Showtime Begins In:

Click here to visit her Live Show on Pinays247.com

Boystowner (The Love Story Part 6 Finale)

Submitted by on Sunday, 3 April 2016, 05:57 AM | Fiction | Taglish
Categories: Romance   Tags:

Matapos ang isang linggong honeymoon sa Boracay ay nagbalik na sila Brian at Joanne sa Maynila upang bumalik na sa kanilang trabaho. Na promote bilang senior officer si Joanne samantalang tadtad naman ng order mula sa mga customer ang negosyo ni Brian. Masaya ang mag asawa sa takbo ng kanilang buhay. Pansamantala silang nakatira sa mga magulang ni Brian habang ipinapatayo pa ang bahay nila sa tapat nito.

Dalawang buwan matapos ang honeymoon nila Brian at Joanne ay nakita nila si Leslie kasama ang kanyang anak niyang si Troy sa bahay kausap ang mga magulang ni Brian. Binati naman siya ni Brian at ipinakilala si Joanne.

Brian: Ate Leslie si Joanne nga pala. Asawa ko. Joanne ang Ate Leslie ko.

Joanne: Hi Ate.

Leslie: Hello.

Dito biniro ni Brian ang kanyang ate na nagtatampo siya at di niya sinipot ang kanyang kasal.

Brian: Ate nagtatampo ako sa iyo. Bakit hindi mo sinipot kasal ko?

Leslie: ha? Wala akong natanggap na imbitasyon.

Brian: pinadala ko sa bahay nyo.

Leslie: Brian dalawang taon na kaming hiwalay ni Roy.

Brian: ha? Bakit?

Leslie: nahuli ko siyang may babae. Hindi lang basta babae pero naanakan pa niya.

Ipinakilala din ni Leslie si Troy sa kanila. Siyam na taon na si Troy.

Leslie: ay sya nga pala anak ko si Troy.

Joanne: hi Troy.

Troy: hello Tita Joanne.

Julie: ilang taon ka na Troy?

Troy: 9 po.

Papa: napadalaw ka pala Leslie?

Dito sinubukan ni Leslie humingi ng tulong pinansyal sa kanyang ama.

Leslie: Papa hihingi sana ako ng tulong para makaraos lang sa araw araw

Papa: Si Brian na ang namamahala dito sa bahay at negosyo.

Halos lumuhod si Leslie ngunit pinigilan ito ni Joanne.

Joanne: Ate you don't have to do that.

Nag walk out si Brian at pumanik sa kwarto. Sinundan naman siya agad ni Joanne upang kausapin.

Joanne: hon tulungan na natin ate mo.

Brian: tulungan? Eh ipinatapon nga niya ako sa Boystown. 4 years Joanne! 4 years akong nagdusa!

Maiyak iyak si Brian habang naglalabas ng sama ng loob.

Brain: tapos iniwan pa nilang walang pera ang negosyo. Joanne hindi ko siya matatanggap.

Joanne: Brian nandun na ako. Pinahirapan ka niya. May nagawa siyang pagkakamali. Brian nagdurusa na ang ate mo. Brian maswerte na tayo. Sagana na tayo sa buhay. Tulungan natin ang Ate Leslie mo.

Sadyang matamis ang dila ni Joanne at nakumbinsi niya si Brian na patawarin na ang kanyang Ate Leslie at Ate Eileen.

Tianggap siya ni Brian sa kondisyon na maghahanap siya ng trabaho. Pumayag naman si Leslie. Kinabukasan ay naghanap na siya ng trabaho at nakahanap naman siya. Maganda ang benepisyo nito at kasama pa ang pamilya ngunit problema ni Leslie kung kanino ihahabilin si Troy. Tianggap naman ni Brian ang pag aalaga kay Troy. Dito nag alinlangan si Leslie na baka mamaya ibaling ni Brian lahat ng galit niya sa kanya kay Troy ngunit nangako naman si Brian na hindi niya gagawin yon.

Itinuring ni Brian na parang anak si Troy. Tutal wala pa naman silang anak ni Joanne. Tuwang tuwa ang mag asawa dahil nakakatulong naman sa kanila ang bata. Tinuturuan nila ito minsan sa mga lesson niya lalo na kung wala ang kanyang ina. Minsan naman ay sila Rachel at Julie naman ang umaalalay sa kanya. Mabilis niyang nakasundo ang kanyang tito pati na mga tita.

Isang gabi naman ay may malakas na kumakatok sa kanilang pintuan. Sinilip ni Brian sa bintana ngunit wala siyang makita. Nag alinlangan na si Brian at dinala niya ang kanyang baril. Nang buksan niya ito ay nagulat siya. Si Eileen pala ito.

Brian: Ate Eileen. Ano ginagawa mo dito?

Napayakap si Eileen sa kanyang kapatid habang tumutulo ang kanyang luha. Nagising din ang buong pamilya sa lakas ng katok. Nagulat din silang lahat nang makita si Eileen. Ang dami niyang pasa sa mukha.

Rachel: ate ano nangyari sa iyo?

Julie: ate bakit ang dami mong pasa sa mukha?

Eileen: tumakas ako sa asawa ko. Lagi kasi niya akong pinag bubuhatan ng kamay. Naiwan ko nga sila Elmo at Phoebe dun sa bahay. Palagi din niya akong kinukulong sa bahay. Kaya hindi ako nakapunta sa kasal mo.

Niyakap ni Brian ang kanyang Ate Eileen at nangakong tutulungan siya.

Brian: huwag kang mag alala ate kukunin ko sila Elmo at Phoebe bukas.

Kinabukasan sinugod ni Brian ang kanyang bayaw na si Noel kasama ang mga pulis at SWAT para masigurado ang kanilang kaligtasan. Ginulpi agad ni Brian si Noel.

Brian: HAYOP KA NOEL!

BOG! Tunog ng malakas na suntok ni Brian sa sikmura ng kanyang bayaw. Nagmakaawa si Noel kay Brian.

Noel: Bayaw huwag...

Brian: ULOL! NAMNAMIN MO NGAYON ANG MGA GINAWA MO KAY ATE!

Sinuntok ni Brian ang mukha nito at halos mabasag ito sa lakas ng suntok ni Brian. Tumigil na lamang siya nang pigilan siya ng mga SWAT at pulis.

Dito nakuha na ni Eileen ang kustodiya kila Elmo at Phoebe. Walong taon na si Elmo samantalang limang taon naman si Phoebe.

Naiuwi na nila ang mga bata sa bahay nila Brian at sinigurado na niya ang kanilang kaligtasan. Dito niyakap ni Eileen si Brian at humingi ng tawad sa kanyang nagawa.

Eileen: Brian maraming maraming salamat.

Brian: wala yun ate. Basta nandito lang kaming pamilya mo.

Napayakap si Eileen sa kanya habang napaluha ito sa tuwa. Masaya din si Brian na nabuong muli ang kanilang pamilya. Tianggap naman sila agad ni Brian pati na ng kanilang mga magulang. Pinatawad na rin sila nina Julie at Rachel.

Tulad ni Leslie ay naghanap din ng trabaho si Eileen. Natanggap naman siya bilang marketing manager sa isang sikat na kumpanya. Tulad ni Leslie mataas din ang sweldo at maganda ang benepisyo. Tinutulungan nila ang isat isa. Dito naramdaman nila Leslie at Eileen na masaya pala ang may isang solid na pamilya.

Alam nila Eileen at Leslie na wala na silang karapatan sa bahay kaya todo kayod na sila upang makabili ng sariling bahay. Tinulungan naman sila ni Brian. Pinilahan nila ng kasong bigamy si Roy at violence against woman si Noel. Dito napawalang bisa ang kasal nila sa mga ito at nakuha din nila ang parte nila galing sa dati nilang asawa. Dito nakabili na ng townhouse si Leslie malapit sa bahay nila Brian samantalang si Eileen naman ay nakapagpatayo na ng duplex.

Mabait din naman ang tadhana kay Brian.

Brian: hi Hon

Joanne: Hi Hon.

Sabay halik sa labi.

Brian: hindi ka pumasok Hon?

Joanne: pumasok ako pero umuwi ako agad. Palagi kasi akong nasusuka at nahihilo kaya nagpa check up na ako sa doctor kanina.

Brian: Hon naman. Dapat tinatawagan mo ako para masamahan kita.

Joanne: ano ka ba hon. Ok lang ako. Alam ko namang marami kang trabaho kanina.

Brian: ano sabi ng doctor?

Kinuha ni Joanne ang kamay nito at pinahawak sa kanyang tyan. Sinabi ni Joanne na buntis na siya na may kasamang kilig.

Joanne: magiging tatay ka na.

Brian: Talaga?

Joanne: oo. Two months na. Kaya pala hindi ako dinatnan last month.

Napayakap si Brian kay Joanne at abot langit ang pasasalamat niya.

Sa kabilang dako naman ay ikinasal na si Rachel sa nobyo niyang si Christian samantalang sila Julie at Jes...


You might also like to visit: