Orasan

Submitted by on Wednesday, 13 September 2017, 04:24 PM | True Story | Tagalog
Categories: Erotic   Tags:

Sabi sa isang kanta "tatanda at lilipas din ako, ngunit mayroong awitin, iiwanan sa inyo...
Alaala."

Kantang umukit sa'ting puso't isipan.
Na kung iyong dadamhin ang bawat kataga, ay nakakapanginig ng kalamnan.
Sino ba tayo? Ano ba tayo ngayon?
Darating ang araw na ang makinis na balat ay kukulubot.
Ang matikas na tindig, ay unti-unting yuyukod.
Mga malinaw na mata, papanglaw na parang dapit-hapon.
Ang buhay na sagana ay unti-unting nabubuwal sa lupang kinatatayuan nito.

Hindi ako takot na lumisan, handa akong harapin ang bawat balikid ng aking buhay.
Ngunit may isang bagay akong kinatatakutan-
Ang iwanan ako ng mga mahal ko sa buhay,
Ang tumandang mag-isa.
Nakakatakot ang mga bagay na ito na gumugulo sa aking isipan.
Bata pa ako pero ito ang aking kahinaan.
Madami akong tanong sa aking pagtanda.
Sino ang aagapay sa akin, magsisilbing tungkod ko upang maipagpatuloy ang paghakbang?
Sino ang magsusubo sa akin, kung ang mga kamay at braso ko'y hindi ko na maitukod?
At higit sa lahat sino ang magpaparamdam ng init, init na galing sa kanilang mga puso,
Yakap na mag...


You might also like to visit: