Kaibigan o Ka-Ibigan

Submitted by on Tuesday, 19 September 2017, 12:51 AM | True Story | Tagalog
Categories: Erotic   Tags:

Aking kaibigan pwede ba kitang maging ka-ibigan?
Masira kaya ang ating magandang samahan?
Kung malalaman mong ka-ibigan na ang gusto
kong maging turingan!
Sa halip na maging matalik na kaibigan lamang.

Level up naman iyan ang hiling sa sana'y pagbigyan.
Kung hindi maaari, huwag lumayo naman.
Ito kasing puso ko ang makulit at tinamaan.
Kahit paulit-ulit kong turuan-
Ayaw makinig at gustong ipagpilitan na ikaw ay isa ng
Ka-ibigan at 'di na kaibigan.

Mahal na kita totoo at hindi na biro.
Sa iyong narinig, ika'y natulala at biglang yumuko.
Mapait na ngiti ang bumungad at ang saya ay naglaho.
Tumlikod kang bigla, sabay lakad papalayo-
hindi ka na lumingon iniwan mo akong nakatayo.

Dahil sa nangyari ako'y nauntog at aking napagtanto.
Ang kaibigan kong matalik wala na 'sabay ng saranggolang
umalagwa.
Sa pag-pigtas ng pisi ay tinangay ka at sinalo ng iba.
Habang ako naman nag-...


You might also like to visit: