Showtime Begins In:

Click here to visit her Live Show on Pinays247.com

One Night Action: Malaya

Submitted by on Thursday, 27 October 2016, 04:02 AM | Fiction | Tagalog
Categories: Romance, One Night Stand   Tags: , ,

Sinisilaw siya ng muling pagsikat ng araw na tumatagos sa bintana habang isa-isa niyang pinupulot ang nagkalat niyang mga damit sa loob ng kwarto ng isang lalaking halos makalimutan na niya ang pangalan. Dahan-dahan ang paggalaw niya dahil iniiwasan niyang magising ang lalaki sa pagkakahimbing nito, malamang ay pagod na pagod ito dahil buong gabi silang nagtalik. Ngunit gaano man siya kaingat ay napansin na lang niyang bumangon na pala ang lalaki at pinapanood siya habang sinusuklay ang buhok gamit ang kaniyang kamay sa harap ng salaming kita ang katawan niyang tanging panty at bra lang ang suot.

"Good morning, Aya." Ang sabi ng lalaki habang ito ay papalapit. Ngumiti lang siya sa salamin at hinintay ang init ng bisig na yayakap mula sa kaniyang likuran.

Gwapo ang lalaking ito. Masasabi niyang isa sa pinakagwapong nakilala niya. Halos magkasing taas lamang sila. Medyo mahaba ang magulong kulot na buhok nito at natatakpan na nito halos ang kaniyang matang namumula pa dahil kakagising lang. Ang panga at ilong nito ay parang tinabas ng kamay ng diyos at ang kilay na talagang nakakakuha ng pansin sa kahit sinong titingin sa kaniyang mukha. Kung gaano siya kagwapo ay ganoon din siya kabango. Amoy ng pinaghalo-halong perfume, alak, yosi, at iba't ibang bodily fluids.

Ipinatong ng lalaki ang kaniyang baba sa hubad pa rin niyang balikat at sininghot ang batok at buhok niya, maya maya pa ay hinalikan na nito ang kaniyang tenga. Napasinghap siya sa ginagawa ng lalaki ngunit kailangan na talaga niyang umalis. "Aalis ka ng hindi nagpapaalam sa akin?"

"That's how it should work, Ri--" Napatigil siya dahil hindi niya masigurado kung Riggs nga ba ang pangalan ng lalaki.

"Oh, wow. Now you've forgotten my name!" Umatras ang lalaki at itinuloy na niya ang kaniyang pagbibihis. Hindi na siya ulit nagsalita dahil para sa kaniya, wala siyang dapat ipaliwanag. "But really? I really think you're a sweet girl."

"Well, you can continue thinking of me as a sweet girl. Will it change just because I'm leaving today?" Ito na lang ang nasabi niya. Ang nangyari sa kanila ay pang-isang gabi lamang at mananatili itong ganoon kahit gaano pa sila nasarapan sa isa't isa.

"Aya." Umupo ang lalaki sa dulo ng kama habang siya ay nakasalampak sa lapag at sinusuot ang sneakers na suot niya kagabi. "Do you do this often?"

"Do what often?" Kahit na may pakiramdam siya na alam na niya ang sagot ay nagtanong pa rin siya para makasigurado.

"Being super sweet so you can fuck guys and leave them in the morning?" Nag-abot ng isang kamay ang lalaki sa kaniya ng matapos niyang suoting ang kaniyang sapatos para tulungan siyang makatayo. "Don't deny it. You are really being sweet. I don't know. I've known girls who only want sex but you...you fuck soul-level even if it's a one night stand, at least with our situation."

Kinuha niya ang kaniyang bag na nakapatong sa isang upuan. "First, I'm not trying to be sweet. This is me. I like conversations and sex, and if I can get both, then why shouldn't I get both?" Napatigil ang lalaki sa sagot niya, iniisip na iba si Aya sa lahat ng babaeng nakilala niya.

"I see. Saying that you're strong, independent and empowered would be an understatement. But at least I got to know you, even for a night."

Binuksan na niya ang pinto ngunit bumalik para halikan sa pisngi ang lalaki. "Thank you, Riggs." Bulong niya. Tuluyan siyang lumabas ng kwarto, ng bahay at ng buhay ni Riggs. Isang lalaking dagdag na naman sa listahan ng mga lalaking isang gabi lang niyang nakilala.
...


You might also like to visit: