Showtime Begins In:

Click here to visit her Live Show on Pinays247.com

Heaven or Hell Episode 3 (Act XVII)

Submitted by on Sunday, 3 July 2016, 11:27 AM | Fiction | Taglish
Categories: Sci-Fi and Fantasy   Tags: , ,

Act XVII: The Man with No Name 
By: Balderic

Sa isang training dojo, may naka paikot na mga lalake at babae na naka upo sa canvas. Sa gitna naman nila ay parehong nakatayo si Honshou at Olga. Maluwag ang dojo at malaki ang distansya ng dalawang mandirigma. Pareho silang naka suot ng martial arts garb. Magkatitig silang dalawa at nag bow. Magkasabay silang nag fighting stance. 

Dahan dahan silang umiikot sa gitna ng dojo. Minamasid ang bawat galaw. Maingat sa bawat apak sa canvas at kumakaway kaway ang mga kamay. 

“It’s an honor to finally match my skills against the Siberian Mantis herself.” 

“There’s no honor yet. Honor comes after you earned it….with your blood! “ biglang sumugod si Olga. 

Nagpalitan ng mga suntok ang dalawa. Kaliwa’t kanang suntok ang nasalag ni Honshou. Subalit sadyang mabilis si Olga. Animo’y sayaw ng kamatayan ang kanilang ginagawa. Apat na suntok ni Olga ang nakapasok sa sikmura at tagiliran ni Honshou. Napa atras ito pero sumugod ulit. Hinde matanggap ng pride ni Honshou ang nagawa ni Olga sa kanya. 

Matapos masalag ang huling suntok ni Olga, hinawakan kaagad ni Honshou ang kamao ni Olga at hinila. Lumipad ang kanang paa ni Olga papunta sa ulo ni Honshou. Sinalubong ito ng siko ni Honshou at hinde parin binibitiwan ang kamao ni Olga. Lumapit si Olga ng ilang hakbang pero umatras naman si Honshou para ma maintain ang distansya nila. 

Tumalon paatras ang negrong mandirigma at hinila lalo ang kamay ni Olga. Nadala si Olga subalit tinakpan naman nya ng kabilang kamay ang mukha ni Honshou. Sinipa si Olga ng dalawang beses sa tagiliran at mabilis na umikot si Honshou patalikod para ibalibag si Olga. 

Pak!! “ Parang nag tambling si Olga pero hinde tumama ang likod nya sa canvas dahil naka landing ang mga paa nya bago pa bumagsak ang katawan nya. Nagulat si Honshou. Tumapon ng elbow blow si Honshou papunta sa mukha ni Olga. Na block ito ng isang braso ni Olga at dito sila nag hiwalay. 

“Well, I’m impressed. And I’m not easily impressed dear.” Wika ni Olga at naka ngiti ito. 

“Likewise, for someone whose not a member of the Four Sin Kings, you sure can keep up with me. I guess STING really has something to show for but apparently you left and they have nothing now.” 

Nawala kaagad ang ngiti ni Olga. Seryoso na ulit ang mukha nya. 
“For someone who has never fought an STING agent in a real fight, you sure talk with pride. But sorry to disappoint you but I’m not nearly as strong as the one agent I know of.” 

“Who? “ na curious bigla si Honshou. 

“It doesn’t matter. You will face him soon enough. That man may seem dumb but when he gets serious, I don’t think anyone can take him one on one.” 

“Oh really. Curious but I only believe what I see.” 

“That… I promise that you will Wristler.” Sagot naman ni Olga. 

---- 

Present Time,  London 

Isang malaking gusali sa gitna ng London ang inoobserbahan ng YuRen Team. Gamit ang isang tranciever, na detect ng Proto Phantom Drive ni Alex ang signal na nilalabas ng original na Phantom Drive sa ilalim ng gusali. 

Nagtago sa isang vent duct ang dalawang babae. Tinignan nila ng maigi ang paligid. Kakaunti lang ang nakikita nilang tao rito. Tila nagbabalatkayo ang gusaling may tinatagong mahalagang bagay. At dahil kakaunti lang ang bantay, walang magdududa na tumingin sa loob. May kutob rin sina Karen na posibleng nabawasan ang bantay dahil nag bubunyi pa ang mga ito sa unang panalo laban sa hukbo ng UN. 

Gumapang pa sila papasok at dahil sa blueprint na nakuha nila, mas mapapadali ang paghanap nila ng kinaroroonan ng signal. Habang bumababa sila ay palakas ng palakas ang signal. 

---- 

Nasa may dalampasigan naman ang tinahak ni Ken at Mindy. Layunin nilang e disable ang mga malalakas na cannons at artillery ng DRAKE. Nasa daan ang KenDy Team at maingat na minamatyagan ang bawat sulok ng kalsada. Parang ghost town ang London. Tahimik at walang katao taong naglalakad. Hinde mawari nina Ken kung saan dinala ng DRAKE ang mga sibilyan. Nagtago sa isang sulok ng gusali ang dalawa at natatanaw na nila ang mga kanyon sa di kalayuan. Tinignan nila kung meron itong control room dahil electronic powered and mga ito. Subalit maraming mga gusali at hinde nila alam kung saan dito ang control room. Minabuti nilang obserbahan ang mga naglalakad na mga bantay dahil posibleng bumigay ito ng info kung saan kinokontrol ang mga kanyon. 

“Guys I don’t think they are controlling the cannons here.” Report ni Ken. 

“They could be controlling them via a control center somewhere in the city.” Sagot naman ni Gabriel. 

“Guys, it’s Alex, standby for confirmation, I think team YuRen are near the Phantom Drive.” 

---- 

Sa loob ng duct, narating nila Karen sa pinakadulo neto at sumilip sila. Nagulat sila sa nakita. 
“Shit! “ 

“What’s wrong Karen? “ tanong ni Gabriel. 

“There’s nothing here!  It’s empty! “ 

“But that’s impossible! It says here the signal is coming from that room.” Wika naman ni Alex. 

“I know but there’s nothing here.” 

“It’s a trap! “ wika naman ni Yumiko. 

“Kkzzzztt!! “ “Aarghh!! “ biglang sumigaw si Ken at Mindy matapos marinig ang parang kuryente. 

“Ken!  What’s going on!  Answer me!  Ken! “ subalit hinde na sumagot si Ken sa mga tawag ni Gabriel. Nasa itaas ng isang gusali si Gabriel at may magandang vintage view sa paligid subalit nawalan na sya ng koneksyon sa team KenDy. 

“Am I speaking with Agent Marasigan here? “ biglang may boses na pamilyar ang narinig ni Gabriel sa intercom na galing kay Ken. 

“Cifer! “ 

“Oh good. It’s been a long time since I heard your voice agent Marasigan. After Lucilla’s unfortunate sacrifice, I thought you really died. But thanks to Krauss leaving clues of your survival, now I got myself ready for a retaliation coming from your team.” 

“Where are you!? “ 

“Come at the Big Ben tower if you value your fellow agent’s lives.” Pinutol na ni Cifer ang tawag. 

“Shit.. “ 

“Master? “ 

“Yes Yumiko? “ 

“What are we going to do?  It’s obviously a trap.” 

“We don’t have much of a choice.” 

---- 

Ilang sandali ay nakarating na si Gabriel sa Ben tower. Gamit ang isang sports car, huminto ito sa harapan mismo ng tower na ilang metro ang distansya sa kotse. Alam ni Gabriel na isa itong patibong. Maraming snipers ang nagkalat na nakapaikot sa mga gusali. May mga armored na sundalo rin sa kalsada at marami ang mga ito. 

Bumaba ng kotse si Gabriel. Naka tactical suit parin ito at may mga baril sa magkabilang bahagi ng hita, mga bala, dalawang daggers, at isang medium length na espada sa likod. Dahan dahan at kalmado lang na nagpalakad si Gabriel. Isang grupo ng DRAKE troops ang sumusunod sa likod nya habang may mga red lasers naman galing sa mga snipers ang malikot na naka lock ang target kay Gabriel. 

Sa di kalayuan ay may isa ring grupo ng DRAKE at nasa gitna nila si Wristler Djimon Honshou ang pinakamalakas na mandirigma ng DRAKE, si Himeko ang personal bodyguard ni Cifer na master rin ng swordsmanship, at si Cifer Black ang utak ng DRAKE. Nasa harapan nila ang mga nakaluhod at nakataling si Ken at Mindy. 

Huminto si Gabriel ng ilang metro ang layo sa pangkat ni Cifer. Nagkaharap ulit ang dalawang magkatunggali. 

“Hmph, I was very sad at Lucilla’s demise but I was also hoping that you survived that event. And good thing you did mr Marasigan. You have really exceeded my expectations. But how stupid of you to come here. Do you really think I have no idea of your presence?” wika ni Cifer na nakangiti. 

“Do not take me lightly Cifer. Surrender now and disarm your army before it’s too late.” Kalmado namang sagot ni Gabriel. 

“You know that I could kill you right this moment?” 

Nag shrug ng balikat at tumaas ang mga kamay ni Gabriel. 
“Obviously. But your pride won’t satisfy that will it?  I have followed you and foiled a lot of your plans in the past that killing me now is not as satisfying as killing me the way that you wanted isn’t it? “ 

“Hahahaha!  You really do amuse me. Now, reveal your two assistants so we can get this over with.” 

“You think you have me under control but you don’t Cifer, believe me.” 

“Kzzzzt!!!! “ “Aaaaahhh!!! “ may pinindut si Cifer na remote at tila nakuryente sina Ken at Mindy. Nagulat naman si Gabriel dito. 

“After we captured them, we have implanted them with trackers if they ever tried to escape. But since you stupid idiots tried to come back, it’s time to give them a lesson.” 

“Gabriel!! “ napatingin si Gabriel sa kanang bahagi nya at nakita nyang nakatali na rin sina Krauss at Natalie Miller. Dinala rin sila sa harapan at tinabi kina Ken. 

“Now that we have everything in place, all that’s left is you to show your two friends still sniffing around in the city! “ tinutok ni Cifer ang isang baril sa ulo ni Ken. 

Hinde makapagsalita si Gabriel. Tila napako ang mga paa neto sa kalsada at hinde rin makagalaw. Maingat sya sa kanyang gagawin at posibleng ikamatay ng kanyang mga kasamahan. 

“You need to let go of this darkness inside you Cifer. DRAKE is created as a symbol of justice and equality but you corrupted it and turn it into something even I cannot recognize. You have become the very person you tries to destroy!” wika ni Krauss. 

“You know that you’re starting to annoy me old man.” 

“What I did to leave DRAKE is not all about giving up!  I chose to join STING in hoping I can recruit all of you in joining with me. You see, STING is the same as DRAKE!  The only difference is that STING is within the United Nations and DRAKE isn’t.” 

“Whatever old man. All we know is you left us and betrayed us. You know nothing of the hardships we faced. You know nothing of the things we a forced to accept. You left us in the darkest moments of our lives and you expect us to forget everything and join you. No… I swore to all my fallen brothers that DRAKE will become more than just a mercenary group. More than what you started.” 

“You’re doing all of this and become blinded by rage and revenge. Let it go Archie. You are better than this. You’re a very smart man. You know you can accomplish more if you do not upset the current order. Because all this, will be for nothing once you have fallen.” 

“I’ve been living in the dark for as long as I can remember. And forcing me into the light is not something I am comfortable to go to old man. Sorry, but it will never work. Every nation have seen my capabilities and my weapons. If they manage to take me out of the picture, these great nations will scavenge our technology, learn our secrets, all for their own personal gains. So no thank you.” 

“Cifer, stop this. You need to stop this. A lot of lives have been lost. How many more will lose their lives so you can achieve your goals?  Stop this now.” Wika naman ni Gabriel na nakikiusap kay Cifer. 

“I believe you can be more than this Archie. I’ve seen how brilliant you are. And I know of your horrible past. Do not let it eat any more of your humanity. Do not let the darkness consume you… “ wika ni Krauss

“BLAM!!! “ Biglang binaril ni Cifer sa ulo si Krauss. Nagulat si Gabriel sa pangyayari. 

“Noooo!!!! What the hell did you do!!!!???” sigaw ni Gabriel na hinde ito makapaniwala sa ginawa ni Cifer sa mentor nya. 

Tulala lamang si Cifer at tila may tinitignan ito. Hinde alam ng lahat na may isang imahe ng babae ang nakatayo sa harapan ng bankay ni Krauss. Isang babaeng duguan ang suot na daster at lumuluha ng dugo. Dahan dahan itong lumakad at sinusundan ito ng tingin ni Cifer. Huminto ang babae sa harapan ni Natalie. Tinutok naman ni Cifer ang baril sa ulo ni Natalie. 

“Stop!!  Cifer stop this!!!! “ pakiusap ni Gabriel subalit bingi si Cifer. Napatingin naman si Natalie kay Gabriel. Tila huminto ang oras sa mga sandaling iyon. Nanatiling nagkatinginan ang dalawa. 

“Gabriel….” Bulong ni Natalie. 

“BLAM!!!! “ isang bala ang tumama sa ulo ni Natalie at natumba rin ito sa kalsada na wala nang buhay.

“CIFER!!!!! “ Tila natauhan si Cifer matapos sumigaw ng malakas si Gabriel. Huminto ito sa likod ni Mindy at nakatutok ang baril sa ulo ng dalaga. 

“What?  What did I… “ hinde makapaniwala si Cifer sa nangyari. Nakita nyang nakahiga sa sahig si Krauss at Natalie. Pareho itong wala nang buhay at naliligo sa sariling dugo. 

“You have gone crazy Cifer… your own demons ate your soul long ago… you are nothing but an empty shell to be called a man! “ 

“Shut up!!!  Or I will kill another one!!!! “ sigaw naman ni Cifer. Nanginginig ang kamay netong nakatutok sa ulo ni Mindy. Naka pikit naman si Mindy. 

“I swear to God if you hurt my sister, Cifer… “ wika naman ni Ken. 

Napa tikom ng mga kamao si Gabriel sa galit. Hinde ito makapaniwala sa ginawa ni Cifer kay Krauss at Natalie. Subalit wala itong magawa kundi ang tumayo. Wala na sa sariling katinuan si Cifer. Tila ibang tao na ang nasa harapan ni Gabriel. Hinde na maintindihan ni Gabriel kung ano ang iniisip ni Cifer. 

“Now, do not let me repeat myself! Were are your two associates!?  Show them or this one dies too!!” wika ni Cifer. 

“I’m going to count to six.” Dagdag pa ni Cifer. At nag click na ang handgun neto. 

“One… two… three… four… “ 

“wait!!! Just give me a minute! “

“Five… and… si… “ 

“Standby master… “ wika ni Yumiko sa intercom. 

KLAGGG!!! “ biglang namatay ang ilaw sa paligid. Nagulat ang lahat at nagsipulasan. 

“BAKOOM!!!  BOOOMM!!  BAKOOMMM!!! “ Kasunod neto ang volley ng mga missiles na tumama sa paligid at sa iba’t ibang bahagi ng London. Bumalik na ang kuryente sa London. 

“What’s going on!? “ nagulat si Cifer sa mga pangyayari. 

“Sir!  The UN forces!  They’re here!  We are under attack!!! “ 

“What!?  But how!!!?? “ napatingin ito kay Gabriel. 

Nakita nya si Gabriel na kasama sina Yumiko at Karen. Naruon narin sa tabi nila ang nakakalag na sina Mindy at Ken. 

“WHAT DID YOU DO!? “ sigaw ni Cifer. 

“Right before we entered London, we have contacted the UN forces that our mission to infiltrate London and disable your defenses will start. And I need them to standby if we manage to disable your network.” 

“But that’s impossible! The Phantom Drive is still intact!” 

“It was. But since I know that you have been monitoring us ever since we slip inside London, a second tactical team composed of other STING agents infiltrated at the other side of the city. They contacted me and located your control center. Your attention is fixated on me while the other teams are freely moving around the city. And then, because of your blinded pride, you captured Ken and Mindy then challenged me to come to the Ben Tower. I know most of your men are coming here expecting to meet me. And that took every precious time for the other team to take down your control tower. Apparently my boys took a lot of time in hacking and shutting your Phantom Drive since it is a very complicated program. Now that it’s down, the UN are free to attack London.” 

“Damn you Gabriel!  Damn you!!! The Phantom Drive is impossible to hack!  No one is capable of disarming it! “ 

“Whatever a man creates can be destroyed. Only God itself is absolute and you are no God mr Black.” 

“I’m gonna kill you!!! “ tinutok ni Cifer ang baril kay Gabriel subalit pinigilan sya ni Hoshou. 

“No!  Sir, let me take care of him. You need to go back and protect the city!  Himeko, go and protect the young master! “ tumango lang si Himeko. 

“Let’s go master.” 

“Make him suffer Honshou.. “ wika ni Cifer. 

“I will… “ naka ngiti naman si Honshou. 

“Yumiko, take Ken and Mindy out of here. I will take care of this bald bastard.” Wika naman ni Gabriel. 

“But master… it would be easy if we team up against him.” 

“Tama si Yumiko, malakas yang negrong yan Gabriel.” 

“Yumiko….please leave… “ tila may bahid ng panginginig ang boses ni Gabriel. 

“Okay master… “ hinde na nangulit pa si Yumiko at inalalayan si Ken. Sumama na rin si Karen at inalalayan si Mindy. 

“What’s wrong Yumiko?  Why did we leave? “ tanong ni Karen. 

“Master… is serious… it’s been a long time since I saw him that serious. And when he does… he’s totally dangerous. “ 

“The man with no name huh.. “ wika naman ni Ken. 

“Man with no name?  What do you mean Ken? “ tanong naman ni Karen. 

“Every Class A to Class S STING Agent has a nickname. But agent Marasigan has no nickname. A man with no name as any other would say. And why is that?  All the nicknames on other agents are based on the characteristics of that agent. But Gabriel has nothing….nobody calls him of any nicknames.. “ Paliwanag ni Ken. 

“But why is that? “ 

“Because if master gets 100% serious, all who stands in his path will end up dead. Nobody who faced him at his full potential ever lived to tell about it. Nobody can read his movements, nobody can expect his techniques.” Wika naman ni Yumiko. Napalunok ng laway si Karen. 

“Yeah, it’s like he’s in the zone you know. But deadly. I haven’t seen him fought at his best. But I do heard stories about him. That’s why nobody dares to fuck with him.” Dagdag naman ni Ken. 

“Did Gabriel trained you his techniques Yumiko? “ tanong naman ni Mindy. 

“He did… but his true potential is not something that can be taught. Because it only shows itself at a very specific moment… “ 

“Gabriel…. Matinde ang paghanga sayo ng mga kasamahan mo… hinde ko alam kung ano ang ibig sabihin nila pero sana mag iingat ka parin. Wag mong hayaang kainin karin ng kadiliman. Ayokong mawala ka rin tulad ng nangyari kay Cifer.” Bulong ni Karen sa sarili. 

Nagpatuloy silang tumakbo palayo. 

---- 

Isang matindeng bakbakan ang nagaganap sa pagitan ng DRAKE at UN. Maraming bomba ang sunod sunod na sumabog sa iba’t ibang bahagi ng London galing sa mga eroplano at mga navy forces ng UN. Lumaban naman ang mga DRAKE army at nag palitan ng mga bala at bomba. May mga dogfight sa ere at may mga putukan sa mga gusali. Ilang troops na rin ng UN ang nakapasok sa London. 

Samantala, nasa labas ng Ben Tower sina Gabriel at Honshou. Magkaharap silang dalawa at malayo sa isa’t isa. Nasusunog na ang paligid nilang mga gusali. Kalat kalat ang mga tropa ng DRAKE at di na pinapansin si Gabriel. Subalit may ilang kasamahan si Honshou na naghahanda na rin para harapin si Gabriel. 

May mga dalang baril ang mga ito at tinutok kay Gabriel. 
“No!  I will take care of him. Leave us! “ utos ni Honshou. Umalis ang mga kasamahan neto. Naiwan na lang ang dalawa. 

“You should have let them shoot me Honshou… it could have saved your life.” 

“I have beaten you before. I can do it again.” 

Sumugod si Honshou. Meron itong espada sa gilid nya at dinukot. Dinukot rin ni Gabriel ang espada sa likod nya. Pareho silang tumatakbo palapit sa isa’t isa. Sumisigaw at nanlilisik ang mga mata. 

“KLANGGG!!!” Nagharap ang kanilang mga espada at sa lakas ng kanilang mga hampas, ay parehong naputol ang mga ito. 

Hinde na nag aksaya pa ng sandali si Honshou. Nagpakawala ito ng mga suntok. Iniwasan ito lahat ni Gabriel. Mabibilis ang mga suntok ni Honshou at para itong jet plane na nag siswish sa ere. Subalit wala ni isa ang tumama kay Gabriel. Hinablot ni Honshou ang vest ni Gabriel at tumalon. Akmang ipapatama neto ang kanang tuhod sa panga ni Gabriel. Sinalag ito ng mga braso ni Gabriel kasunod ang pag tulak ng mga kamay ni Honshou pababa. Nabitawan neto ang vest ni Gabriel. 

Mabilis na tumapon ng suntok si Gabriel gamit ang kanyang kanang kamao at sumapok ito sa kaliwang pisngi ni Honshou. Napa atras ito at tumabingi ang mukha. Lumabas kaagad ang dugo sa ilong ng negro. Pinahid nya ito kaagad. ...


You might also like to visit: