Payaso

Submitted by on Thursday, 7 June 2018, 06:27 AM | Poem | Tagalog
Categories: Erotic   Tags:


Kabilang ako sa madla na tumatawa,
Biro niyang kahit sino makarinig napapahalakhak na,
Kuha niya atensiyon ng lahat akala mo kakandidato,
Na sa bawat grupong ginagalawan siya ang bibo.

Hatid niya ay saya di maikakaila,
Sa bawat pagpapatawa anong nagaganansya?
Masayang magpasaya at saka alam ko pakiramdam ng malungkot,
Sabay kindat niya sakin pagkatapos sumagot.

Isang gabi hinahanap siya ng mga barkada,
Sa pintuan ko nagulat akong bumungad siya,
Lasing na lasing at luhaan mga mata,
Panay tanong ko ng bakit pero sagot niya lang, pagod na siya.

Di na muling nagtanong at niyakap siya,
Magdamag sinamahan hanggang nakatulog na,
Tahimik ko siyang pinagmasdan na sa hita ko nakaunan,
Napabuntong hininga at ang nangingilid niyang luha'y hinalikan.

Sa amoy sigarilyong hangin,
Pasimple kong binulong ang panalangin,
Dumilat siya kinuha kamay ko't pinatong sakanyang pisngi,
Sabay sabi niyang salamat... na sinuklian ko ng ngiti.

Tulog ka na, andito lang ako... mahina kong sambit
At muli niyang hinawakan kamay ko sa pisngi niya bago pumikit.
Mula noon ay hinangad kong pasiyahin si...


You might also like to visit: