Luneta

Submitted by on Thursday, 15 March 2018, 08:11 AM | Poem | Tagalog
Categories: Erotic   Tags:

Nagyaya ka pa sa Luneta,
Wala ka naman palang kwenta
Iyak-tawang nasabi sa sarili, buti pa nagsarili
Mabango pa naman yung lotion, galing Saudi

Nakatalik na lahat,
Tao na lang hindi
Kontodo porma,
Init ng araw ay di alintana

Sobra sobra sa pag gayak, gamit na pabango
Abot hanggang kanto
Naka shades, nakagel; Matigas na matigas pa ang kwelyo
Kabaong na lang kulang sa pormang suot na polo

Wag naman sanang ma-indyan
At baka ang estatwa ni Rizal ang pagbuntunan
Umaasa pa naman makaiskor
Kahit ang dala lang na budget ay pang pisbol

Nagpolo pa naman, inindyan..
Uminom na lang
Nagtagay nang nagtagay
Dalang perang pang pisbol sa alak nilustay

Nung tama ng alak sumipa na
Lahat ng chicks gumanda na
Pati si aling tindera na mukhang beha
Type na rin nya

Libre daw kiss basta bumili ng yosi
Kaya naman bumili ang loko kahit wala ng pamasahe
Makakiss lang sa tinderang bungi
At makapal ang labi

Ang date ay di sumipot
Ewan baka nakalimot
Sa isang tindahan nag-inom, nilumot.
Di na natuto ang tonto, kaya laging inuuto

Itinabing salapi sa alkansyang kawayang tabingi
Na dapat nakalaan para sa panahong nakangiwi
Walang naiwan, maliban sa hilaw na ngiti
Habang binabagtas m...


You might also like to visit: