Kabit Ni Mister 3

Submitted by on Tuesday, 24 October 2017, 03:53 PM | True Story | Tagalog
Categories: Erotic Couplings, Romance   Tags:

Dahil sa nangyari ay nagpasya si Rose na bumalik ng Amerika kasama ang anak nya.

Ilang araw ding walang malay si Marie habang nagpapagaling sa ICU. Matapos ang 2 linggo ay inilipat na din sya sa ibang kwarto.

Habang nagpapagaling ay hindi kinausap ni Marie si Chad. Ilang beses humingi ng tawad ang lalaki pero hindi sya pinansin ng asawa.

Makalipas ang isang buwan ay nakalabas na ng hospital si Marie. Galit at pagkamuhi ang narararamdaman nya sa asawa at kalaguyo nito. Nasabi nya sa sarili na oras na makalabas sya ng hospital ay ipapakulong nya si Rose.

Unang gabi ni Marie sa kanilang bahay. Sabik na sabik syang makita ang kanyang daughter pero dahil late na ay hindi na nya ito inabutang gising. Pagpasok nya sa kwarto ay tulog na tulog ang bata katabi ang kanyang asawang si Chad na himbing na himbing din sa pagtulog. Lumapit si Marie sa bata at hinalikan ang anak sa pisngi at noo. Sya namang pag gising ng mister nya.

Chad - “ Oh hon.... sorry nakatulog ako... dumating ka na pala.... “akmang hahalikan ni Chad ang kanyang misis pero umiwas ito... sabay labas ng kwarto ng hindi nagsalita.

Wala namang nagawa si Chad. Dahil malalim na din ang gabi kaya nagpasya syang bumalik na lang sa pagtulog katabi ang anak.

Habang nakahiga si Marie ay kung ano ano ang naisip nya. Ang kataksilan ng kanyang mister... ang eksenang naabutan nya nung gabing yun... naiiyak sya sa galit...

“Bukas na bukas ay ipakukulong kita malanding babae ka!” bulong ni Marie sa sarili

Maagang nagising ang mag ama. Naikwento ni Chad sa anak na dumating na ang kanyang mommy .. sabik na sabik naman ang bata kaya maaga pa lang ay bumangon na ito...

Sa sala ay dito nadatnan ni Marie ang kanyang mag ama na nanonood ng tv.

Daughter - “Mommy ! Mommy! “ Sabay takbo ng bata kay Marie...”Mommy i missed you ... i love you Mommy... i missed you so much...”

Chad - “Good morning hon... Oh saan ang lakad mo at bihis na bihis ka ...?” Hindi naman ito pinansin ni Marie. Ang hindi alam ni Chad ay pupunta si Marie sa presinto para sa pagfile nya ng murder laban kay Rose

Biglang nabaling ang atensyon ng mag asawa ng may pumasok na flash news sa tv...

Dito ibinalita na may taong nagpaulan ng bala sa Las Vegas... maraming natamaan at namatay... may mga nabiktima din at natamaan ng ligaw na bala...

Isa isang lumabas ang mga pictures ng mga namatay... Laking gulat nina Chad at Marie ng makita ang larawan ni Rose at ng anak nito... sa kasamaang palad kabilang ang mag ina sa mga namatay.

Hindi malaman ni Marie kung ano ang mararamdaman dahil sa narinig na balita. Napabulong na lang sya ng RIP Rose.

Mabilis na dumaan ang mga araw. Hindi sumuko si Chad na suyuing muli ang asawang si Marie. Hindi sya tumigil hanggang hindi bumabalik ang loob sa kanya ng kanyang misis. Dahil mapagpatawad at dahil mahal na mahal naman talaga ni Marie ang mister kaya di rin nya kaya itong tiisin.

Makalipas ang dalawang taon...

Masayang namamasyal ang pamilya ni Chad sa park...

Daughter - “Daddy naiingit ako sa sa mga bata oh... meron silang mga kapatid... kailan kaya ako magkakaroon ng baby brother...?”

Napangiti na lang si Chad sa nasambit ng anak sabay tingin kay Marie...

Chad - “Depende yan sa mommy mo anak... kung ako tatanungin mo gustong gusto ko na din magkaanak ng lalaki...”

Lumipas pa ang mga buwan. Araw na ng pasukan. Papasok na sa school ang daughter ng mag asawa.

Marie - “Hon pwede bang ikaw na muna ang maghatid sa anak natin sa school... kailangan ko na kasing pumasok ng maaga sa clinic eh...

Chad - “Walang problema hon...cge ingat ka...”

Sa school ay marami ng bata ang nagsisipasok sa kanilang mga classroom. Habang hinahanap ni Chad ang room ng anak ay narinig nyang may tumawag sa kanyang pangalan...

“CHAD!”

Paglingon ni Chad ay nasilayan nya ang isang maganda at seksing babae na nakapambihis teacher...

Chad “Lily? Ikaw na ba yan?”

“Oo Chad... hahaha nagulat ka ano? Sinong mag aakalang magiging teacher ako...” sambit ng babae.

Si Lily ay classmate ni Chad nung highschool. Makulit maingay at madaldal ang babaeng ito nung nagaaral pa sila. Bukod dito ay patay na patay sya kay Chad noon... pero hindi sya magawang pansinin ni Chad kasi hindi pa sya kagandahan at medyo chubby sya noon. Pero ngayon sa muli nilang pagkikita ay halos lumuwa ang mata ni Chad sa kaseksihan ng babae. Hindi nya maikakaila sa sarili na humanga sa ganda nito.

Chad -“ Grabe Lily ibang iba ka na ngayon ha... nag iba ang hitsura at korte ng katawan mo...”

Lily - “Hindi naman gaano haha... sadyang mas gumanda lang ako... ano nga palang ginagawa mo dito ha? Sabay tingin sa kasamang bata... “Anak mo ba sya?”

Chad - “Oo my daughter Sara... ikaw ba may family na?”

Lily - “Ako wala pa... single ako ngayon ... haha... syanga pala baka magkaroon daw tayo ng highschool reunion... attend ka...”

Cha - “O cge ba... pwede ko bang makuha ang number mo....?”

Agad namang nagpalitan ng cellphone number ang dalawa.

Lily -“O sya baka ma late na kayo ng daughter mo, teka anong room ba ang hinahanap nyo?”

Chad -“ Room 143”

Lily - “Biruin mo yun ako pa ang magiging teacher ng daugher mo... O sya ako na ang bahala kay sara...”

Chad -“Naku Thank you Lily sige iwan ko na kayo...sabay kamay at beso sa babae...”

Amoy na amoy ni Chad ang halimuyak ng pabango ni Lily. Si Lily ma’y medyo kinilig din ng maka beso ang matagal na nyang crush nung highschool.

Chad - “Babalikan ko na lang si sara mamaya ha... ikaw na muna bahala sa daughter ko...Sara be good to your teacher Lily ok?”

Nang makapagpaalam ay di pa rin makapaniwala si Lily na nakaharap nya ang lalaking kanyang pinapangarap... pero may asawa na ito... pero kakaiba pa rin ang pagkagusto nya sa lalaki... lalu na’t nakita nya ito na mas gwapo at matipuno... “Parang ang sarap sarap nya...” bulong ni Lily sa sarili...

Lily Bugin ang pangalan ng teacher ng daughter ng mag asawa. Ang highschool mate ni Chad.

Naging madalas ang paghatid sundo ni Chad sa anak sa school. At sa tuwing pupunta sya dito ay talaga namang nagbibihis at pumoporma ng todo. Ang totoo ay dahil gusto din nyang magpapogi sa teacher ng anak nya... kay Lily.

Inilihim ni Chad kay Marie na kaklase nya nung highschool ang teacher ngayon ng kanilang anak. Sa isip isip nya ay mahirap na at baka pag mulan pa ng away nilang mag asawa.

Parang binata kung pumorma si Chad sa tuwing pupunta sya sa school. Todo pabango pa ito. Ang totoo... crush na din nya si Lily. Dahil naging madalas ang kanilang pagkikita ay maraminna silang napagkwentuhan tungkol sa buhay buhay nila. Kung ano ang naging buhay nila after graduation at kung ano ngayon kanilang mga pinagkakaabalahan. Lalung naging malapit ang mga ito. Lalung lumalim ang pagkagusto ni Lily kay Chad kahit pa may asawa na ito... ganun din si Chad... lalu nyang naging crush si Lily... sa tuwing makikita nya ito ay naglalaway sya dahil sa kaseksihan at gandang taglay nito. Alam nyang gustong gusto din sya ng babae dahil iba ang mga tingin at gestures ni Lily kapag nag uusap sila.

Wala naman kamalay malay dito si Marie dahil abalang abala palagi ito sa kanyang Clinic.

Isang araw ay nagpunta si Lily sa dental clinic na inirefer sa kanya ng kanyang kaibigan para magpa laser ng ngipin. Dito nya nakikala si Marie. Simula noon sa clinic na lang ni Marie nagpupunta si Lily. Naging regular na client na nya ito. Minsan ay nakapagkwentuhan ang dalawa. Nabanggit ni Lily na plano nyang lumipat ng inuupahang bahay na mas maayos, safe at tahimik. Naisipan namang ialok ni Marie ang bakante nilang unit katabi ng kanilang bahay.

Marie - “Meron kami pinapaupahan na unit katabi lang ng bahay namin kung gusto mo at free ka ngayon pwede mong tingnan”

Lily - “Talaga ? Hay salamat ha sige sige tingnan natin ngayon Doc. Mabuti na lang at nabanggit ko sa iyo ... salamat doc.”

Marie - “ Ilan taon ka na ba?”

Lily - “28”

Marie - “Marie na lang ang itawag mo sa akin... wag na doc tutal magkaibigan na naman tayo...”

Lily - “O sige Marie... salamat ulit ha”

Marie - “O cge magaayos lang ako at aalis na tayo.”

Kung ikukumpara si Lily kay Marie ay ibang iba ito. Si Marie ay pormal na medyo mahinhin. Conservative kung manamit. Samantalang si Lily naman kapag hindi naka uniporme ay may pagka liberated manamit. Laging nakalabas ang cleavage nya at hapit na hapit lagi ang suot. Kaya naman kitang kita ang hubog ng kanyang katawan.

Makalipas ang isang oras ay dumating na sa bahay sina Marie at Lily.

Lily - “Wow ang laki pala at ang ganda ng bahay nyo... sinong kasama mo dito...?”

Marie - “Sandali lang sige upo ka muna tawagin ko lang ang anak ko at husband ko...”

Nang makalabas ng kwarto ang mag ama ay bahagya silang nagulat sa nakita...

Sarah - “ Teacher Lily? Is that you?”

Lily - “Oh hi Sara... “ sabay tingin sa lalaking katabi nito. Nagkatitigan sila ni Chad... ngingiti ngiti ito...

Chad - “Teacher kmusta?”

Marie - “Oh tingnan mo nga naman... ikaw pala ang teacher ng daughter namin... Hon, titingnan nga pala ni Lily ang bakanteng unit natin sa tabi. Gusto daw kasi nyang lumipat na ng bahay.”

Chad - “Ganun ba... o sige halika at ipapakita ko sa ‘yo.”

Hindi na sumama si Marie at ang anak nya kina Chad at Lily.

Nang makapasok sa bahay na pinapaupahan ay napangiti ang dalawa sa isa’t isa...

Lily - “Biruin mo yun Chad at misis mo pala ang dentist ko haha what a small world... tapos dito pa ako magrerent sa inyo...”

Chad -“Oo nga eh. Nagulat nga ako ng makita kita kanina. Syanga pala wag mo na lang sabihin sa misis ko na magkaklase tayo nung highschool ha. Tungkol dito sa bahay, ano? Gusto mo ba dito?”

Lily - “O sige hindi ko na sasabihin yung highschool days natin sa asawa mo. Gusto ko itong unit... pwede na ba ako lumipat? Teka magkano ba ang renta dito?”

Chad -“ O sige pwede ka na lumipat. Wag mo na lang sasabihin sa asawa ko... hindi na kita sisingilin sa upa... bayaran mo na lang ang magiging bills ng tubig at kuryente”

Lily - “Talaga ba? Naku salamat chad! Sabay yakap at halik sa pisngi...


You might also like to visit: