Showtime Begins In:

Click here to visit her Live Show on Pinays247.com

Pomagat 2: Pasilyo Uno

Submitted by on Wednesday, 2 November 2016, 01:27 AM | Fiction | Tagalog
Categories: Erotic Horror, Romance   Tags: , , ,

Pomagat 2: Pasilyo Uno"A young, resplendent nurse fall in love with her patient suffering from fugue amnesia. Their love grows deep until she ascertained that the man she dotes obnubilate a dark past.."

Ang istoryang ito ay halaw sa malikot na pag-iisip ni pulandit. Anumang pagkakahawig sa tunay na buhay ng mga pangalan, lugar at pangyayari ay hindi sinasadya at nagkaton lamang. Ang maglathala nito ng walang pahintulot mula sa may akda ay mahigpit na hindi pinahihintulutan. Ang Pomagat at Pomagat 2: Pasilyo Uno ay orihinal na istorya ng pulanditstories.

Unti unting niyang iminulat ang kanyang mga mata at bahagya siyang nasilaw sa liwanag. Muli niya itong ipinikit at bahagyang iminulat hanggang sa masanay sa liwanag na hindi niya mawari kung saan nagmumula. Halos puro anino lamang ang kanyang nakikita, mga taong nakatayo sa gilid ng kanyang hinihigaang kama.

Asan ba siya?

Anong nangyari sa kanya?

Mga tanong sa isip niya habang sinasanay ang mata sa liwanag.

Sa pag balik ng kanyang malinaw na paningin ay nakita niya ang pinagmumulan ng liwanag. Mula sa mahabang flourescent light na nasa puting kisame. Iginala ang kanyang mata at namasdan ng maliwanag ang mga nakapaikot sa kanyang tatlong tao. Nakaputi lahat ang kanilang damit. Isang lalaki at dalawang babae.

"Kamusta ang pakiramdam mo Vincent?"sabi ng lalaking nakaputi.

Vincent?

Sino ang taong iyon.

Dito ay napaisip siya at hindi maalala ang kanyang pangalan.

Sino ba siya?

Anong pangalan niya? Nasaan siyang lugar?

Muling nagsalita ang lalaki.

"Naaksidente ka Vincent, may naalala kaba kung ano ang nangyari?"

Napailing siya.

Sa kanyang pag iling ay nakaramdam siya ng sakit sa kanyang leeg. Napangibit siya sa kirot. Muli niyang inikot ang paningin, ang mga sahig ay gawa sa mga puting tiles. Sa bandang pintuan ay namasdan niya ang pagdaan ng isang dalagita na nasa labing anim na taong gulang.

Nanlaki ang kanyang mata at napanganga. Ang dalagita ay pawang sunog ang katawan, maging ang damit ay dumikit na sa balat dahil sa pagkakasunog. Nakasuot ito ng palda na lampas tuhod at gulagulanit na halatang nasunog ang laylayan. Kitang kita pa niya ang mga usok na lumalabas sa katawan ng dalaga. Amoy na amoy niya ang sunog na laman na parang tumitigil sa balingusan ng kanyang ilong. Nakatingin ito sa kanya habang diretsong lumalakad sa kabilang panig dahilan para mawala ito sa kanyang paningin at matakluban ng pader.

Muli niyang ibinalik ang atensyon sa lalaki at inintindi niya ang sinasabi nito.

"Ako si Doctor Cruz. Mananatili ka muna dito sa hospital ng mga ilang buwan pa at kung may maalaala kana sa nangyari ay puwede mo sabihin sa amin para masabihan natin ang iyong kamag anak."ani nito.

"Magsasagawa pa kami ng mga obserbasyon sa kalagayan mo at maaaring nagkaroon ka ng amnesia buhat sa aksidente."

Aksidente?

Anong aksidente?

Mga tanong na naglaro sa kanyang isipan.

Lalong sumakit ang ulo niya ng pilit niyang alalahanin.

"Sa ngayon ay mahihirapan ka pang gumalaw dahil sa mga bali sa iyong ribs at balikat. Bibigyan ka nalang ng nurse ng pain killers sa tuwing hindi mo na matiis ang sakit."paliwanag nito at sabay nagpaalam sa kanya kasunod ang isang babaeng nakaputi.

Agad inabot ng natirang babae ang gamot niya para inumin.

"Hello Vincent, ako si Clara."sabay abot sa kanya ng gamot at isang basong tubig.

Nahirapan siya ng kaunti at nakaramdam ng konting kirot sa paglunok ng gamot at tubig.

Sinubukan niyang umupo sa kama ngunit naramdaman lamang niya ang pagsakit ng kanyang tagiliran. Muli siyang napahiga at nakita ang babae na umupo sa silyang walang sandalan na nasa gilid ng kanyang kama.

May dala itong bag at iniabot sa kanya.

"Tanging yan lamang ang laman ng iyong bag. Wala kaba talagang naaalala?"tanong ng babae sa kanya.

Hindi siya sumagot dahil alam niya na sa kanyang pag iling ay muling kikirot ang kanyang leeg.

Kumuha siya ng isang laman ng bag at nakita ang isang id.

Vincent Cebu.

Ito ba ang kanyang pangalan?

Lalong sumakit ang ulo niya ng pilit alalahanin ang lahat. Napansin iyon ng nurse.

"Huwag kana masyado mag isip. Kusa mo nalang maalaala ang lahat sa mga darating na araw . Ako nga pala ang naka assign sayong nurse. Ako si Clara."sabi nito sa kanya na nakangiti.

Iniwan siya nito at ibinalik niya ang sarili sa pag susuri sa id. Muli niyang tiningnan ng masusi at doon nakalagay ang kanyang address na tinitirhan at pinagtatrabahuhan.

Isa siyang security guard sa isang pribadong unibersidad.

Lumipas ang mga araw at unti unti na siyang nakakagalaw.

Salamat sa pag aalaga ni Clara.

Naging malapit sila nito kahit sa kabila ng wala pa rin siyang memorya. Bukod kasi sa maganda ang nurse ay napakabait nito. May buhok ito na maikli hanggang batok at bagay na bagay sa kanyang hugis ng mukha. May katamtamang taas at ang ilong na matangos ang unang unang mapapansin sa kanya. Ang mukha nitong maamo na parang isang anghel na sa tuwing titingnan niya ay nawawala ang kanyang alalahanin sa kanyang kalagayan. Isang babae na talagang hindi ikakahiyang ipakilala sa lahat ng tao dahil sa taglay na ganda at bait. Mabilis na nahulog ang loob niya sa nurse.

Isang umaga. Oras ng round ni Clara ng maisipan nitong tanungin ang nurse tungkol sa dalaga na nakita niya sa harap ng kanyang silid na sunog ang katawan.

"Kamusta na ang mga dalagang nasunog?"

"Nasunog?"nagtatakang tanong ni Clara.

"Oo sunog. Nakita ko sila sa harap ng…"naputol ang kanyang pagsasalita ng hindi masabi ang gustong ipahiwatig.

"diyan."sabay turo na lamang niya sa pintuan ng kanyang silid.

"Walang sunog dito sa ward na to. At saka kung meron man, sigurado sa emergency room yun dadalhin."paliwanag ni Clara.

"Perooo…"kontra ni Vincent.

"Haluccination mo lang yon. Side effect din yan ng iniinom mong gamot. Kalimutan mo na yon."

"Teka. Binata kapa ba?"dagdag ng nurse at pag iiba ng kanilang pinaguusapan.

"Hindi ko alam eh. Ikaw ba dalaga pa?"tanong naman ni Vincent.

"Dalaga pa, Tiningnan ko ang id mo single ang nakalagay. Wala kapa rin bang naaalala. Nanay, tatay, girlfriend."usisa nito.

"Wala pa rin eh. Isang maganda at mabait na nurse lang ang naaalala ko."tugon ng binata.

"Hmmp. Bolero!"sabay abot kay Vincent ng isang baso ng tubig at mga gamot na dapat niyang inumin.

Mabilis silang nagkapalagayang loob ni Clara sa pananatili niya sa ospital. Bagamat bumuti na ang lagay niya at nakakakilos na ng ayos ay ni wala kahit isang katiting na alaala ng nakaraan ang bumabalik sa kanya.

Bagamat walang kamaganak o kaibigan na dumadalaw sa kanya kagaya ng mga katabi niyang pasyente ay naging maligaya pa rin siya dahil kay Clara.

Ganun din ang naramdaman ng dalaga sa binata dahil sa angkin nitong mapagbiro at masayahin lalo na ang pagiging malambing nito.

"Para sayo."boses na nagmula kay Vincent sabay tingin naman ni Clara.

Isang rosas na gawa sa papel ang iniaabot nito na may katagang "i love you"

"San ka natuto gumawa niyan?"tanong ng dalaga na namumula mula ang pisngi dahil sa pagiging malambing ng binata na ngayon lang niya naranasan.

"Hindi ko alam. Bigla nalang tumubo parang pag ibi...


You might also like to visit: