturo. Hindi na nya ito nasabi sa asawa dahil sabik ito nang iregalo sa kanya ito ni Bong noong nakaraang kaarawan nito.

At nabuksan na nga ng tuluyan ni Bong ang phone. Isang nagngangalang "Baby Ko" ang nag message sa Viber. Sumimangot si Bong. Bumalik ang lahat ng poot sa kanyang puso. Nakita nya ang conversations ng dalawa, di pa nakuntento sa sex at nagpadala pa ng video at pictures na hubad si Erika, habang naglalaba, habang naliligo. Di pa nakatiis at gumawa pa ito ng video na finifinger ang sarili gamit ang handle ng suklay. Mabilis ang pagrapido nya dito. Tinanong pa sya ni Michael kung pwede daw ba nya itong sunduin sa bahay. Tumanggi si Erika dahil kahapon ang day-off ni Bong at baka mahuli pa sila nito.

Pinindot ni Bong ang text box ng conversation nila. Napakatagal nitong nagttype. Pagkatapos ay nilock nito ang phone at pinatong sa lamesa. Mabilisan itong nag impake ng damit at iba pang necessities at saka lumuluha itong umalis patungong Malakanyang. Hindi na nya muling tinignan ang magandang asawa.
--
Biyernes, 6:45 AM...

Pagkarating sa Malakanyang ay agad syang sinalubong ng mga PSG agents. Ito ang kanyang unang araw bilang Vice Commander. At maaaring ito rin ang huli. Di nya ito pinahalata sa mga kasamahan.

"Huuuyyy Bong, I mean Sir Vice Commander pala! Congrats sa promotion! Kelan ka magpapainom? Hahaha!" pilyong tugon ni Sgt. Ben.

"Ikaw Ben kahit kailan di ka na nagbago puro na ata alcohol yang tyan mo eh. Saka anong Vice Commander pinagsasabi mo dyan, ang haba kaya nun. Captain Sanchez na lang. O di kaya Bong. Mas mabuti pa." usal ni Bong.

"Naku sir pag narinig kami ni Dracula (nickname nila kay Cmdr. Gomez dahil minsan na daw nitong sinipsip ang dugo ng isang napatay na Abu Sayyaf gawa ng sobrang galit nito sa kanila sa pagpugot ng mga bandido sa unit nya) yari kami! Baka ipadala kami sa Sulu non!" sambit ni 2nd Lt. Kiko.

"Oo nga pala nasaan na nga pala si Commander?"

"Ayun nasa opisina mo, hinihintay ka pala nya." sagot ni Ben.

Dali dali itong nagtungo sa kanyang opisina. Lintek na opisina pala iyon. Yung CCTV Room ang na-designate sa kanya na opisina nya, kung saan nya nalaman kung paano nagumpisang nagtaksil ang mababaw na asawa nya.

"Good morning Soldier! Please have a seat." nagpalitan sila ng salute at saka umupo.

Sandaling nagkwentuhan ang dalawa, parang ama at anak na matagal na nawalay sa isa't isa. Nandito ang mga paalala ni Gomez sa kinakaharap na krisis ni Bong. Kinukumbinsi nya ito na pagbigyan si Erika at patawarin na lang at lumayo na, kung magagawa nito ang paghihiganti kay Michael. Napaisip si Bong. Oo nga naman, kung mapapatay o mababaldado nya ito sigurado ay pagtatakpan sya ni Gomez at ng Pangulo dahil assignment ito sa kanya. Wala nang magiging hadlang pa sa kanilang dalawa. Sinabi ni Bong na baka ganun na lang ang gawin nya. Napangiti si Gomez at binigay na sa kawal ang assignment nito.

"This is your assignment for today. It's a protection order. You've been assigned to guard the VIP's brother." paguutos ni Gomez.

"May kapatid po ang VIP?!?" gulat na tanong ni Bong.

"Yes, mayroon. But it's his half-brother. Tinago lang nya sa publiko kasi sobrang yaman nito, may ari ng kumpanya na iniwan ng papa nila. Ito rin ang nagpopondo sa mga campaigns ng Presidente way back when he started politics. Pero ayun nga, hindi nya pwede itong ibunyag kasi baka hanapan sya ng dumi ng oposisyon."

"However, you will not be guarding him up close. You will have to watch him from a distance of 50 meters. Ayaw kasi nya ng may bodyguard na malapit sa kanya. He prefers to be guarded from afar. Now, come and I will introduce him to you." usal ni Gomez. Naaawa ang matandang sundalo kay Bong, ngunit wala syang magagawa dahil utos ito sa kanya ng Pangulo.

"Asus, akala ko ba life-and-death tong assignment na to? Akala ko bang papatayin ko yung Michael na yun? Bakit protection order lang tapos sa loob pa ng Palasyo." nagtatakang tanong ni Bong. Di kaya nagkamali ng order ang VIP sa kanya nung nagkita sila nito sa bar? O di kaya may iba na syang napagutusan? Yun ang akala ni Bong.
--
Biyernes, 8:30AM

Habang naglalakad sa pasilyo ng hardin ang dalawa...

"I will have to change my mind. I won't introduce him to you anymore. I will just show him to you from 50 meters. I already gave him your dossier so I assume he knows what you look like. I already instructed him that from the moment he steps out of his room, a guard will already be watching him from afar. Para di na sya magtaka."

"There he is.." wika ni Gomez.

Tumingin si Bong sa may English swing malapit sa maze ng hardin. May nakaupo na lalaki. Nasa early 30s ito, matipuno ang pangangatawan, maputi tulad ng Pangulo, nakatingin ito sa phone, tila may katext. Pinagmasdan ni Bong ang mukha. Di ito makapaniwala. Ito yung lalaking nasa Batasan, ang lalaking nasa video ng maze, ang lalaking may hubad na larawan at video sa Viber. Ang lalaking lumapastangan sa kanilang pagsasama ng asawa! Nung una ay hindi makapaniwala si Bong, baka nakikita lang nito ang mukha dahil matagal na nya itong iniisip. Kinusot nito ang mata. Di nagbago ang anyo. Kinusot kusot muli. Ganun pa rin. Hanggang sa..

"Yes, Bong. Tama ang nakikita mo. He is the one...his name is Michael Gonzales."

Biglang nandilim ang paningin ni Bong sa tinuran ni Gomez. Hinawakan nito ang baril sa bewang. Pinigilan sya ni Gomez.

"Son, don't. You will fail. And if you fail, you know what will happen to you. The world will never know that you existed. Wala silang iiwan na bakas. Pati asawa mo, madadamay din. Pati pamilya mo, di palalagpasin nyan. Hawak nya sa leeg ang Pangulo dahil ito ang pumopondo sa kanya. Kaya nyang gawin ang lahat. But you will have to be patient and make the right decision on this. Apply everything that I've told you. Remember, you are here as a soldier to obey a command. And obey you must."

"Morality. Alertness. Bravery. Int...


You might also like to visit: