Kisapmata

Submitted by on Tuesday, 29 August 2017, 04:41 PM | Poem | Tagalog
Categories: Erotic   Tags:

Nakataas na ang kamay ko, ba't n'yo 'ko pinutukan.
Hindi naman ako lalaban, ngunit inyo pa ring sinaktan.
Tumagos sa katawan, balang walang pakundangan.
Na unti-unting kumikitil, sa aking buhay na walang alam.

"Inosente po ako!" sigaw ng lalamunan.
Ngunit kayo'y bingi, tuloy ang putukan.
Hanggang ako'y tamaan sa aking tagiliran.
Dugo ay bumulwak hanggang maubusan.

"'Wag po! 'Wag po!" ang paulit-ulit na bulong
Habang hawak hawak ang sugat, dahil sa balang bumaon.
Sana'y 'wag tuluyan at kayo'y maging mahinahon.
Sapagkat ako'y inosente sa pagkakataong iyon.

Luha ko ay pumatak at tumulo ang sipon.
Nang itutok sa ulo, ang inyong lethal weapon.
Alam k...


You might also like to visit: