Showtime Begins In:

Click here to visit her Live Show on Pinays247.com

Breadwinner Series: May Part 4

Submitted by on Monday, 25 July 2016, 12:21 AM | Fiction | Tagalog
Categories: Romance   Tags:

Nang makuha ni May ang kalahati ng kayamanan ni Brent ay hindi niya ito ipinagdamot sa kanyang nanay at kapatid. Nag iwan siya ng pera para sa para sa kinabukasan nila Brandon at Benedict. Malaking parte ng nakuha niyang kayamanan ay ibinigay niya kay Michael na siya ang bumuhay at nag alaga sa kanilang ina. Yung ibang parte naman ay ibinigay niya sa kanyang nanay upang hindi na niya problemahin ang pananalapi.

Michael: Eh Ate pano ka na?

May: Mike ano ka ba? Kaya ko pa naman mag trabaho.

Michael: I insist Ate. Hati na lang tayo.

Donna: Oo nga naman ate hindi naman namin magagastos lahat yan.

Michael: Ate mahalin mo naman sarili mo. Pamper your self. Kahit konti lang.

Tinanggap naman ni May ang alok ng kapatid at pinaghatian nila ang parte nito.

Michael: Pamper your self Ate May. You deserve it.

Napaluha si May sa sinabi ng kapatid at napayakap ito sa kanya.

May: Eh pano kayo? Ang kasal nyo?

Donna: simple lang naman ate. Consist of only close relatives and friends. Five tables lang magagamit. Basta bearer namin anak mo ha. Tapos Matron of Honor kita.

May: Oo naman. Magtatampo ako kung hindi kami kasama sa entourage. Hahaha

Michael: Pamper your self Ate. Kahit konti lang.

Sinunod naman ni May ang payo ng nakababatang kapatid. Sinubukan niya ang mga bagay bagay na hindi pa niya nasusubukan tulad ng magpa spa, mag high end salon, bumili ng ilang branded na damit, bag, alahas, relos, sapatos, at mag enrol sa isang sikat na culinary school. Mahirap din kasi na puro raket lang siya at walang steady income.

Isang taon ang nakalipas ay isa nang ganap na chef si May at lakas loob na magbukas ng sariling resto at catering service. Kahit baguhan pa lng siya sa industrya ay hindi naman siya nahuhuli sa mga beteranong kalaban. Abot kaya kasi ang presyo ng kanyang mga pagkain at masarap din siya magluto.

Sa private school pa rin nag aaral ang mga anak ni May na sila Brandon at Benedict. Hindi naman ipinagkait ni May ang dalawa kay Brent na nasa Bilibid matapos mabasahan ng sakdal. Lagi nila itong dinadalaw at ngayon lang na realize ni Brent ang mga kabaitan sa kanya ni May nung magkasama pa sila.

Malaki ang pinagbago ni May sa pananamit at pag aayos sa sarili pero hindi pa rin nagbabago ang kanyang pag uugali. Mabait pa rin siya at mapagpa kumbaba sa kapwa. Pamilya pa rin niya ang una niyang iniisip kesa sa kanyang sarili.

Masaya din namang naidaos ni Michael ang kasal nila ni Donna. Simpleng kasalan lang ito pero kakiba ang saya nilang mag asawa. Nakabili na rin sila ng simpleng house and lot sa isang subdivision gamit ang bigay na pera ni May. Maganda din ang takbo ng kanilang career at na promote naman si Michael bilang partner sa pinag tratrabahuhan niyang law firm. Ngayon ay plano na nilang magkaroon ng anak.

Naipaayos naman ng nanay nila May at Michael ang kanilang tahanan at hindi na niya problema ang pananalapi.

Kakaiba ang aura ni May ngayon at blooming na blooming siya. Isinantabi na muna niya ang personal na kaligayahan para sa kanyang mga anak pero hindi pa rin natitinag si Alex sa kanya. Nagkita sila sa isang mall habang kakatapos lang nilang mamili.

Alex: May? Kumusta?

May: Alex? Ok naman. Ikaw?

Habang nagkukumustahan ay bigla namang dumating ang nanay ni Alex na si Margarita o mas kilala sa palayaw na Margie. Ipinakilala naman niya agad ito kay May.

Alex: May mother ko nga pala. Ma she's May.

Margie: Hi Iha. Kumusta ka na?

May: Mabuti naman po.

Margie: So ikaw pala yung madalas ikwento sa akin ni Alex.

Namula ang mga pisngi ni Alex nang mga oras na yon at bigla nang nagyaya umalis.

Alex: Ma ma lelate na tayo sa lunch. Bye May. Nice meeting you.

Margie: Nice meeting you iha.

Agad nang umalis sila Margie at Alex. Nang makalayo na sila ay biglang sinabihan ni Margie ang kanyang anak.

Margie: Ano ka ba naman Alex? Ang torpe torpe mo talaga! Kaharap mo na tumiklop ka pa!

Alex: Ma nag blush na nga ako eh. Pero tanggap mo ba siya?

Margie: Bakit hindi?

Dito na ipinaliwanag ni Alex ang sitwasyon ni May. Naliwanagan si Margie dito pero hindi naman bumaba ang pagtingin niya kay May kundi mas lalo pa siyang napahanga sa katatagan nito.

Margie: Are you willing to wait?

Alex: For what?

Margie: Alam mo Alex it will take time for her to heal the wounds. Lalo na may dalawa pa siyang anak na hindi niya pwedeng ipagkait sa tatay nila. Hindi pa siya handang ipagkatiwala ang puso niya. Just broaden your mind and take her slowly. Huwag mo siyang biglain.

Alex: Thanks Ma.

Sinunod naman ni Alex ang payo ng kanyang ina at madalas pa rin niyang dalawin si May sa resto nito. Nakahalata si May dito at kinausap niya ng maayos si Alex.

May: Alex kalimutan mo na ako. Mga anak ko ang priority ko. You deserve someone better.

Alex: May ikaw ang mahal ko. Kahit anong mangyari hinding hindi magbabago ang pagmamahal ko sa iyo.

May: Alex sorry. Wala akong nararamdaman sa iyo.

Alex: Hindi ako naniniwala May.

May: Umalis ka na Alex. UMALIS KA NA!

Maayos na umalis si Alex at tumulo naman ang luha ni May. May nararamdaman kasi siya para sa binata pero gusto niya itong isantabi upang tutukan ang kanyang mga anak.

Kahit itinaboy na siya ni May ay hindi pa rin naman sumusuko si Alex sa kanya. Panay pa rin ang pagdalaw nito kay May pero maayos naman niya itong tinatanggihan.

Isang gabi ay mataas ang lagnat ng anak niyang sila Brandon at Benedict. Kinakabahan si May at wala siyang mahingian ng tulong. Nasa abroad kasi sila Michael at Donna para sa kanilang baby making project at ayaw naman niyang gambalain ang kanyang ina. Wala na siyang magawa nang mga oras na yon kundi ang humingi ng tulong kay Alex. Agad namang dumating ang binata sa bahay ni May at sabay nilang isinugod sa ospital ang mga bata upang ma obserbahan. Sinamahan naman siya ni Alex at pinapagaan din niya ang loob ni May. Inalagaan niya ang single mom na si May hanggang sa maipasok na sa kwarto ang dalawa niyang anak. Kinabukasan ay pinuntahan naman sila ng doktor sa kwarto.

Dr: Misis good news po. Negative po sa dengue ang mga anak nyo. Baka natuyuan lang ng pawis.

May: Hay thank you Lord.

Dr: Pwede na po silang umuwi.

Lumabas na ang doktor sa kanilang kwarto at nakahinga na ng malalim si May. Mga ilang sandali ay nagisinh na sila Benedict at Brandon.

Benedi...


You might also like to visit: