Showtime Begins In:

Click here to visit her Live Show on Pinays247.com

Ikaw Ang Miss Universe Ng Buhay Ko Part 2

Submitted by on Friday, 6 May 2016, 11:37 PM | Fiction | Taglish
Categories: Romance   Tags:

Matapos ang matagumpay na lakad ay umuwi na si Pia sa kanilang tahanan. Habang naglalakad ay binati naman siya ni Gardo.

Gardo: Hi Pia.

Pia: O Gardo. Wala ka bang pasok?

Gardo: mamaya pa pero papasok na ako. Malapit ko na rin matapos ang kurso kong civil engineering.

Pia: wow! Congrats!

Gardo: Salamat Pia. Eh ikaw?

Pia: eto nakahanap na ako ng trabaho.

Gardo: wow! Congrats din pala.

Pia: wag kang mabilib. Tutor lang ang napasok ko. Pero pwede na rin para makatulong kila itay at inay.

Gardo: anu ka ba Pia. Basta marangal ang trabaho natin at wala tayong tinatapakang tao.

Ngumiti lang si Pia sa sinabi ni Gardo at umuwi na sa kanilang tahanan.

Kinabukasan ay pumunta na si Pia sa bahay ng kanyang estudyante. Sinalubong naman siya ni Mr. Yap upang ipakilala ang kanyang anak na si Marcus.

Mr. Yap: Marcus I want you to meet Pia. She will be your tutor. Pia this is my son Marcus.

Pia: Hi Marcus. Please to meet you.

Tumango lamang si Marcus sa kanya. May pagka spoiled kasi ang batang ito mula nang ma byudo si Mr Yap. Sobrang gaspang din ng kanyang paguugali pero hindi alam ni Mr Yap na atensyon niya lang ang hinihingi nito. Nag simula na si Pia sa pag tutor kay Marcus at sinubukan niya naman pakinggan ang kanyang tutor. Naging maayos naman ang una niyang pag tutor sa bata at maayos naman siyang nagpaalam nang matutunan na ng bata ang kanyang leksyon.

Maayos naman ang naging pagtuturo ni Pia at tinutukan niya talaga si Marcus lalo na sa Math. Nung nagkaroon siya ng long test ay lalo pa niyang tinutukan ang bata para makakuha ng mataas na marka. Gusto kasi niyang masulit ang binabayad ni Mr Yap sa kanya bilang tutor.

Isang araw bago magsimula ang kanilang lesson ay kinumusta niya si Marcus sa kanyang pagsusulit.

Pia: Hi Marcus. Kumusta test mo?

Inabot ni Marcus ang kanyang test paper kay Pia at nagulat ang dalaga sa resulta nito.

Pia: Marcus anong nangyari? May hindi ka ba naintindihan?

Marcus: WALA!

Pia: Bakit ganito Marcus? Hindi ka man lang umabot sa 75.

Marcus: DON'T YOU DARE QUESTION ME! TUTOR LANG KITA!

Pia: Marcus tutor mo nga lang ako pero responsibilidad ko ang grades mo. Ano na lang sasabihin ng tatay mo sa akin?

Marcus: WALA AKONG PAKI ALAM! LUMAYAS KA DITO! HINDI KITA KAILANGAN! HUHUTHUTAN MO LANG NAMAN NG PERA SI TATAY KO! MAGKANO BA KAILANGAN MO? MUKHANG PERA! GOLD DIGGER!

Napaluha si Pia sa pang iinsultong inabot niya sa bata at nasampal niya ito.

Pia: MARCUS NAKAKAINSULTO KA NA HA! ALAM KO MAHIRAP LANG AKO PERO PINAG TATRABAHUHAN KO ANG PERANG KINIKITA KO! HINDI AKO HUTHUTERA AT MAS LALONG HINDI AKO GOLD DIGGER!

Sakto naman na nandun pala si Mr Yap at nasaksihan niya ang nangyari.

Mr. Yap: MARCUS! HOW DARE YOU TALK TO HER LIKE THAT! GO TO YOUR ROOM!

Pumanik si Marcus sa kanyang kwarto at humingi naman ng dispensa si Mr Yap kay Pia.

Mr Yap: Ms Baldomero I deeply apologize for my son's attitude. Pasenya ka na at hindi ko siya masyadong natutukan. I'm really very sorry Ms Baldomero.

Pia: Ok lang po yun sir. Pasensya na po kayo at napagbuhatan ko ng kamay ang anak niyo. Nainsulto na po kasi ang pagkatao ko eh.

Mr Yap: Kulang pa nga yun. Mag asawang sampal sana.

Natawa si Pia sa hirit ni Mr Yap sa kanya.

Pia: Si sir naman. Nakokonsensya na nga ako eh

Mr Yap: Bakit ka makokonsensya? Ganun din naman ang gagawin ko kapag sa akin nangyari yon. Don't worry Ms Baldomero. I will talk to my son. I will assure you na hindi na ito mauulit.

Pia: Thank you po sir.

Mr Yap: You're always welcome Ms Baldomero. Just come back tomorrow please.

Pia: sige po sir.

Pagka alis ni Pia ay kinompronta agad ni Mr Yap ang anak niyang si Marcus.

Mr Yap: MARCUS HOW DARE YOU TO TALK TO HER LIKE THAT!

Marcus: Bakit dad? Di ba huthutera naman yon. Tulad ng mga naging girlfriend mo dati.

Mr Yap: HINDI KO SIYA GIRLFRIEND! I HIRED HER SERVICES DAHIL SINABI SA AKIN NG ADVISER MO NA NANGANGAMOTE KA SA MATH! MAY PINAG ARALAN ANG TUTOR MO MARCUS! GRADUATE SIYA NG ACCOUNTANCY! NAGIIPON SIYA NG PERA PANG BOARD EXAM NIYA AT PARA MAKATULONG SA PAMILYA NIYA! PINAG TRATRABAHUHAN NIYA ANG PERANG KINIKITA NIYA! HINDI KATULAD MO PURO HINGI!

Hindi makaimik si Marcus sa mga binitawang salita ni Mr Yap sa kanya.

Mr Yap: I WANT YOU TO APOLOGIZE TO HER TOMORROW! IS THAT UNDERSTOOD?

Marcus: Yes Dad.

Pagkaalis ni Mr Yap sa kwarto ni Marcus ay napaluha ang bata. Nagsisisi sa mga binitawan niyang salita sa kanyang tutor. Mga galit niya ito sa kanyang ama na hindi niya mailabas.

Kinabukasan ay pinuntahan naman ni Pia si Marcus sa kanilang bahay. Nagulat si Pia sa nakita niyang nasa study room na si Marcus at nagsisimula na sa kanyang lesson.

Pia: wow ang sipag naman mo naman Marcus.

Marcus: Ay Maam Pia nandyan ka na pala.

Nagulat si Pia at biglang nagbago si Marcus. Dito lakas loob humingi ng dispensa ang bata sa kanyang inasal.

Marcus: Maam pasensya ka na sa inasal ko kahapon ha. Pati galit ko kay papa naibaling ko na sa iyo.

Pia: bakit naman?

Marcus: wala kasi siyang time sa akin. Tuwing birthday ko wala siya. Ni hindi man lang ako kinukumusta.

Pinakinggan ni Pia ang hinaing ng bata.

Marcus: tapos mga naging girlfriend niya huthutera. Yung isa nga gusto pa akong ipatapon sa Iloilo.

Pia: Iloilo? May kamag anak ba kayo dun?

Marcus: Wala po Maam Pia. Pero may reformatory school po kasi dun. Dun ako gustong itapon. Alam mo na. Para masolo niya ang tatay ko at makahuthut ng pera.

Dito mas naintindihan na ni Pia ang bata at kung bakit siya nagkaganun.

Pia: eh ano ginawa mo?

Marcus: Edi nilaslas ko ng cutter ang Hermes bag niya.

Pia: NAKU PO! ANG MAHAL NUN AH.

Marcus: siya kasi eh. Buti nga hindi mukha niya ang nilaslas ko. Gusto ba naman ako ipatapon sa Iloilo eh nananahimik naman ako. Tapos kung ano ano pa ang sinusumbong kay papa. Si papa naman walang alam sa nangyayari pinapagalitan ako palagi. Binabaling ko na nga lang oras ko sa pag aaral para di ko na siya mapansin pero ewan ko nga ba. Mainit talaga dugo niya sa akin. Ok naman kasi kami ni papa kahit hindi na siya mag asawang muli. Basta magkasama kami. Kahit mag bond lang kami every week. Nood si...


You might also like to visit: