Showtime Begins In:

Click here to visit her Live Show on Pinays247.com

Gunam-gunam (Collected Questions)

Submitted by on Wednesday, 1 June 2016, 04:16 AM | True Story | Tagalog
Categories: Non-Erotic   Tags:

Saan ba nagsisimula ang pag ibig? Sa unang kita? sa tagal ng pagsasama? sa muling pagkikita?. Paano mo malalaman na iniibig mo ang isang tao? Kapag palagi mo siyang hanap? Kapag bumibilis ang tibok ng puso? Kapag hindi ka mapalagay?.

Sa tingin ko minahal mo na at inibig ang isang tao bago mo pa siya makita o makilala, nasa puso mo na kung sino ang mahal mo, nasa isip mo kung ano siya at higit sa lahat nanabik ka ng makita siya.
Sa sobrang pananabik mo ay iniisip mo na lahat tungkol sa kanya, gumawa ka ng isang kathang isip na pagkatao, ginawa mo siyang perpekto. Nawala na yung nasa puso mo, mas nangibabaw ang pag-asam mo na dapat ganito ang taong mamahalin mo.

Dahil sa pag-asam na iyon, hindi mo na nakikita yung taong handang ibigay ang lahat sa iyo. Wala sa kanya ang mga hinahanap mo, hindi siya perpekto, pero sa lahat lahat ng niyan, andyan siya handang umintindi at mahalin lahat ng kakulangan mo. Andyan siya para ibahagi kahit ang kakarampot niyang yaman. Hindi niya hinahanap sa iyo ang pagiging perpekto bagkus ang pagunawa at pagmamahal mo lang. Sa sobrang pagiisip mo sa buhay nakaligtaan mo ng tumingin sa tabi mo, na andoon pala yung taong minamahal ang buong pagkatao mo.

Minsan hindi masama na gamitin ang isip lamang o ang puso lamang, dahil habang sa pag iintay mo sa taong nakatakda sa iyo ay maraming din taong lalapit sa iyo. Sila yung mga taong magbabahagi ng samo't saring ligaya o sakit sa iyo. Sila yung magbibigay sa iyo ng rason para hindi maniwala na may taong susunod pa na mas mabuti o isang rason kung bakit kailangan mong magmahal ng lubos at manatili.
Subalit sa lahat ng nangyari sa iyo, huwag mo sanang ipadama sa susunod na tao kung anong sakit na naranasan mo sa ibang tao. Wala silang kinalaman doon, dumating sila sa buhay mo na walang kamalay malay.

Paano ba ang umibig? Kailan ba dapat umibig? Dapat pa bang umibig? Maraming tanong ang bumabalot sa salitang "pagibig", pero ano nga ba ang totoo? Ang pagibig ay hindi binibigyan ang dahilan, ng proseso o kahit ano man. Pag umibig ka ng totoo, yung gagawin mo lahat para sa taong mahal mo, yun ang pagibig. Hindi nasusukat, walang alinlangan, at walang rason. Walang bahid ng kung ano pa man. Dahil pag umibig ka, walang taong makakapagsabi sa iyo na tama o mali ang ginagawa mo, dahil para sa iyo tama lahat, para sa iyo yung ginagawa mo ay para sa minamahal mo.
Hindi lahat aayon sa gusto mo, minsan binibigay na pala sa iyo ng hindi mo namamalayan. Binibigay sa iyo ng pakonti konti dahil kailangan mo munang paghirapan para malaman mo ang kahalagahan nito. Hindi binibigay sa iyo ng buo dahil kailangan mo munang makita ang importansya nito. Dahil kung buong ibibigay sa iyo ang lahat ng pangarap o kahit mga simpleng kagustuhan mo, madali lang ito mawawala sa iyo dahil madali mo din kasi nakuha.

Hindi kayo pinagtagpo ng walang dahilan, kailangan mong makita at maramdaman kung ano ang totoo sa hindi. Maraming bagay ang magsasabi o magbibigay ng dahilan para umayaw, pero sa kabilang banda meron din namang mga bagay para ipaglaban. Hindi mo ito mabibigyan ng kahulugan pero sa kalooban mo alam mo, natatakot ka lang na hindi masaktan.

Bahagi ng umiibig ang masaktan, pero hindi ito dahilan para ipagsawalang bahala mo na lang lahat ng magagandang nangyari nung umibig ka. Lahat ng kalungkutan, pighati at hindi kaaya-ayang pangyayari ay dapat hindi maging bahagi ng kabuuang kasagutan. Ang tunay na pagibig, nakikita ang mahahalagang bagay sa isang relasyon at inaayos ang mga dapat ayusin, hindi ito isinangtatabi lang dahil mahirap o nahihirapan, andoon ang pananabik na may magbabago, hindi man ngayon o bukas pero alam mong may pagbabago. Ang bawat sugat na naidudulot ng pagibig ay naghihilom, pero yung lugar sa puso mo na mawala, minsan hindi na bumabalik.

Dapat pa ba? Kailangan pa ba? Tanong na nasa isip lalo na at marami ng nangyari sa isang relasyon. Ang iba masasagot na "tama na", ang iba " kaya pa" pero ano ba ang mga dapat munang isaisip para mabigyan ng sagot ang mga ganyang tanong?

"Tama na", isa sa mga sagot, pero bakit? Dahil hindi na puede? Hindi maayos? Wala na bang kaayusan? O dahil mas inisip ang sarili, mas binigyan pansin ang iba, mas pinansin ang mga mali kaysa sa masasayang aalala na nangyari? Binalewala ang mga totoo sa bawat isa, natakot sa mga hindi pa nangyayari o mangyayari? Hindi nagtiwala na may magandang resulta sa huli? Pero bakit bumitaw, kung mahal mo bakit mo kailangan saktan pa? Hindi ba naisip na sobrang sakit para kanya na kalimutan na mahal ka niya?

"Kaya pa", hu...


You might also like to visit: