IDK

Submitted by on Tuesday, 24 April 2018, 09:52 AM | True Story | Tagalog
Categories: Non-Erotic   Tags:

Naalala na naman kita. Tangina.

Iang linggo ba? Buwan? O 'wag mo sabihing taon ang aabutin na ganito ako? Grabe naman!

Ano? Araw araw nalang?

Araw araw nalang ako gigising na mabigat na agad yung loob ko?
Araw araw ko nalang uumpisahan yung araw ko na pilit yung mga ngiti ko?
Araw araw nalang na ang sikip sikip ng dibdib ko?
Araw araw ba talaga? Hindi ba pwedeng every other day?!

Ano?! Sagutin mo naman! Ayoko na sa'yo e!
Ayoko na. Ayoko na nito.
Ang sakit sakit kaya.

Ayaw ko na umiyak...

Ayaw na kita maalala. Ni amoy mo sa damit ng katabi ko sa jeep, ayoko malanghap. Nasasaktan ako kahit fabcon lang yon. Pucha.
Ayaw na kita mamiss. Nagtatrabaho ako ng maayos, tapos makikita ko mannerisms mo dun sa ka-officemate ko.
Literal, nabadtrip ako. Saya e. Ang saya, sobra.

Di ko na mabilang kung ilang buntung hininga na nagawa ko habang tinatype ko 'to.
Nakakatawa na ako yung #1 listener ng mga katrabaho o kaibigan ko sa mga lovelife nila, pero pag sa akin di ko ma-open sa kanila.
Naalala ko kasi palaging, walang tayo. Wala.

Napapagod na ko agad sa sarili ko.
Bakit kasi ginawa kitang source of happiness ko.
Bakit kasi tinotoo ko yung mga bagay na dapat biruan lang.
Bakit kasi ang landi mo!
At bakit naman kasi ang rupok ko! Naku naman!

Langya. Napagdaanan ko na 'to e. Sabi mo di mo hahayaan na maramdaman ko ulit 'to, pero bakit ginaya mo sila?
Nagkamali ba ako sayo? O nagtiwala lang ako masyado?
Wala ka rin palang pinagkaiba sa kanila, sa totoo lang parang mas malala ka pa. :)

Gusto kong magalit sayo.
'Pag naaalala nga kita minumura kita sa isip ko o kaya sa cr 'pag umeepal ka sa isip ko iihi nalang ako.
Pero wala e. Sa huli, bago matapos ang araw, bago ko ipikit yung mga basa na namang mata ko, pinagdarasal pa rin kita.

Na sana okay ka lang. Na sana kumakain ka na sa oras at 'di nalilipasan ng gutom gaya ng nakasanayan mo. Na sana matupad mo yung mga goals mo bago ka mag-24. Na sana, sa susunod na may makikilaka ka, lagyan mo naman yung inyo ng label.

...


You might also like to visit: