Homewrecker - Chapter 3 - 4

Submitted by on Sunday, 22 October 2017, 04:36 AM | Fiction | Tagalog
Categories: Erotic Couplings, Taboo, Mature, Reluctance, Romance   Tags: , , , ,

CHAPTER 3

MICHELLE's POV

Nakita ko ang paglunok ni Ian. Sigurado akong naaaninag niya ang naninigas kong nipple sa loob ng aking white tank top.

Michelle: Nagugutom ka ba, Ian? Sige. Ikukuha kita ng makakain.

Tumalikod ako at sinadya kong landian ang lakad ko. Sa sobrang ikli ng shorts ko ay paniguradong nasisilip niya ang pisngi ng dalawa kong puwit.

Tumigil ako sa pinto bago lumingon sa kanya. Gotcha! Nakatingin ang loko sa puwit ko habang naglalakad. Bigla siyang nag-angat ng tingin at para siyang batang nahuling may ginagawang kalokohan.

Ngumisi ako at tumingin ng nakakaakit.

Michelle: Ikukuha na rin kita ng tubig. Baka nauuhaw ka?

Mabagal na tumango si Ian.

Ian: Sa-salamat, Michelle.

Ganyan nga, Ian. Mabaliw ka sa katawan ko. Loyal ka man sa asawa mo, lalaki ka pa rin. May ulo ka pa rin sa baba na madalas na gumagawa ng desisyon para sa inyong mga lalaki.

Pagbalik ko ng kwarto ko ay nakita kong nakaupo na sa kama ko si Ian. Hinubad na nito ang suot na sando. Shit! Napakasarap pagmasdan ng pinagpapawisang katawan ng asawa ng pinsan ko. Pawis na pawis ang malapad nitong balikat pati na ang mga namumutok nitong muscle sa braso. Sobrang sarap! Napakasarap paglandasin ng mga daliri ko sa likod ni Ian kung saan maraming pawis ang tumatagaktak. Ang flat na tiyan niya na maraming umbok ng abs ay talagang nakakaakit.

Lumapit ako sa kanya bitbit ang isang plato na may apat na hiwa ng cake at dalawang tinidor at isang basong tubig.

Michelle: Pasensya na kung natagalan. Nahirapan kasi akong maghanap ng masarap na ipapakain sa 'yo.

Ian: O-okay lang, Michelle. Masarap naman 'tong cake.

Umupo ako sa tabi niya at ipinatong ang plato sa aking hita. 'Yong medyo malapit na sa singit. Para matanaw niya ang bakat kong kepyas sa tuwing kukuha siya ng cake.

Michelle: Umusog ka sa tabi ko. Hati tayo.

Napansin ko ang malalim na paglunok ni Ian. Umusog siya sa tabi ko. Sapat upang magkadikit ang aming tuhod na parehong basa na ng pawis.

Michelle: 'Yan. Magkainan na tayo.

Biglang naubo si Ian sa sinabi ko. Napangisi ako. Kunwari ko siyang tiningnan ng may pag-aalala.

Michelle: Ayos ka lang?

Tumango siya na parang hingal na hingal.

Inabot ko sa kanya ang isang basong tubig.

Michelle: Uminom ka muna.

Inabot niya mula sa akin ang baso at lumagok ng tatlong beses. Ibinaba niya ang baso sa side table.

Michelle: Kain na.

Inabot niya ang isang tinidor. Nang yumuko siya para tumusok ng isang hiwa ng cake ay alam kong napansin niya ang bahagya kong nakabuyangyang na singit dahil sa ikli ng aking shorts. Pinagpapawisan ito.

Nang makakuha siya ng isang slice ng cake ay mabilis niya itong nilunok.

Ilang minuto ang lumipas ay nagkukwentuhan lang kami tungkol sa pamilya. Puro magaganda ang sinabi ko tungkol sa pamilya ni Rannicia. Siya naman ay naikwento sa akin ang naging trato ng mga magulang ni Rannicia sa kanya. Alam ko na 'yon pero nanatili akong nakikinig para makuha ang loob ni Ian.

Medyo palagay na ang loob niya habang nagkukwento at hindi na gaanong naiilang tulad kanina. Mahaba na ang nakukwento niya nang tumigil siya sa pagsasalita at mapatingin sa dibdib ko.

Ian: Ahm...Michelle, may cake ka sa dibdib.

Napayuko ako at tumawa. Ipinahid ko sa aking daliri ang cake at isinubo sa aking bibig habang nakatingin ng malagkit kay Ian.

Michelle: Salamat.

Ngumiti siya nang bigla kong idinikit sa pisngi niya ang daliring isinubo ko sa aking bibig. Nagulat siya hanggang bawiin ko ang aking daliri at sa dulo niyon ay may cake.

Michelle: May dumi ka sa pisngi.

Ngumiti ako ng matamis na ginantihan naman niya ng tawa. Ngunit natigil iyon nang isubo kong muli ang daliring may cake sa loob ng aking bibig.

Michelle: Mmm...

Nanlaki ang mata ni Ian.

Michelle: Huwag magsasayang ng pagkain.

Parang nahihirapan siyang huminga at mabilis na inabot ang baso ng tubig. Ilang beses siyang lumagok bago ko hinatak sa bibig niya ang baso. Nakita ko pa ang isang linya ng laway niya na dumikit sa dulo ng baso. May mga tubig na pumatak sa kanyang shorts pero hindi niya ito pinansin dahil sa pagkabigla sa ginawa ko.

Michelle: Nauuhaw din ako. Huwag mong ubusin.

At tumikim ako ng tubig sa parte ng baso kung saan naipon ang laway niya. This time ay hindi na ko nakatingin sa kanya. Hahayaan ko siyang mabaliw sa kakaisip sa ibig sabihin ng mga ginagawa ko. Ganyan naman ang mga lalaki. Kapag tinatakam, lalong nauuhaw. Lalong nanggigigil.

Michelle: Mmm... Sarap...

Pumikit ako nang nakatingala ang ulo matapos maubos ang tubig. Nilabas ko ang aking dila at ipinaikot sa aking labi. Para na kaming naghalikan ni Ian sa pagdidikit ng aming mga laway. Parang may mga boltahe ng kuryente na dumadaloy sa aking sistema sa isiping 'yon.

Tumayo ako bitbit ang baso at plato. Wala akong lingon-lingon na lumabas ng kwarto.

----------

IAN's POV

Hindi ko naiintindihan ang mga kinukwento ni Rannicia. Nakahilig siya sa aking balikat habang nagkukwento. Pero ang isip ko ay inookupa ng babaeng nasa kabilang kwarto. Si Michelle. Ang pinsan ng misis ko.

Hindi ko maintindihan ang mga kilos niya tuwing nasa iisang kwarto kami. Hindi ako tanga. Lalaki ako at alam kong inaakit niya ako. Pero hindi niya pinapahalata. Ang hindi ko alam ay kung bakit. Sinabi niya sa aking mahal niya ang pinsan niya, pero bakit niya ito ginagawa.

O hindi kaya akala ko lang? Bakit nga naman siya magkakagusto sa akin? Pero bakit parang iba ang sinasabi ng ulo ko sa baba sa sinasabi ng utak ko?

Hindi. Libog lang ito. Baka naman dahil sa sexy si Michelle ay kung anu-ano ang pumapasok sa isip ko? Binibigyan ko ng malisya lahat ng kilos niya.

Oo. Hot ang pinsan ng asawa ko.

Naalala ko noong tumuwad siya kanina sa harap ko para makipaglaro kay Levi ay umangat ang maiksing tuwalya na suot niya at nakita ko ang kalahati ng kanyang puwit. Ang hindi ko lang nasilip ay ang hiyas niya dahil pinagdikit niya ang kanyang hita.

Shit! Katabi ko ang asawa ko pero maseselang parte ng katawan ng pinsan niya ang tumatakbo sa isip ko.

Naninikip ang shorts ko. Nauuhaw ako.

Ian: Hon, inom lang ako. Sandali lang ako.

Lumabas ako ng kwarto na tanging boxer shorts ang suot ko. Bakat na bakat ang alaga ko sa loob. Ang dahilan ay ang pinsan ng asawa ko.

Napailing ako. Hindi tama na isipin ko ang pinsan ng asawa ko.

Nang pabalik na ko sa kwarto naming mag-asawa ay napatingin ako sa pinto ng kwarto ni Michelle. Hindi ko alam kung ano ang nagtulak sa akin para lumapit at buksan ang pinto ng kwarto ni Michelle ng dahan-dahan.

Pagbukas ko ng pinto ay bumungad sa akin ang hubad na katawan ni Michelle. Nakabaligtad siya ng higa sa kama. Ang harap ng kanyang katawan ang nakadikit sa kama. Kitang-kita ang korte ng katawan ni Michelle sa ilaw na nagmumula sa bintana. Tanging gilid lang ng kanyang suso ang makikita na pumuputok dahil sa pagkakaipit. Ang kanyang matambok na puwit ay nang-aagaw din ng atensyon.

Ilang minuto ay uminat siya at aaktong iikot. Mabilis na isinara ko ang pinto. Saka ako nagpakawala ng hangin na kanina ko pa pinipigil.

Napatingin ako sa kwarto namin ng asawa ko. Sarado. Sa loob niyon ay ang asawa kong magkukwento hanggang sa makatulog kami.

Napatingin ako sa pinto ng kwarto ni Michelle. Nakahawak pa rin ako sa doorknob. Kapag pumasok ako sa loob, siguradong walang salitang mamumutawi sa aming mga bibig. Wala ring tulog na magaganap.

Shit! Kung anu-ano na ang pumapasok sa utak ko.

Pinagpapawisan ako ng malapot. Parang nanghihina ang tuhod ko. Ngunit naroon ang panginginig ng kalamnan na may halong excitement.

Bigyan Niyo po ako ng sapat na lakas...

----------

CHAPTER 4

IAN's POV

Mali. Mali itong iniisip ko.

Kung totoo man ang hinala kong inaakit niya ko ay sapat ng dahilan iyon para pumatol ako sa pinsan ng asawa ko. Ako ang may pamilya. Ako ang dapat na mag-isip ng tama at lumayo sa kahit anong temptasyon.

Mabilis kong binitiwan ang doorknob ng kwarto ni Michelle na parang napaso. Bumalik ako sa loob ng kwarto namin ng aking asawa. Nakita kong natutulog na ng mahimbing ang aking asawa.

Argh! Gusto ko pa naman sanang magparaos pagkatapos ng buong araw na pagpapasabik sa akin ni Michelle.

Puta!

Napatingin ako sa aking boxer shorts. Parang gusto na nitong masira dahil sa pakikipaglabang ginagawa nito sa malaki kong alaga. Gustong makawala ng aking alaga pero pinipigilan ng saplot na aking suot.

Nag-iinit ang aking pakiramdam.

Muli akong tumingin sa aking asawa. Parang gusto kong mainis dahil hindi ko alam kung paano magpapalabas ng mainit na likidong kanina pa gustong sumabog.

Naglakad-lakad ako sa loob ng aming kwarto para medyo humupa ang init aking katawan. Sinubukan kong magbilang ng tupa sa aking utak. Medyo lumambot na ang aking alaga. Nang humiga ako sa tabi ng aking asawa ay medyo hindi na masyadong mainit ang ulo ko.

Hindi na ko nanginginig sa libog dahil kay Michelle.

Putanginang Michelle 'yan!

Nang maalala ko na naman si Michelle at ang mga simpleng pang-aakit nito kanina ay parang naninigas ulit ang alaga ko. Dagdagan pa ng hubad nitong katawan na nakita ko kani-kanina lang. Talaga namang nakakaakit siya. Napasabunot ako sa aking sarili at umusal ng mura.

Kinapa ko ang bukol sa aking boxer shorts. Tumingin ako sandali sa aking asawa. Mahimbing na siyang natutulog. Kaya naman sumimple ako ng himas sa aking bukol.

Mmm... Sarap...

Tuluy-tuloy ang ginagawa kong paghimas sa malaking bukol sa loob ng aking boxer shorts. Nagiging malikot na ang aking hita. Buka-sara ang mga hita ko na parang nakikipagtalik. Hindi ko ipinapasok ang aking kamay sa loob ng aking boxer shorts. Hinihimas ko lang ang umbok mula sa labas habang patuloy na bumubuka-sara ang aking mga hita.

Pero ayaw talaga kong labasan. Tumitigas lang ng matindi ang aking alaga. Pero ayaw talagang lumabas ng tamod ko. Napasabunot ako sa aking sarili at bumulong ng isang malutong na mura. Nakakabaliw ang ganitong pakiramdam.

Pinikit ko ang aking mga mata at inilagay ang aking dalawang kamay sa ilalim ng aking ulo. Itinigil ko na ang pagkukuyakoy ng dalawa kong hita. Parang gusto kong pagpawisan dahil sa init na lumulukob sa buo kong sistema.

Pinilit kong mag-isip ng kahit ano. Mga paborito kong pagkain. Paborito kong palabas. Paborito kong music. Si Levi. Lahat ng pwedeng isipin para humupa ang init sa aking katawan.

Ilang sandali lang ay naramdaman ko na ang pagbigat ng talukap ng aking mga mata. Inaantok na ko. Sa wakas ay makakatulog na ako.

----------

Kinabukasan...

Naririnig ko ang kwentuhan ng aking asawa at ni Michelle sa labas ng kwarto. Nag-unat ako ng katawan. Naalala ko na naman ang mga pangyayari kahapon. Naalala ko rin ang magandang hubog ng katawan ni Michelle na parang nang-aanyaya.

Shit! Nandito ako sa kama ng aking asawa pero ibang babae ang umuukopa sa ng aking utak.

Lumabas ako ng kwarto at nakita kong nagtatawanan ang magpinsan sa hapag-kainan. Lumapit ako at nakisabay kumain.

Parang gustong lumuwa ng mata ko nang makita ang suot ni Michelle. Isang masikip na tank top na hulmadong-hulmado sa dibdib nito. Nagsasalpukan ang pisngi ng dalawang suso niya at lumilikha ng malalim na cleavage.

Ano kaya ang pakiramdam ng dalawang... Pucha! Umagang-umaga puro kahalayan ang nasa isip ko.

Ian: Good morning.

Rannicia: Hi, Hon. Good morning.

Humalik ako sa pisngi ng aking asawa at noo ng aking anak. Ngumiti naman ako kay Michelle.

Rannicia: Ginising kita kanina pero hindi ka nagising. Mukhang puyat na puyat ka. Anong oras ka na ba natulog at hindi ko na naramdaman ang pagpasok mo sa kwarto?

Napatingin ako kay Michelle bago sumagot. May pilyang ngiti sa labi niya.

Ian: U-uninom lang ako ng tubig, Hon. Tapos nag-nagpahangin lang sa labas.

Rannicia: Oh. Okay. Sige kumain ka na.

Sinimulan ko na nga ang pagkain ng almusal. Habang kumakain ako ay hinahayaan ko lang ang pagkukwentuhan ng dalawa. Ilang sandali pa ay nakita kong pumitas ng isang saging mula sa piling na nasa mesa si Michelle.

Abala sa pagsubo ng pagkain sa aking anak si Rannicia habang nakikipag-usap kay Michelle kaya nakayuko ito at hindi nakatingin kay Michelle.

Nakita ko ang mabagal na pagtatanggal ng balat ng saging ni Michelle. Sinimulan niyang dilaan ang gilid ng saging. Taas-baba. Kapag dumadating ang labi niya sa tuktok ng saging ay parang sinisipsip niya ang dulo nito. Paulit-ulit niya itong ginagawa. Dila. Sipsip. Dila. Sipsip.

Tiningnan ko ang mukha ni Michelle. Nakatingin lang siya kay Rannicia habang nagkukwento ito.

Isinubo na niya ang saging makalipas ang ilang sandali. Pero nagulat ako nang isubo niya ng buo ang saging at unti-unting lumalabas ito mula sa kanyang bibig na buo pa rin. Hindi niya kinakain ang saging.

Blowjob ang tawag sa ginagawa niya. Naninigas na naman ang alaga ko. Naaapektuhan ako sa ginagawa ni Michelle. Napakagandang tingnan ng malambot niyang labi na sinususo ang kawawang saging. Punung-puno na ng laway niya ang saging. Parang gusto kong ipasubo sa kanya ang burat ko.

Shit! Ang baboy ng iniisip ko.

Hindi ko na kaya itong paninigas ng alaga ko at tumayo na. Baka kung ano pa ang magawa ko?

Ian: Maliligo na ko, Hon. Maaga akong papasok sa talyer.

Rannicia: Sigurado ka? Hindi mo na uubusin ang pagkain mo?

Hindi ko na nasagot ang tanong ng asawa ko dahil mabilis akong bumalik ng kwarto namin para kumuha ng tuwalya at mabilis din akong lumabas ng kwarto at diretso ng banyo.

Magpaparaos ako.

----------

Sa talyer...

Kakaalis lang ni Michelle kasama ang anak kong si Levi. Nagdala siya ng pagkain para sa aking lunch. Grabe! Napaka-sexy ng suot niya kanina. Pinagtitinginan siya ng mga tao ko sa talyer. Agaw-pansin ang suot niyang mini-skirt at tube top na sobrang ikli. Kitang-kita ang kanyang pusod at makinis na tiyan.

Pumunta ako sa banyo ng talyer. Nag-uus...


You might also like to visit: