Enslaved Mind (Chapters 14-20)

Submitted by on Friday, 29 September 2017, 08:22 AM | Fiction | Taglish
Categories: Erotic Couplings, Romance   Tags: , ,

Enslaved Mind (Chapters 14-20)Author's Note

Kung hindi niyo pa po nababasa ang previous chapters, `wag niyo po muna itong basahin. This is for my avid readers who have been waiting for my once in a blue moon update. Sana magustuhan niyo po. Xoxo-shobe

PS, visit my profile to get access to the previous chapters.

CHAPTER 14

Move On

"MONIQUE... Monique, anak please kumain ka na." Pakiusap ng kanyang Yaya Mercy sa labas ng pintuan.

She has locked herself up inside her room for a couple of days now. Hindi na siya nag abalang bilangin pa ang mga araw na lumipas. What for? She's been miserable. And she figured she'll be miserable all her life.

Every day, she cries herself to sleep thinking about how her life drastically changed. Pagkatapos nilang maghiwalay ni Raffy, kusang nagbalik tanaw ang kanyang isipan sa nakaraan. Her mind subconsciously played different scenarios of what could have happened if things turned out differently. What if she never met Michael? What if she never accompanied Raffy on his business trip?

Isang mapait na ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi. Paano nga kung hindi nangyari ang lahat ng iyon? Marahil ay abala na siya ngayon sa pagpa-plano ng kanilang kasal ni Raffy. Siguro ay handa na ang kanyang wedding gown. Or maybe she's busy making sure that everything would be perfect. God, she might even become a bridezilla. She laughed at the thought. She laughed, and laughed until she burst into tears. Until she fought the urge to curl up in bed and cry unceasingly.

Ganoon naman palagi ang nangyayari sa kanya magmula nang maghiwalay sila ni Raffy. She would reminisce their cherished moments or blame herself for fucking up their relationship. Either way, she would ultimately end up crying. Sabi nga ng yaya niya, tino-torture niya raw ang kanyang sarili. Sabi rin nito, malalampasan niya raw ang lahat.

Honestly, she should be thankful that she still has her family. Palagi siyang dinadalaw ng kanyang mga magulang. Ang mga ito rin ang nagpasya na manatili muna ang kanyang yaya sa condo unit niya. And now, her Yaya Mercy does everything to appease her. Pero kahit na anong gawin niya, parang sirang plaka na paulit-ulit na rumerehistro sa utak niya ang mga pangyayari. Dahilan upang hindi niya mapigilan ang sarili sa pag iyak araw araw, gabi gabi. No matter how she tries to justify everything, it all boils down to the fact that she messed up. No, scratch that, she screwed up. And for what? How could she fuck up her perfectly normal and happy relationship just because she succumbed into temptation?

Alam niyang kung magpapatuloy pa ang ganitong sistema ay mababaliw na siya. She has to do something about this. She needs to do something...

RAFFY exasperatedly raked his fingers through his hair. Nakukulili na ang kanyang tainga sa kakatalak ni Rebecca. She has been staying in his condo for a week. She's in hiding. Perhaps she's busted for her affair with that senator. Hindi niya alam kung ano talaga ang nangyari sa mga ito and frankly, wala siyang planong alamin pa. If his best friend is caught up in a mess then so is he. He's been miserable after his break up with Monique. Kahit na anong pilit niya sa kanyang sarili na isiping tama ang desisyon niyang makipaghiwalay ay nasasaktan pa rin siya.

Yes, she made a mistake but heck, it's Monique... His very own Monique. Hindi naman basta basta nalang mabubura ng pagkakamali ang ilang taon nilang pinagsamahan. After all, despite all the ugly mess they've been to, he can't deny that he still loves her. Hindi pa lang siguro siya handang kalimutan ang lahat. Napatawad niya na ito. Well, he thinks so. It's just that, every time he recalls every bit of memory they shared, a bitter lump forms in his throat. Sumasagi pa rin sa kanyang isipan ang pagtataksil nito sa kanya. At ang kapatawarang ibinigay niya na rito ay natatabunan ng galit at panghihinayang.

"For goodness' sake, Gamboa! Get the fuck up!" sigaw ni Rebecca.

"Leave me alone," he groaned.

"Stand up! Keep your shit together, Rafael, or I swear I won't stop slapping you until you wake up from your self-inflicted misery!"

"You don't understand what I'm going through, Becc. So, just please, leave me alone."

"Bullshit! Ano ba'ng problema mo ha? Na naghiwalay kayo ng babaeng 'yon? You're throwing your life away just because she cheated on you and your ego can't handle that? So what if she cheated on you? So what if you two broke up? Get your shit together, Rafael Ephraim Gamboa!"

He ignored her and continued to take a sip on a glass of scotch.

"That's your problem? Huh?! That's your fucking problem? Putang ina naman, Rafael! Do you see me crying and moping right now? Do you see me drowning myself in scotch or vodka or whatever it is you're killing yourself for days when in fact, between the two of us, I think I'm the one entitled to get drunk! Because first off, I, Rebecca Gatchalian, got caught having an affair with the country's top senator! Second, I'm facing both criminal and civil charges pressed by my ex-fiance. And to top it all off, my license as a lawyer is in question. I am on the fucking verge of disbarment. Do you get it? I am going to be fucking disbarred! So now, tell me who's more miserable between the two of us?!"

Napakurap siya sa sinabi nito. Alam niyang may problema ang kanyang matalik na kaibigan pero hindi niya naman akalain na ganoon kalaki ang kinakaharap nitong problema.

"Becca..." he said, trying to reach for her shoulders but she turned away.

"Just.. just move on, Raff. Hindi pa huli ang lahat para sa'yo. Hindi pa sira ang buhay mo. You can still go on living. I, on the other hand, well... there's no hope for me. Might as well kill myself, right? So cheers to that!" anito sabay halakhak. Inagaw nito sa kanya ang bote ng scotch at inisang lagok iyon.

"Stop it, Becc." Aniya habang pilit na inilalayo rito ang bote ng alak. Bigla siyang natauhan sa mga sinabi nito. Indeed, between the two of them, her problem's the one that really f*cked up. And he has to look after her because he can't risk leaving her like this. Baka ano pa ang maisipan nitong gawin. Naalala niya ang mga sandaling naabutan niya sa bath tub si Monique, nakalubog doon at walang malay.

"Becc, you'll be fine. We'll get past this, okay?" pang aalo niya rito at hinalikan ito sa noo.

MONIQUE is feeling much better now. It has been tree weeks since she consulted the psychiatrist referred to her by her doctor that time she was hospitalized. Dr. Emilia Sanchez-Delgado was great. Wonderful, in fact. Ang inakala niya ay sasailalim siya sa iilang madugong therapy sessions at reresetahan ng kung anu-anong gamot.

But that did not happen. Sa unang pagkakataon na pumasok siya sa clinic nito ay nilinaw nito sa kanya na ang mga susunod na sessions nila ay hindi muna sila magsisimula ng therapy kun'di hahayaan lang muna siya nitong ibahagi ang kung ano mang parte ng buhay niya na komportable siyang pag-usapan. And she was actually fine with that. She's happy with the thought that every meeting they have is not structured, she's never pushed to do anything, and she's given the liberty to share all her thoughts without feeling uncomfortable.

Katatapos lang ng kanilang session at masaya siya sapagkat kanina ay sinabi nito sa kanya na may nabuo na itong psychotherapeutic approach na dinesenyo raw nito para lamang sa kanya. Hanggang ngayon ay iniinom niya pa rin ang anti-anxiety pills na nireseta nito pero ginagawa niya lamang iyon kung kinakailangan talaga. Ang sabi ni Dr. Delgado, hopefully ay mama-manage na nila ang kanyang anxiety attacks at hindi na niya kakailanganin pang uminom ng gamot kapag nasimulan na nila ang kanyang therapy sa susunod na linggo.

Ipinaliwanag rin nito ang therapy na dinisenyo nito para sa kanya. Dr. Delgado said that she will be employing a combination of psychoanalytic, psychodynamic and choice therapy for her. Marami pa itong in-explain at sa katunayan ay excited na siyang masimulan ang kanyang structured therapy. Nagpapasalamat siya sapagkat malaking tulong talaga para sa kanya si Dr. Delgado. Magaan ang kanyang loob dito sapagkat may aura itong parang maarugang ina.

Kaya ngayon ay positibo siyang magiging okay siya. She will slowly pick up her broken pieces and see to it that she will be able to rise up again and forgive herself so she could finally move on with her life.

Kabubukas niya lang ng pintuan ng kanyang unit nang sumalakay sa kanyang pandama ang matapang na amoy ng putaheng niluluto ng kanyang yaya.

"Ya, what is that? It smells awful." Mahinahong sambit niya sabay takip ng kanyang ilong.

"Magluluto ako ng paborito mo para sa hapunan, anak." Lalapit pa sana siya sa kusina pero sadyang matapang talaga ang amoy ng niluluto nito at tila bumabaliktad na ang kanyang sikmura.

Dali-dali siyang pumasok sa kanyang kwarto at nagduduwal sa loob ng banyo.

"Diyos ko..." wika ng kanyang yaya na ngayo'y nasa tabi niya at kinakapa ang kanyang palapulsuhan.

"A-anak... b-buntis ka?"

Sukat sa sinabing iyon ng yaya niya ay nanlabo ang kanyang paningin.

CHAPTER 15

Engagement Ring

"CONGRATULATIONS! You're seven weeks pregnant." Masayang turan ng obstetrician-gynecologist kay Monique.

It seems like her head is spinning as she heard the news. So it's confirmed. Masama ang pakiramdam niya kagabi at hindi maampat ang kanyang pagkahilo at pagsusuka kaya minabuti niyang magpacheck-up kinaumagahan kasama ang kanyang yaya. Now, she's pregnant. She really is pregnant with... is it Michael's? Or is it Raffy's child?

Seven weeks...

Counting back, that was the time that they went back from their Davao trip. And there is no way of telling whether it's Michael's or Raffy's baby.

She laughed hysterically. What happened to the old Monique who's prim and proper? To that Monique who wore a chastity ring since she was fifteen? That same old Monique was gone now. For God's sake, she can't even tell for herself who's the father of her baby! Ang histerikal niyang tawa ay tuluyan nang nauwi sa paghikbi.

This can't be happening...

"Hija, ssshh, tahan na. Ang sanggol sa iyong sinapupunan ay biyaya ng Diyos." Pang-aalo sa kanya ni Yaya Mercy.

DAHAN-DAHANG kinumutan ni Mercedita ang kanyang alagang si Monique. Maaga silang nakauwi mula sa check-up nito sa doktor at minabuti niyang dalhin na ito agad sa condo unit nito para makapagpahinga.

Napapalatak siya habang pinagmamasdan ang maamo at magandang mukha ng kanyang alaga habang natutulog. Ayaw mang ibahagi nito sa kanya ang mga nangyayari sa buhay nito ngayon ay ayos lang sa kanya. Alam niyang kasalukuyang may kinakaharap na problema si Monique kahit hindi nito sabihin sa kanya kung ano man iyon. Kaya ginagawa niya ang lahat ng kanyang makakaya upang kahit papaano ay maalagaan man lang ito.

Magmula nang ito'y bata pa ay napakabait na talaga ni Monique. Hindi ito nasasangkot sa ano mang gulo at palaging matataas ang marka nito sa eskwela. Palaging abala ang mga magulang nito sa negosyo kaya nakaatang sa kanyang mga balikat ang obligasyon ng pagpapalaki at pag-aaruga sa kanyang alaga.

Ngunit kailanman ay hindi niya ikinonsiderang obligasyon, ni responsibilidad ang pag aalaga rito dahil lamang yaya siya nito. Minahal niya si Monique noon at itinuring na parang tunay na anak. At ngayon ay mamahalin niya pa rin ito kahit na ano pa man ang pinagdaraanan nitong pagsubok.

Napabuntong hininga siya. Tinungo niya ang kusina upang ihanda na ang mga lulutuin sa kanilang pananghalian. Pasado alas-diez palang kaya makakapagpahinga pa ng halos dalawang oras ang kanyang alaga. Napagpasyahan niyang buksan ang telebisyon habang naghahanda na siya sa pagluluto.

"Breaking news... sa kabila ng pag-aapilang walang sala sa pagpaslang sa kilalang businessman na si Marco Jimenez, nahatulan na ng panghabangbuhay na pagkakulong o life imprisonment ang sikat na British-Filpina Victoria's Secret Model na si Savannah Jolene Pendleburry. Ayon sa mga awtoridad ay kasalukuyan itong nakapiit sa bilangguan. At ayon naman sa kampo ng sikat na modelo, nakahanda ang mga itong iakyat sa korte suprema ang kaso upang mapatunayang inosente at walang kinalaman sa kinasangkutang krimen ang modelo..."

"Diyos ko..." nahabag si Mercedita sa natunghayang balita. Naka-flash sa telebisyon ang pagmumukha ng nasabing modelo. Sa tantiya niya ay kasing edad lamang ito ng kanyang alaga.

Itinuon niyang muli ang kanyang atensyon sa pagluluto. Kinakailangan niyang maghanda ng masusustansyang pagkain para sa kanyang alaga at pati na rin sa baby nito.

Napangiti siya. Biyaya nga namang maituturing ang sanggol. Ipinapanalangin niyang sana ay maging masigla ang dalawa. Nagpapasalamat siya sapagkat sabi ng doktor kanina ay malusog naman daw ang baby ngunit medyo kulang sa timbang si Monique.

Tumunog ang telepono sa sala at agad naman niyang dinampot ang awditibo.

"Hello, Ma'am Consuelo.." aniya nang mapagtantong boses ng mama ni Monique ang nasa kabilang linya ng telepono.

"How's everything, Mercy?" Nararamdaman niya ang pag-aalala sa boses nito.

"Mabuti naman po. Nagpapahinga si Monique ngayon sa kanyang kuwarto. Gusto n'yo ho ba siyang makausap?"

"No. Wag mo na siyang gisingin. I just wanted to check on her. Maraming salamat talaga at inaalagaan mo ang anak ko, Mercy."

"Walang anuman, Ma'am."

Pagkatapos nitong mangamusta ay ibinaba niya na rin ang telepono. Makalipas ang isang oras ay handa na ang pagkain. Napasulyap siyang muli sa telebisyon at ipinapahayag muli roon ang balita tungkol sa pagkakulong ng sikat na modelo.

"O, hija, gising ka na pala. Pupuntahan na sana kita sa kuwarto mo." Aniya nang mamataan ang kanyang alaga na nakatunghay rin sa telebisyon.

"She was sentenced with life imprisonment?" mahinang usal nito habang hinihila ang silya sa dining table.

"Oo, bakit, anak, kilala mo ba 'yan?"

"I don't know her personally, yaya. Pero sobrang sikat niyan. Siya ang kauna unahang pinay na naging Victoria's Secret Angel. And 'yong boyfriend niyang namatay, naging kasosyo yata 'yon ni Raffy in some of his business dealings."

Napatangu-tango naman siya.

"O, siya, kumain ka na. Kailangang madagdagan iyang timbang mo, hija, para sa kalusugan ni baby."

Lumungkot ang mukha nito.

"Ya, about the baby..."

Sukat niyon ay nagsimula na itong pumalahaw ng iyak. Nahintakutan siya. Ano'ng nais nitong sabihin patungkol sa bata?

"A-anak, 'wag mong sabihing gusto mong...?" tila kinikilabutang bulalas niya.

Pinunasan nito ang luhaang pisngi at tila naguguluhang napatitig sa kanya.

"Oh, God no! I have no plans of harming this child, yaya. I will take care of my baby. This child's all I have left." Umiiyak pa ring turan nito.

Nilapitan niya ito at niyakap.

"Hija, walang problemang hindi nareresolba. Hindi tayo bibigyan ng Diyos ng pagsubok na hindi natin kayang malampasan. Alam na ba ito ni Rafael? Kailangan niyang malaman, hija. Bilang ama ng bata ay may karapatan siyang malaman iyan."

"No!" Sigaw nito na siya namang ikinagulat niya.

"Pero, hija..."

"Yaya, I messed up. I... I..." hilam ng luha ang mga mata nito. Kumapit ito sa kanya na tila ba umaamot ng lakas.

"Anak, ano ba'ng problema? Sabihin mo sa'kin. Pakiusap, tahan na, makakasama 'yan sa bata."

Nagpatuloy lamang ito sa paghikbi.

"Gusto mo bang papuntahin ko rito si Rafael?"

"Yaya, no!"

Hinawakan niya ito sa magkabilang balikat.

"I'm not even sure if this is Raffy's baby! I cheated on him, yaya... I cheated on him. I'm such a terrible person!"

"Sssshh, huwag mong sabihin iyan. Tahan na anak... S-sino ba sa palagay mo ang ama ng bata?"

"I... I don't know, Yaya Mercy. I cheated on Raffy when we went to Davao. I cheated on him with his business partner. And when we went back I couldn't bear the shame and guilt so I overdosed on sleeping pills and drowned myself in the bath tub. That was when I was hospitalized. Doon nalaman ni Raff yang lahat. Pero hindi niya ako iniwan. Galit na galit siya, yaya. He forced himself onto me. He was raging mad to the point that he was already hurting me. Pero okay lang sa akin 'yon dahil napakalaki ng nagawa kong kasalanan. W-we somehow worked it out, ang sabi niya mahal niya pa rin ako. But eventually, he broke up with me. H-hindi niya pa rin daw makalimutan ang pagtataksil ko sa kanya..."

Natutop niya ang kanyang bibig. Hindi niya akalain na ganito pala kalaki ang problemang kinakaharap ng kanyang alaga.

"Yaya, I don't know what to do..."

"Anak, hindi pa huli ang lahat para sa inyo ni Rafael. Alam kong mahal na mahal ka niya. Kaya, kakausapin natin siya at sasabihin mo sa kanya na buntis ka, okay?"

"But, yaya, you're missing the point. I don't know if this is his child I'm carrying. Paano kung hindi ito kay Raffy?'

"Monique, hija, alam mo ba kung gaano ka kamahal ni Rafael? Hindi lang ang mga magulang mo ang nilapitan niya upang hingin ang iyong kamay. Maging sa akin ay humingi siya ng basbas at nangakong mamahalin at aalagaan ka niya habangbuhay. Kung nasaktan ka man niya ay marahil dala lamang iyon ng bugso ng damdamin. Ngunit alam kong mabuting bata si Rafael. Mahal na mahal ka niya at ang pagmamahal niya sa'yo ang magtutulak sa kanyang mahalin ang bata sa sinapupunan mo mapasakanya man 'yan o hindi."

MONIQUE made up her mind. Kakausapin niya si Raffy hinggil sa kanyang pagbubuntis. May punto ang kanyang yaya. She encouraged her to go and see Raffy. Ang akala niya ay wala nang pag asa pa. But now, a tiny flicker of hope rose through her heart. Sana ay maging okay ang lahat. She wants to give her child a normal life, a happy family.

What could the future hold for them? Siguro, magiging masaya sila bilang isang pamilya.

She shivered at the thought of that. Paano kung si Michael ang ama ng bata at hindi iyon matanggap ni Raffy? Paano kung magiging malupit ito sa bata?

She shook her head. She shouldn't be thinking of negative thoughts. Pinuntahan niya ang condo unit ni Raffy ngunit wala ito roon. She decided to head to his hotel to check if he's there.

Naglalakad palang siya sa lobby ay namataan niya nang may kasama itong babae. She knows the woman. It's Atty. Rebecca Gatchalian. The infamous lawyer who's the senator's mistress and who also happens to be Raffy's best friend.

Best friend nga lang ba? Sigaw ng utak niya.

Napahinto siya sa paglalakad at pinagmasdan ang dalawa. Napaka-sweet ng mga ito sa isa't isa. Raffy seems to be feeding her with some sort of dessert and he appears to be beaming with joy.

Naglandas ang mga butil ng luha sa kanyang pisngi. Yeah right, she let him go. Now he's happy with someone else.

She poised herself. Kailangan niyang magig matatag. Kailangan niyang tumayong mag-isa at harapin ang lahat para sa baby niya.

Naglakad siya papalapit na kinauupuan nina Raffy at Rebecca. Nginitian niya ang dalawa nang nasa tapat na siya ng mga ito.

"Monique!" bulalas ni Raffy sabay tayo.

"What are you doing here? Is something wrong?" Masuyong tanong nito at hinawakan ang kanyang braso. Napakagat labi siya. She's trying so hard not to cry in front of him. Just hearing the sweetness and concern in his voice pierced her heart.

Umiling siya bilang sagot. Kapagkuwan ay ngumiti. Sinulyapan niya si Rebecca na ngayon ay nakairap sa kanya.

"Nothing's wrong. I just wanted to... I just wanted to give you this..." Hinubad niya ang kanyang engagement ring.

"I forgot to return this to you last time." She held onto her Cartier diamond engagement ring.

And with one last look, she gave it back to Raffy.

CHAPTER 16

Great Warrior

Five years later...

"YAYA, I'm fine. Really... I promise. I miss you too!" natatawang saad ni Monique. Nakaipit ang telepono sa gitna ng kanyang tainga at balikat. Her Yaya Mercy won't put the phone down. Kanina pa ito nangangamusta. Ramdam niya sa boses nito ang pangungulila.

"Mommy! The pancakes are burning!" sigaw ni Eon.

"Oh shit!"

"Don't cuss, Mom! That's bad!" lukot ang mukhang turan nito habang umaakyat sa upuan.

"Sige na 'ya, bye na. Nasusunog na 'tong breakfast ni Eon." Wika niya habang ibinababa ang telepono.

"You didn't let me talk to Yaya Mercy. I missed my Tagalog Time!" nakahalukipkip ito habang nakalabing nakatingin sa kanya.

"We'll skip Tagalog Time for now, okay? You're running late for class." Aniya sabay halik sa tuktok ng ulo nito. Ang Tagalog Time na tinutukoy ni Eon ay ang pagtuturo ni Yaya Mercy ng Tagalog words at phrases. Aliw na aliw ito kapag may bagong natututunang salita. Apat na taong gulang na ito ngayon at nag aaral sa prep school malapit sa kanila. She opted to enroll him on a school which deviates from the regular schools in town. Ang eskwelahan nito ay may sariling curriculum na alinsunod sa mga pangunahing pangangailangan ng mga bata. They subscribe to the idea of multiple intelligence. Apat na taong gulang pa lamang si Eon pero ayon sa mga guro nito ay advanced umano ang cognitive level of learning nito kaya matatas itong magsalita at mabilis makaintindi.

Inilagay nito ang table napkin sa dibdib nito at kumuha ng isang pirasong pancake at inilagay iyon sa plato.

"Oops, don't eat that sweetheart. Mommy will make another one, okay?"

"It's alright, Mom. I'll just scrape off the burnt parts. You don't have to cook again." Anito sabay kindat. Lumitaw pa ang malalalim nitong dimples. Napakabait ang lambing nitong bata. She never had any difficulty raising him. He's her pure bundle of joy.

"What about peanut butter and jelly sandwich? Hmmm? How does that sound for your snacks?"

"Yum!" he said while slowly chewing on his pancake.

Kumuha siya ng gatas at inilagay iyon sa baso. Eon likes milk. He can consume a couple of milk boxes a day. Kaya siguro ang bilis ding lumaki nito.

"Hurry. You don't wanna be late for class."

"Wait up, Mom." Sagot nito at kinindatan na naman siya. Ginulo niya ang buhok nito. Eon's quirky attitude just simply melts her heart.

MATAPOS niyang ihatid si Eon sa school nito ay dumiretso siya sa kanyang shop. It's just a few blocks away from his school. Binati siya ng kanyang cashier na si Jenna. Tisay ang tawag niya rito sapagkat lutang na lutang ang American features nito. Anak ito ng caretaker ng kanilang bahay dito sa California.

"Hatid ka na ba sa school ni Eon?" Tanong nito sa kanya habang nagpupunas ng mga antique furniture.

Natatawang tumango siya. "Yes."

Siguro kailangan ding sumali ni Jenna sa Tagalog Time ni Eon. Bali-baliktad kasi ang Tagalog nito. The girl works on the shop part time. Kapag dumadating na siya roon galing sa school ni Eon ay umaalis naman ito upang tumungo sa isa na namang part time job nito. At kapag oras na para sunduin ang kanyang anak bago magpananghalian ay rumerelyebo naman ulit sa shop si Jenna.

"Punta na ako, Ate 'Nique!"

"Aalis ka na." pagtatama niya sa sinabi nito habang kumakaway.

Noon ay palaging sumisikdo ang dibdib niya kapag tinatawag siyang 'Ate Nique' ni Jenna. Isang tao lang kasi ang tumatawag sa kanya ng gano'n. 'Yung taong pilit niyang kinalimutan sa loob ng limang taon.

She smiled at the thought. Kumusta na kaya ito?

Tumunog ang door chimes na siyang hudyat na may kapapasok lamang na customer.

"Good morning! Welcome to Gideon's!" Masiglang bati niya.

Ngumiti naman sa kanya ang isang middle aged Caucasian.

"I'm planning to redecorate my living room, dear. Could you show me some designs that will suit my preferences?"

"Of course, ma'am. Do you have pictures of your living room? May I take a look? Just so I could check which types of furniture we could use." Saad niya. Dito niya ipinagpatuloy ang hilig niya sa interior design. Bukod sa malaki ang kita ay mas nagkakaroon siya ng sense of fulfillment sa tuwing may napapasaya siya at ang kanyang team sa kanilang mga eksklusibong interior designs. She's still in therapy with Dra. Delgado and they conduct their sessions through Skype. Sabi nito sa kanya na mainam ang pagkakaroon niya ng sariling negosyong pinagkakaabalahan dito sa California.

Natagalan sila sa pagdidisenyo ng living room ng kanyang bagong kliyente. Medyo may pagka maselan kasi ito sa mga furniture na gagamitin. She doesn't mind though. Mas mabuti nga na hand-on ang ito sa pagdidisenyo.

Kung hindi pa dumating si Jenna ay hindi niya namalayang alas onse na pala ng umaga. Kailangan niya nang sunduin si Eon. Nang masigurong okay na ang mga designs ay iniwan niya ang kliyente kay Jenna.

Pagdating sa school ng kanyang anak ay nadatnan niya itong nakikipaglaro sa mga classmates nito. She just watched him joyfully kicking some ball on the playground. Hindi yata nito napansin na dumating na siya.

She took a deep breath. Wala siyang pinagsisisihan sa naging desisyon niya. Lumaking masaya at masigla ang kanyang anak. Nakayanan niya itaguyod itong mag-isa. Kaya, alam niya, kahit suriin pang maigi ang kanyang puso, wala anumang pagsisising makakapa roon.

Habang pinagmamasdan niya si Eon na nakikipaglaro ay kusang naglabay ang kanyang isipan sa nakaraan mahigit limang taon na ang nakalipas...

"HUWAG ka namang magpadalus-dalos sa pagdedesisyon, anak..." nanginginig ang boses na wika ng kanyang Yaya Mercy habang pinagmamasdan siya nitong mag-empake.

A bitter smile curved on her lips. Hindi naman siya nagpapadalus-dalos sa pagdedesisyon. Sa katunayan, maingat siyang nagpasya. All she knew is that she has to leave. She needs to leave. This is for the sake of her baby.

Nagpaalam na siya kanina sa kanyang mga magulang. Her dad was strongly against her idea but eventually, he gave in. Ipinaintindi niya rito na ang kanyang plano ay para sa ikabubuti ng kanyang anak. Her mom was crying the whole time. Napakasakit para sa kanya na makitang nasasaktan ang kanyang mga magulang pero alam niyang kailangan niyang magpakatatag.

"I cannot decide on your behalf, hija. You need to decide for yourself. This is a part of your therapeutic process... to carefully make your decisions by weighing your options and foreseeing the possible consequences..." naalala niyang payo sa kanya ni Dra. Delgado noong huling therapy session nila.

After what seems to be countless of sleepless nights, she finally made up her mind. Sinunod niya ang payo ng doktora. Maingat niyang tinimbang lahat ng maaaring maging konsekwensya ng mga magiging desisyon niya.

Her yaya would always tell her that she should tell Raffy about her pregnancy. Pero nangangamba siya. Paano nga kung hindi si Raffy ang ama ng batang dinadala niya? Halos mabaliw na siya sa kakaisip kung ano ang magiging reaksyon nito. Sa huli ay nangibabaw ang pangamba sa kanyang puso na baka pagmalupitan siya nitong muli kung darating sa puntong malalaman nito na hindi pala ito ang ama ng bata. Worst, what if he hurts the child?

The mere thought of that sent chills to her core. Hindi pa man naisisilang ang bata ay may mga problema na itong kinakaharap. Since she can't know, for now, the paternity of her baby, she's determined not to take any risks. Kaya niyang buhaying mag-isa ang anak niya. Alam niyang nandyan naman ang kanyang mga magulang at ang kanyang yaya para tulungan at gabayan siya.

Kaya nga buo na ang kanyang desisyong mangibang-bansa. Her father owns a vacation house in the suburbs of California. Namana nito iyon sa kanyang Lola Phoebe na Half-American. Naisip niyang mas makabubuti kung doon muna siya titira hanggang sa makapanganak siya. She needs a change of scenery. She needs to break free from everything that has happened to her in this country.

Inayos niya ang lahat ng dapat ayusin bago pa man siya umalis. She knows that she can't just leave everything with just the drop of a hat. Paano na ang mga empleyado niya? Hindi niya naman maatim na iwan nalang ang mga ito ng basta basta. Kaya nilipat niya munaang proprietorship ng kanyang restaurant sa BGC sa kanyang mga magulang. Kinausap niya rin ang kanyang matalik na kaibigang si Nicole kung willing ba itong pamahalaan ang kanyang maliit na firm na nagca-cater ng interior designs para sa mga eksklusibong kliyente.

Kahapon niya lang naisaayos ang lahat-lahat. Kaya ngayon ay naghahanda na siya sa kanyang pag-alis...

Dahan-dahan niyang pinunasan ang mga masasaganang luha na naglalandas sa kanyang pisngi. Gaya ng sabi niya, wala siyang pinagsisisihan. Alam niyang tama ang naging desisyon niya.

Namataan niyang tumatakbo papalapit sa kanya si Eon.

"Mommy!" sigaw nito habang kumakaway.

My sweet boy, Gideon Ysmael.

Again, she wiped away her tears. Her little warrior, Eon, is running towards her. His name, Gideon Ysmael, are both Hebrew names which literally translate to "Great Warrior" and "God Listens".

Indeed, God listened to her fervent prayers because He gave her a great warrior. 

God gave her Eon.

"Did someone hurt you, Mommy? Why are you crying?" He asked while tugging the hem of her dress.

Umiling iling siya saka yumuko upang halikan ang pisngi nito.

Inilapat naman nito ang dalawang maliliit na palad sa magkabilang pisngi niya.

"Your cheeks are damp and your eyes are swollen. I know you were crying, Mommy."

Natatawang napahugot siya ng malalim na hininga. Eon is such an intelligent kid. Hindi siya makakapagsinungaling dito.

"It's nothing, baby. Mom's just happy."

Kumunot ang noo nito, kapagkuwa'y nagkibit balikat.

"Okay. But tell me if someone hurts you, okay, Mommy? I love you."

Nagkabikig na naman sa kanyang lalamunan.

"Mommy loves you too, sweetheart. Mommy loves you so much."

CHAPTER 17

Home

MONIQUE held Eon's little hand, giving it a tight grip. There was a lump on her throat as she heaved a sigh, resisting the urge to break down.

"Mommy," untag ni Eon.

Tumingala siya para pigilan ang mga nagbabadyang luha. She has to compose herself. She needs to be strong.

"Yes, sweetheart?" Aniya. Nakita niyang tila balisa ang kanyang anak sa pagkakaupo. She loosened his seatbelt a bit and planted a soft kiss on his forehead.

"Are we there yet?" Tanong nito sabay hikab.

"Not for long, honey. Mommy told you to sleep. You're so stubborn."

He just smiled. Kita sa maamong mukha nito ang pagod at puyat. They have been on the plane for almost 15 hours now. Humigit kumulang dalawang oras nalang ay lalapag na ang kanilang sinasakyang eroplano.

"Mommy, Kindle." Ungot nito.

"Eon, you have to sleep. Close your eyes, baby. Please?"

"But I'm not sleepy," he countered with matching sad puppy eyes.

Napabuntong-hininga siya. Unlike most kids his age who likes to play games with their iPads, Eon wants to read books. Puno ang Kindle App nito ng mga libro. Mostly on Math, Science and World History. Minsan nga ay nababahala na siya sapagkat makapal na ang salamin nito sa mata dahil sa kakabasa ng mga libro.

"Please let your eyes rest naman, anak." Aniya sa masuyong boses. Eon pursed his lips and nodded slowly.

Natawa siya. He seems to act like an adult. Sobrang cute tuloy nito kapag nag-aastang matanda.

Ibinaling nito ang paningin sa labas ng bintana. Alam niyang nagtatampo ito.

"Hay naku. Here's your iPad. But you to promise me one thing..."

Bigla itong lumingon sa kanya. Nakangiti at tumatango-tango.

"No cereals for dinner, okay? And no more Kindle once we arrive."

Nalukot ang mukha nito.

"Gideon Ysmael, you have to promise me!" She hissed. The middle aged couple from across the aisle even looked at them. Ginawaran niya ang mga ito ng mapagpaumanhing tingin.

"Promise," ani Eon sabay kindat.

She inhaled deeply so as to calm herself. A promise coupled with a wink from her cute but stubborn son is a tell-tale sign that he's up to something.

"You have to promise me without winking!" Mahina ngunit mariing turan niya.

"Promise," he said while raising his right hand. But a few seconds later, he winked again.

"No. Kindle. For. You. Young. Man." She said. Emphasizing each word.

He crossed his short arms around his chest and faced the window. Napailing nalang siya. Eon is, and will always be her bundle of joy. But with happiness brought about by having a sweet yet stubborn son, comes the burden of responsibility and instilling discipline to him. Mahirap iyon lalo pa't single mother siya. She must admit she's having a difficulty drawing the line between pampering him and disciplining him.

For the nth time, she heaved a sigh. At least, pansamantalang nawala sa isipan niya ang mas malaking problemang kinakaharap niya ngayon.

She closed her eyes. Soon enough they'll be at NAIA. And all she could hope for is for things to be okay.

"MONICA, hija!" Tila lumukso ang puso ni Monique nang marinig niya ang pamilyar na boses na iyon. Hindi siya maaaring magkamali. Isang tao lang naman ang kasi ang tumatawag siya sa kanya ng 'Monica'.

"Mang Bert!" Nakangiting bati niya. She's smiling but she can't help her tears from falling. Si Mang Bert ay ang kanilang family driver. Mula pre-school hanggang college ay ito na ang naghahatid-sundo sa kanya sa eskwela pati na rin sa iba pa niyang lakad. Maituturing niya na rin itong pangalawang magulang kasama ang Yaya Mercy niya.

"Nagagalak ako't sa wakas ay umuwi ka na, anak." Anito sa basag na boses. Pero agad naman nitong inagaw ang mga bagahe niya mula sa airport staff kapagkuwan ay nakangiting bumaling kay Eon.

"Ito na ba si Eon?"

"Opo, Mang Bert." Aniya. She grasped Eon's hand. "This is Tatay Bert," dagdag niya.

"Hello, Tatay Bert!" Masiglang bati nito. Hindi pa rin siya nito pinapansin. Perhaps he's still mad because she did not allow him to use his iPad.

Mang Bert tussled his hair and guided them towards their SUV.

Nang makasakay na sila ay tila nananantiyang tiningnan siya ni Mang Bert sa rear view mirror.

"Gusto mo bang sumaglit muna tayo sa bahay, hija?"

"Sa ospital nalang po tayo, Mang Bert."

Tumango ito at pinaandar na ang sasakyan. Habang tinatahak nila ang daan patungo sa kanilang destinasyon ay unti unti rin siyang nanghihina. Unti unting nanunumbalik sa kanyang isipan ang mga nangyari sa buhay niya.

Tama nga ba ang mga naging desisyon niya? Tama ba na lumayo siya? Sa kagustuhan niya bang magsimula ng panibagong buhay ay nakaligtaan niyang may mga importanteng tao siyang iniwan?

She tried her very best to hide her tears. She bit her tongue to keep herself from sobbing.

"Monica, anak... Magiging okay rin si Ser," wika ni Mang Bert.

She just kept silent. Tears pooled in her eyes. In her quest to start a new life, she left home. Sa loob ng limang taon, ibinuhos niya ng lahat ng oras niya sa pag-aalaga kay Eon. Nakaligtaan niya na may mga magulang pa siya sa Pinas, na may mga mahal pa siya sa buhay na naiwan. Hindi niya sukat akalain na darating ang araw na ito. Ni minsan ay hindi sumagi sa isip niya na uuwi siya kasama ang anak niya sa kadahilanang nag-aagaw buhay na ang kanyang ama.

"S-Si mommy? Okay lang po ba siya?"

"Sa awa ng Diyos ay okay lang naman ang mommy mo, hija. Nananatili pa rin siyang matatag sa kabila ng pagsubok na ito."

Napakagat-labi siya upang mapigilan ang paghikbi. She then felt Eon's fingers wiping the tears on her cheeks.

"Stop crying, mommy. Grandpa will be alright. He's strong. He told me he'd teach me how to play golf!"

Ngumiti siya saka tumango. Sana nga maging okay na ang daddy niya. Kahapon lang ay nakatanggap siya ng tawag mula sa kanyang mommy na inatake raw sa puso ang kanyang ama. Kaya agad siyang nag-book ng flight pauwi ng bansa.

Upon arriving at St. Luke's, she can't seem to move her legs and get out of the car. Parang itinulos siya sa kinauupuan. Hindi niya yata kayang harapin ang mga magulang niya. Alam niyang labis ang kanyang pagkukulang sa mga ito.

Eon tugged the hem of her dress. "Let's go, mommy. Grandpa's waiting for us."

Tumango siya. She composed herself. Samut-saring emosyon ang kanyang nararamdaman.

Guilt. She feels guilty of being an irresponsible daughter. Shame. She's ashamed of how she managed to neglect her parents over the past years. Yes, they talk often through video chat, but she knows that that isn't enough. Alam niyang nagtatampo ang mga ito dahil hindi siya umuuwi. And, of course, fear. She's afraid that her dad might not be able to hold on any longer.

"Hija..." Nanginginig ang boses na wika ng yaya niya. Ito ang unang sumalubong sa kanila nang makapasok na sila sa private room ng kanyang ama.

Sunod sunod ang pagpatak ng masaganang luha sa kanyang pisngi. There she is, hugging her yaya. Her beloved Yaya Mercy.

"M-Monique..." humihikbing turan ng kanyang mommy. Naglakad ito papalapit sa kanila.

"Mom..." she threw herself to her. Her mother's embrace both soothed and cradled her seemingly broken soul.

"Grandma," untag ni Eon. Doon humikbi pang lalo ang kanyang ina.

"Apo," her mom muttered as hugged him tight. "Your Lolo's sick... but he will be fine. Let's pray to God that he'll recover soon."

Eon nodded and kissed her grandmother's cheeks.

NAPAG-ALAMAN ni Raffy mula sa kanyang mga magulang na nasa ospital diumano ang ama ni Monique. Their parents were good friends. Despite everything that has happened, their parents were still in good terms. Hindi niya rin matukoy kung alam nga ba ng mga ito ang tunay na nangyari sa kanila ni Monique. He never really did disclose the whole issue to his parents. Basta ang sinabi niya lang sa mga ito ay naghiwalay na sila at hindi na matutuloy ang kasal nila. And he does not know as well whether Monique told her parents the whole thing.

May kirot pa rin sa kanyang puso sa tuwing sumasagi sa kanyang isipan ang kanyang dating nobya.

Her angelic face, her sweet smile... All the memories that they've shared, both precious and ugly... It's still buried deep within him. He has never forgotten about her.

Pero siguro nga hanggang doon nalang talaga ang lahat. Through the years he contemplated on reaching out to her. Pero sa tuwing naiisipan niyang hanapin ito ay pinangungunahan siya ng takot. Takot na baka itaboy lang siya nito. At sa tuwing naaalala niya ang pagmamalupit niya rito ay labis na kahihiyan ang nararamdaman niya. Pinagsisisihan niya ang lahat. Up until now, he's hunted by his own demons in his sleep. He cannot forget the fact that at some point in his life, he hurt the only woman he loved in ways no one could ever imagine.

Namalayan niya na lang na tinatahak niya na ang daan patungo sa private room ng ama nito. His parents already paid a visit in the hospital and they urged him to visit as well. Malubha na raw kasi ang kalagayan nito. He suffered a massive stroke and the doctors are not quite hopeful on his condition.

He's already standing in front of the private room. Namataan niya mula sa salamin sa pintuan ang isang pamilyar na bulto ng katawan na nakatayo sa loob ng kwarto. Hindi niya maigalaw ang kanyang mga paa. The sight of Monique's familiar shoulders made him take a step back.

Muntikan na siyang mawalan ng balanse. May nabunggo siya at sa paglingon niya ay may isang batang nakasalampak sa sahig at nakangiwing tinitingnan ang natapong chocolate drink nito.

"Oopsies!" The boy screamed.

"Sorry," aniya saka dinaluhan ito. Mabilis naman itong nakatayo.

"It's okay, I'm not hurt!" Wika ng bata sabay ngiti.

Nanlamig ang buong katawan niya nang makita ang malalalim na biloy sa magkabilang pisngi nito. He's looking at a very familiar face. A face that exactly resembles his when he was about five or six years old.

Nanginginig na niyakap niya ang bata. Hindi siya maaaring magkamali.

"H-Hey, Mr...? I cannot breathe... What's wrong with you? Hey!" Anito habang nagpupumiglas mula sa mahigpit niyang yakap.

"I... I'm s-sorry... What's your name?" Tanong niya nang makabawi na sa bugso ng emosyon.

"Gideon Ysma—"

"Eon, sweetheart—" Anang pamilyar na boses. Sabay silang napalingon ng bata sa kabubukas lamang na pintuan.

And there, he saw a pale, wide-eyed, and terrified Monique.

Chapter 18

Eon

MARIING napapikit si Monique. Kahit na anong pigil niya ay kusang naglalandas ang masasaganang luha sa kanyang pisngi. Habang pinagmamasdan niya ang kanyang ama ay parang pinipiga ang kanyang puso. Naka-intubate ito at samut-saring gamot ang itinuturok sa suwero nito.

Hindi niya ito magawang lapitan. Nakatayo lamang siya sa paanan ng kama habang pinipilit ang sariling magpakatatag.

She feels as though the moment she sits beside him, she'll go into hysterics. Worse, she'll have a nervous breakdown. Kaya ipinagkasya niya na lamang ang sariling pagmasdan ito. Ipinahatid niya muna ang kanyang ina sa kanilang bahay upang makapagpahinga. Ayon kasi kay Yaya Mercy, tatlong araw na diumano itong hindi nakapagpapahinga ng maayos sapagkat halos hindi na ito umaalis sa tabi ng kanyang ama.

Iginala niya ang paningin sa kabuuan ng private room. Wala roon si Eon at ang kanyang yaya. Marahil ay lumabas muna ang mga ito upang bumili ng makakain. Napaupo siya sa katapat na sofa. Exhaustion just kicked in to her system. Magdadalawampung oras na rin siyang gising. Nag-alala tuloy siya para sa kanyang anak. Wala rin itong tulog sa flight nila. Pero ipinanatag niya ang kanyang sarili. Alam niyang hindi ito pababayaan ni Yaya Mercy.

Kumuha siya ng baso at nagsalin ng malamig na tubig mula sa dispenser. She was about to gulp it down when she heard her son's high-pitched scream.

"Oopsies!"

Alam niyang boses iyon ng kanyang anak. Dali dali siyang lumabas ng kwarto upang malaman kung anong nangyari.

"Eon, sweetheart—" bulalas niya. But she was dumbfounded when she saw her son beside a man.

The man who holds her heart. The only man who managed to treat her in extremes. The same man who made her feel like a queen, but at some point, made her think that she has no value at all.

"Mommy!" Sigaw ni Eon at akmang tatakbo palapit sa kanya. Subalit maagap itong pinigilan ng lalaki.

"What's the meaning of this, Nique?" Raffy's voice was low but full of authority.

Her mind went haywire. Kung anu-ano na ang mga eksenang pumapasok sa isipan niya. Na baka kunin nito sa kanya si Eon. Na baka hindi niya na makita pang muli ang kanyang anak...

She took a step forward and leaned down to reach her son's hand. Nababanaag sa mukha nito ang pagkalito habang haklit pa rin ni Raffy ang kaliwang braso nito.

"Mommy, what's happening?" Eon asked.

Napalunok siya. Kahit na sa murang edad ay kita ang katalinuhang taglay nito. Nais niyang maipaliwanag ang mga pangyayari sa maayos na paraan. Natatakot siya na baka mabigla ang bata. Ni minsan ay hindi niya ipinaliwanag dito ang tungkol sa ama nito. She just thought that she'll explain everything to him when he gets older.

"A-Anak..." she whispered in a shaky voice. Lumipas ang ilang sandali ngunit wala ni isa mang salita ang namutawi sa kanyang bibig. Everytime she opens her mouth to speak, she just couldn't weave the right words to say.

"Is he my dad?"

Four words... Eon muttered just those four words but it shook her to her core. Nang makabawi ay marahas siyang napalingon kay Raffy na ngayon ay nakatiim-bagang na nakatitig sa kanya.

She knelt down so she could look straight into his son's eyes.

"Eon, honey..."

"Mommy," anito saka niyakap siya.

"Anak, it's difficult to... e-explain," she said in between sobs.

"What's difficult to explain, Nique?" Matigas na turan ni Raffy sabay hila kay Eon. Walang kahirap hirap nitong kinarga ang bata.

"Raffy!" Sigaw niya.

"I'm taking my son home." Anito at tinalikuran siya.

"What the fuck?!" Malutong niyang mura habang binibilisan ang paglalakad. She can't keep up with Raffy's long and fast strides.

Nakita niyang gulung-gulo pa rin ang mukha ni Eon.

"Raffy! Put him down! He's not your son!"

Doon tumigil sa paglalakad si Raffy at humarap sa kanya. Pinagtitinginan na sila ng mga nurses at iba pang hospital staff.

"Maglolokohan pa ba tayo, Nique?" Bakas ang pinaghalong lungkot at poot sa boses nito.

She heaved a sigh. Ngunit dagli rin siyang nag-taas noo. Mamamatay muna siya bago mawalay sa kanya si Eon.

Sapilitan niyang kinuha mula sa mga bisig nito ang bata. She does not care anymore if they're already causing a scene. Ngunit sadyang mas malakas si Raffy. She cannot yank her son away from his clutch.

"Raffy, ano ba?! You're being ridiculous!"

"No, you're being ridiculous, Monique Valerie!" Nanggigigil na saad nito habang mahigpit pa rin ang pagkakayakap kay Eon.

"Mr. Raffy, put me down. You and mommy are both ridiculous." Ani Eon sabay hikab. His eyes are drooping. Marahil ay tinamaan na ito ng antok.

Raffy kissed Eon's forehead. Naglakad ito patungo sa pinakamalapit na lounge chair at kinalong si Eon.

"Sleep, son. We'll do whatever you like when you wake up, is that cool?" Nakangiting tanong nito.

Tumango si Eon kapagkuwan ay tuluyan nang napapikit.

"What the hell, Raffy?! Akin na nga 'yang bata!"

"Sssshhh! You'll wake him up!" Bulong nito.

This is just so messed up. Everything's just freaking messed up. Oo, alam niyang hindi naman talaga maiiwasang mag-krus ang landas nila ng ama ni Eon pero hindi niya naman inakala na magkikita sila nito sa mismong araw ng pag-uwi nila sa bansa.

Minsan ay sumagi na rin sa kanyang isipan na magkikita silang muli. Na darating din ang takdang panahon na ipapakilala niya rito si Eon. But she never pictured it out to be like this. Not this way. Not when she's definitely unprepared.

Habang kalong-kalong pa rin si Eon ay nakita niyang tumingala si Raffy. Hindi niya lubos maisip kung ano ang tumatakbo sa isipan nito ngayon.

"He's got my eyes, you know?" Anito sa basag na boses. Sumilay ang isang mapait na ngiti sa labi. Bakas ang hinanakit sa mukha nito habang nakatitig sa kanya. "And not just that... he also has my nose, my dimples..." dagdag pa nito at muling tumitig sa kawalan.

Hindi siya nakapagsalita. He's right. As Eon grew up, his facial features screamed of Raffy. As each day passed by, Eon resembled his father. From his hazel brown eyes, his pointy nose, his dimples... it's all Raffy's.

"Akin na, doon ko na siya patutulugin sa room ni daddy," aniya at umakmang aabutin si Eon.

Raffy tilted his head and smiled bitterly.

"Pati ba naman 'tong pagkarga sa natutulog kong anak, ipagkakait mo sa'kin, Nique?"

Her heart sank. Is she that selfish?

Hinayaan niya na lamang ito. Makalipas ang mahabang sandali ay sinabi nitong patutulugin na ng maayos si Eon.

"Diyos ko! Nawawala si Eon!" Nagpa-panic na bulalas ni Yaya Mercy nang buksan niya ang pinto ng kwarto. Ngunit agad na namilog ang mga mata nito ng makitang karga-karga ni Raffy ang bata.

"Kaawaan ka ng Diyos, hijo," anito nang magmano rito si Raffy. Nagpalipat lipat ang tingin ng kanyang yaya sa kanilang tatlo.

"Ang himbing ng tulog niya," nakangiting usal ni Raffy nang mailapag na nito sa watcher's bed si Eon.

"Kararating lang din kasi namin. He's been up the entire flight. Ayaw kasing matulog," sagot niya.

Ngumiti lang si Raffy. Nilingon nito ang kama ng kanyang ama.

"How's Tito Manolo?" Tanong nito.

"Still no progress," she replied as she stifled a yawn.

"You're tired," wika nito. "Go, sleep beside Gideon," udyok nito.

Tumango nalang siya sapagkat hinihila na rin talaga siya ng antok.

MATAMANG nakatitig si Raffy sa mag-ina. Makalipas lamang ang mahigit tatlumpong minuto ay mahimbing nang natutulog sina Monique ay Eon.

His lips curved into a faint smile. What happened earlier was so silly. Until now, he still couldn't believe it. He's a father.

"Maiwan muna kita rito, anak. Kukunin ko muna ang mga pinadalang pagkain ni Ma'am Consuelo," pukaw sa kanya ng yaya ni Monique.

"Sige, Yaya Mercy, dito lang po ako."

Nang makaalis ang matanda ay umupo siya malapit sa kanyang anak. Hinaplos niya ang buhok nito.

Limang taon. Limang taon siyang namuhay ng miserable matapos nilang maghiwalay ni Monique. And in that span of five years, he had no idea that he has a son. Limang taon ang nasayang sa kanilang mag-ama.

He was not around when his son uttered his first word. He was not there when his son took his first steps. And that is all because Monique had been selfish. She robbed him of the chance to raise his own child.

Eon's head tilted. Marahan din nitong iminulat ang mga mata nito.

"I'm hungry," anito. Nakalabi.

Alam niyang mali itong gagawin niya pero buo na ang kanyang desisyon.

Kinarga niya si Eon.

"What do you want to eat, buddy?"

"Cereals."

"Cereals it is! I've got plenty of them at home," aniya habang dahan dahang pinipihit and door knob.

"But what about mommy?"

"Don't worry, we'll just bring her some food later, okay?"

Luminga-linga siya sa paligid. Nang masigurong walang ibang taong makakakita sa kanila ay agad siyang dumiretso sa pinakamalapit na elevator.

CHAPTER 19

Play Fair

RAFFY felt like he's an unsub in an episode of Criminal Minds. There is no use denying it. What he's doing right now is tantamount to the blatant commission of a heinous crime. For Pete's sake, he's abducting a child. He's kidnapping his very own son!

Dali-dali siyang naglakad patungo sa kanyang kotse habang karga pa rin si Eon. Bakas sa mukha nito ang pagkalito sa mga pangyayari. Nagpapasalamat siya sapagkat tila hindi naman ito nagdududa sa kabila ng hinuha niya na matalino itong bata at maaaring mabilis ng nitong maproseso ang mga nangyayari.

"You can put me down, I can walk," wika nito.

"It's alright, buddy." He said. Trying really hard to sound casual.

Ilang metro pa lang mula sa kanyang sasakyan ay dinukot niya na mula sa kanyang bulsa ang key fob. He pressed it and as soon as they reached his car, he opened the door of the backseat and strapped Eon with the seatbelt. Mabilis siyang lumigid papunta sa driver's seat.

Nang makapwesto na ay pinaandar niya na ang sasakyan. Inilagay niya sa car mount ang kanyang cellphone at mabilis na tinawagan si Rebecca.

He's driving as fast as he could. He know that the moment Monique wakes up and finds out that he's taken their child, she's gonna head straight to his place.

"Come on, Becc, pick up..." he whispered. Naka-loud speaker na ang cellphone niya at kasalukuyang nagri-ring lang sa kabilang linya.

"Hello, Rafa—"

"Becc! I need your help, I ki—" bigla siyang nahinto sa pagsasalita. He needs to be careful so that Eon wouldn't find out what's really happening.

"T-Tinangay ko ang... ang anak ko," he said in a low voice. All hoping that Eon does not understand Tagalog.

"Ano'ng tinangay mo ang anak mo?" Rebecca yelled. "What the fuck are you saying? Are you high?!" Dagdag pa nito.

"Jeez, Becc, just figure it out. You're a goddamn lawyer!"

"My goodness, did you kid—"

"Yes!" Bulyaw niya.

"Teka, you have a child?!"

"Yes. Now, help me with this mess."

"Gago ka ba?!"

"Becc, just please get off your high horse and help me!"

"For Christ's sake, Gamboa! I may have been immoral for committing adultery but I am definitely not aiding and abetting you in kidnapping your child!"

"Fuck!" He hissed as he ended the call.

Binalot ng katahimikan ang loob ng kotse. Pinag-iisipan niya pa kung saan niya dadalhin si Eon. Naputol ang kanyang malalim a pag-iisip nang kalabitin ng maliit nitong hintuturo ang kanyang balikat.

"You're kidnapping me, Mr. Raffy," wika nito. It was not a question. His son just said it matter-of-factly as if he's commenting about the weather.

Napahugot siya ng malalim na hininga saka iniliko ang sasasakyan sa parking lot ng Little Owl.

Nilingon niya ito. He can't seem to decipher whether Eon's mad or scared. He unclasped his seatbelt and transferred him on the passenger's seat.

"Eon, buddy..." he said. A lump forming in his throat. "I... I'm your dad."

Tinitigan siya nito kapagkuwa'y ibinaling ang paningin sa labas ng bintana. "I figured," wika nito.

Alam niyang bata pa si Eon at baka hindi pa nito lubusang maiintindihan ang kanilang sitwasyon. Pero sa reaksyon nito ngayon ay nagkaroon siya ng pag-asa na marahil at maiintindihan siya nito kung magpapaliwanag siya.

"Eon, look at me," aniya sabay hawak sa balikat nito. Humarap naman ito sa kanya.

"I never knew that I was a father, not until I met you," he said, clenching his teeth. Kahit na anong pigil niya ay nilulukob talaga siya ng emosyon.

For almost five years, he had been deprived of the chance to be a dad. Karapatan niya ang malaman na nagka-anak sila ni Monique. Alam niya naman na malaki ang kasalanan niya rito. But that does not take a way the fact that he has the right to know about Eon's existence.

"My son..." he sobbed, embracing Eon so tight.

"D-Daddy... I can't breathe!" Bulalas nito habang itinutulak siya.

Doon bumuhos ang kanyang luha. Whoever said that men who cry are weak, may be right. Because at this very moment, as he heard his son call him 'daddy', he felt powerless. Right there and then, he knew that whatever happens, Eon will surely be his weakness.

He loosened his embrace. Nakita niyang nakangiti ito na para bang okay lang ang lahat.

"You're not mad at... at dad?" Tanong niya.

Eon shook his head. "You're not a bad person. You did not hurt me. So, no, I'm not mad." He said while smiling. "But I'm hungry."

Natawa siya. Pinangakuan niya pa naman itong kakain sila ng cereal sa bahay niya. Umibis na siya ng sasakyan. Binuksan niya ang pintuan at kinarga si Eon. Habang papasok na sila sa katapat na cafe ay busangot ang mukha ng kanyang anak.

"Dad, I can walk. I'm not a baby."

He ruffled the boy's hair as he put him down. Sinalubong sila ng isang babaeng empleyado.

"Welcome to Little Owl. Table for two, sir?" Tanong ng babae.

"Hi, Kim!" Bulalas ni Eon habang nakatingin sa nameplate ng waitress. "Yes, table for me and my dad."

Napangiti ang babae. Maging siya ay naaaliw sa pagiging bibo ng kanyang anak. He really is a smart kid.

Raffy scanned the cafe's menu. Nag order siya ng maraming pagkain. But Eon cut in when he ordered the bestseller Roasted Half Chicken. Hindi raw ito pwedeng kumain niyon sapagkat allergic daw ito sa manok at seafood. Ipinakita pa nito sa kanya ang in-flight sticker nito na nakadikit sa laylayan ng suot na t-shirt.

"Mommy insisted on sticking this on me even though I'm no longer 3 years old and below!" Lukot ang mukha nito.

He just smiled. But at the back of his head, he's still hurt. Hindi niya kilala ang kanyang sariling anak. Wala siyang ka-ide-ideya kung ano ang naging buhay nito.

Pero isinantabi niya ang lahat ng panghihinayang na nararamdaman. Babawi siya. Sisiguraduhin niyang maipapadama niya rito ang pagmamahal ng isang ama.

"What will you order, then?" Untag niya rito.

"Grilled cheese sandwich!"

"One grilled cheese sandwich for the littel guy here," aniya sa waitress.

Habang naghihintay ng kanilang order ay hinayaan niyang magkuwento ito ukol sa kung ano mang hilig nito. Eon shares an awful lot about his mom. Sa lahat ng mga ibinibida nito ay bukambibig nito si Monique. That she's awesome, that she's a super mom.

"Don't worry, we'll buy an iPad later," aniya nang sabihin ni Eon na limitado lang umano ang oras na pinapagamit ito ng Kindle ng mommy nito.

"Really?" Ani Eon sa namimilog na mga mata.

"Yes, we'll buy everything you want, buddy." He promised.

Their food came and he had a great time chatting and eating with his son.

MONIQUE was frantically pacing back and forth. Kanina pa siya pumunta sa pinakamalapit na presinto subalit makailang ulit lang siyang sinabihan ng mga pulis na hindi pa raw maipro-proseso ang kanyang missing person complaint. Ayon sa mga ito, wala pa raw bente-kuwatro oras kaya hindi pa pormal na maipapahanap ang kanyang anak.

"Kailangan ba talagang maghintay sa loob ng 24 hours bago niyo aksyunan ang pagkawala ng anak ko? What if something happened to him?!" Hysterical na siya. Tila nanginginig ang kanyang buong katawan. To say that she's anxious is just an understatement. She feels as if she's on the brink of a serious panic attack. At kung ikukumpara ito sa panic attacks niya noon ay 'di hamak na mas grabe ang takot na nararamdaman niya ngayon.

Raffy's physical abuse... Her cheating... It all fails in comparison to the anxiety she's experiencing right now because Eon's missing.

My poor boy...

Napahikbi siya. Kulang nalang ay manglupasay siya sa sahig. Totoo pala na pagdating sa kapakanan at kaligtasan ng sarili  mong anak mawawala ka sa tamang huwisyo.

"Hija, halika na. Nasa ospital na raw si Eon sabi ni Mercidita," untag sa kanya ni Mang Bert.

Para siyang nabunutan ng tinik sa dibdib. Halos utusan niya na si Mang Bert na paliparin ang sasakyan.

Nang makarating sila sa ospital ay lakad-takbong tinungo niya ang private room ng kanyang ama. Sinalubong siya ni Eon. Nakatayo sa likod nito ang kanyang ina at si Yaya Mercy. Si Raffy naman ay nasa tabi nito.

"Mommy!" Anito sabay yakap sa kanya.

Bumuhos ang kanyang luha. She rained kisses all over his face. Sinuri niyang mabuti ang mukha nito, pati ang buong katawan kung may galos ba ito o kung nasaktan ito.

Marahas niyang hinarap si Raffy.

"You will not get away with this!" Aniya sabay hampas sa dibdib nito. Hindi man lang ito umilag sa bawat hampas at kalmot niya.

"Mommy, stop! Don't get mad. Daddy and I just ate out," singit ni Eon habang hinihila ang laylayan ng damit niya. "And then we went shopping. Look," ibinida nito ang iba't ibang gadgets. The latest iPhone model was even hanging on his neck.

"Ano 'yan, suhol?" She hissed as she turned to him. Her lips pursed.

Hindi umimik si Raffy. He leaned and planted a soft kiss on Eon's forehead.

"I'll call you up later, buddy."

"We'll go surfing tomorrow, right?" Eon beamed. Ginulo lamang ni Raffy ang buhok nito.

"Tita, 'Ya, alis na po ako," pagpapaalam nito na parang walang nangyari. Na tila ba hindi nito kinidnap ang anak niya!

When he headed towards the door, she almost leaped. Makakatikim talaga sa kanya ang lalaking ito. Akala siguro nito ay palalampasin niya ang ginawa nito.

"You think you can get away with this? Huh?!" Sigaw niya nang makalabas na sila ng kuwarto.

Nakayuko lang ito.

"And what's with all those gifts?! You're not playing fair, Raff!" Nagpupuyos na siya sa galit.

Bumalatay ang pait sa mukha nito saka nagsalita.

"Can you blame me for spoiling my son a bit?" Anito saka pumalatak.

"And don't you dare lecture me about not playing fair, Nique. Why, do you think you played fair when you hid my son from me all these years?" Tumawa ito ng pagak.

"Play fair, Nique. Sana naman wag mo nang ipagdamot sa'kin ang anak ko."

CHAPTER 20

Child Custody

TAHIMIK na sumisimsim ng scotch si Raffy habang nakatitig sa babaeng nasa harapan niya. She looks so elegant in her plain black dress. Ang buhok nito ay nakalugay lang din. At ang maganda at maamong mukha ay walang bahid ng ano mang make-up.

"So, I believe we have an agreement..." She said as she wiped the sides of her mouth with the table napkin.

Tumango siya. He looked at her intently. Halos hindi naman ito makatingin ng diretso sa kanya.

"I'm sorry for causing trouble last week," sinserong paghingi niya ng paumanhin.

"It's alright. At least nagkasundo na tayo para sa shared custody at parenting plan for Eon," anito sabay ngiti.

"Like I've said earlier, we're not bringing this to court, right?" Dagdag pa nito. "I mean, hindi naman na kailangan pang umabot sa ganoon, diba? Siguro, kaya naman nating magkasundo para sa kapakanan ng bata."

He nodded and took another sip of his scotch. When Monique gestured at the waiter for their bill, he reached for her hand across the table. He cursed himself afterwards. Nang hawakan niya kasi ang kamay nito ay bigla itong napapitlag na tila ba takot ito sa kanya.

Sumagi na naman sa kanyang alaala ang mga nangyari sa kanila noon. Alam niyang habang buhay niyang pagsisisihan ang lahat. And up until now, he's chastising himself. If he could only turn back time, he should have just left not let his anger take over.

"I'm sorry, Nique." Kusang namutawi sa kanyang bibig ang mga katagang iyon.

"I-It's okay. You never really 'kidnapped' Eon. You both just ate out and went shopping, Right?" She said with a nervous laugh.

"No. I... I meant, I'm sorry... for hurting you."

Mariin itong pumikit. She then held her wine glass by the stem and gulped it down. She looked away and bit her lower lip.

"Hindi ba dapat ako ang humingi ng tawad? Kung 'di dahil sa..." Naputol ang pagsasalita nito at tumingala.

"I'm sorry too, Raff, for... for what I did."

"No, I never should have—"

"Tama na, Raff. If we get sucked into that same hell hole again, we'll just be as miserable as we have been before," putol nito sa sasabihin niya saka humugot ng malalim na hininga.

"There's no point in rehashing the past. May kanya kanya na tayong buhay. The only consolation we have is that we're blessed with a sweet and loving child." Monique quipped.

When their bill came, he swifty handed his credit card to the waiter. Napatingin sa kanya si Monique, and just like old times, she understood what his gesture meant.

"Thanks," she said as she stood up. She grabbed her purse and turned to him once again before walking away.

"You'll have Eon tomorrow. Just fetch him at my parents' house. Baka kasi iwan ko nalang siya doon kasi magbabantay pa ako kay daddy."

He nodded. Lumapit na rin sa kanila ang waiter at iniabot ang kanyang credit card. "I'll walk you to your car."

Nagkibit lang ito ng balikat. Sabay na silang naglakad patungo sa parking lot ng naturang fi...


You might also like to visit: