Showtime Begins In:

Click here to visit her Live Show on Pinays247.com

Binyagan Sa Tuwing Bakasyon

Submitted by on Friday, 1 April 2016, 03:09 AM | Blog | Tagalog
Categories: Non-Erotic   Tags: ,

Natatandaan ko noong bata ako na mahilig kaming manood ng mga kaibigan ko ng mga batang lalake na nasa 8-12 years old na tinutuli sa tuwing sasapit ang bakasyon. Sa mga buwan ng Abril at Mayo kasi ang pinakamagandang pagkakataong "magpabinyag" dahil may sapat na panahon para magpagaling ng sugat.

Simple lang ang procedure sa tradisyunal na pagtuli na kung tawagin namin ay "de-pukpok". Ito ang pinakapopular noong araw dahil madalang pa ang doktor at bukod dito ay walang pambayad.

Una ay luluhod. Ikalawa ay patitingalain sa langit. Ikatlo ay ipapatong ang balat ng titi sa nakatuhog na kahoy sa lupa habang ngumunguya ng dahon ng bayabas. Ganon lang.

Kapag nakaset-up na ay saka pupukpukin ang nakausling balat gamit ang napakatalim na labaha. Mula sa pagpukpok na ito ay maririnig ang unang sigaw ng pagkabinata. Magpapalakpakan at maghihiyawan naman kami sa bawat matatapos na tuliin na akala mo ay nanalo sa isang pustahan.

Karamihan sa amin na nanonood noon ay hindi pa rin tuli kaya iba't iba ang nararamdaman sa proseso na ito pero basta ang natatandaan ko ay masayang manood.

Ang susunod na eksena ay iluluwa ang nginuyang bayabas at ilalagay sa nagdurugong sugat saka tatalian ng maliit na pahabang tela na kung tawagin ay baru-baruan. Ito raw ay magsisilbing gamot na siyang magpapahilom agad sa titing tinanggalan ng balat.

Makikita ang iba't ibang reaksyon ng mga nakapila sa unang bata na manu-manong tinuli. May umiiyak, may nagtatapang-tapangan at may tumatakbo agad kapag narinig na ang sigaw kasabay ng tunog ng paghataw sa labaha.

Kapag ganap nang natalian ay may ilang bilin ang nagtutuli at ito ang ilan sa mga natatandaan ko:

1. Huwag ipapakita sa kahit na sinong babae.

Reason: Baka raw mangamatis. Ito yung namamagang parang kamatis ang titi. Kayo na bahalang mag-imadyin.

2. Iwasang manood ng TV.

Reason: Baka raw may mapanood na nagsesex ay tumigas at mabatak ang sugat.

3. Lagi daw dapat may hawak na kutsara.

Reason: Idadampi raw sa ulo ng titi kapag tumitigas dahil malamig ang bakal at nakakapagpalambot sa nagngangalit na tarugo.

4. Maligo sa dagat lalo sa unang mga araw.

Reason: May natural healing power daw ang alat ng dagat. Kung walang dagat na mapuntahan ay huwag ipalit ang swimming pool at baka maimpeksyon.

5. Langgasin o linisin ang sugat mula sa pinagkuluuan ng dahon ng bayabas.

Reason: May antiseptic o antibiotic power naman daw...


You might also like to visit: