Showtime Begins In:

Click here to visit her Live Show on Pinays247.com

Pomagat Last Part

Submitted by on Sunday, 18 September 2016, 09:48 AM | Fiction | Tagalog
Categories: Erotic Horror, Romance   Tags: , ,

Pomagat Last PartKinaumagahan, lumabas siya ng kwarto, dumeretso sa banyo para maghilamos at tumuloy sa kusina para mag almusal. Nadatnan niya si Lanie na binabasa ang kanyang nobela habang nakaupo at nagkakape. Agad niya itong hinablot at pinunit ang ilang pirasong pahina ng libro mula sa hulihan.

"Bakit Ate?" nagtatakang tanong ni Lanie.

"Wag na wag mo babasahin ito at tangkain pang tapusin!" galit na sabi ni Luz.

"Eh ate nakailang basa na ko dyan eh, natapos ko na yan ng dalawang beses" sagot ng kapatid.

"Ha!?, ano nararamdaman mo pagkatapos basahin ito" galit niyang tanong.

"Wala naman, ano bang meron diyan? Maganda kasi ang istorya kaya paulit ulit kong binabasa " wika ng kapatid.

Hindi na siya sumagot at itinapon ang libro sa basurahan. Agad na pumunta sa sala at umupo sa sofa, ipinatong ang dalang cellphone sa lamesang salamin. Dito ay napaisip siya na bakit hindi lahat ng nakakatapos ng libro niya ay namamatay? Ano ang misteryo sa libro, nagbalik tanaw siya sa mga kwento ng kanyang ninong. Pilit inalala ang mga banta at talinghaga ni Eman.
"Babalik at maghihiganti pagsapit ng anak niya ng dalawampung taong gulang" malinaw na ito sa kanya na si Lanie ito at nuong oras na iyon ay bumalik nga ito at pinatay ang kanyang ama.

Ang pangalawa "Gagawa ng kwento na ikamamatay ng marami." ito ang hindi niya maunawaan.

Kung ginamit man siya ni Eman para maisakatuparan iyon, bakit pili lang ang mga namamatay at hindi lahat ng nakabasa ng kanyang libro?

Ang pangatlo "Makikilala siya sa kanyang pangalan" ano ibig sabihin noon? Hindi kaya may mensahe sa pangalan ni Eman? Pagbabakasali niya.

Agad siyang kumuha ng papel at ballpen, isinulat ang buong pangalan ni Eman, "Immanuel Lucido Ferio" matagal tinitigan ang papel, paulit ulit na binaybay ng mabagal, habang muling sinusulat " Im Luc.." Nahintatakutan siya sa nabuo sa pangalan ni Eman Hindi na niya ito naisulat ng buo at nabigkas na lang "Im Luci Fer".
Hindi na si Eman ang gumawa ng krimen sa nanay niya kundi si Lucifer? Ito ang kanyang hinuha. Pangalawang palaisipan na lang ang hindi niya maintindihan. Muli niyang binigkas "gagawa siya ng kwentong ikamamatay ng marami."  kung kwento nga niya ito bakit may namamatay at bakit meron hindi?

Bigla niyang naalala ang pangalan ng anak ni Mang Carding at agad isinulat, Fely Rose Ibay. Ang pangalawa ay si Ivan Umali na agad din niyang sinulat. Sinulat ang mga inisyal ng dalawang biktima F, R, I, U, I, pawang mga nasa IM LUCIFER. Kung tama ang kanyang hinala E, M at L, C na lang ang kulang.

Napasinghap siya sa gulat, parang nakuha na nga niya ang ibig sabihin. Maaaring sunod na ang kanyang ninong na may E. M na initial at kapatid niya na L. C at maging siya.

Agad siyang nagbihis at pumunta sa opisina, naiintindihan na niya ngayon ng lubos. Ang talinghagang sinabi ng maghuhula" walang nabubuhay sa nakaraan ngunit ang nakaraan ang daan para mabuhay sa hinaharap" ang nakaraan ng kanyang ama ang susi para matuklasan niya ang misteryo.

"Patayin mo siya kung paano siya namatay, at patayin mo siya sa kanyang ikinamatay." natatandaan niyang kwento ng ninong niya na sinaksak ito ng kahoy sa likod at tumagos sa dibdib, malakas ang kutob niya na kaputol ng mop na bumagsak nuon sa kanyang balikat ang ginamit ng ama niyang pinansaksak dito.

Pagdating sa building agad niyang pinuntahan sa opisina si Eid. Dali daling sinabi na kailangan niya ang putol na kahoy ng lumang mop, at sinabi na iyon ang makakapatay sa lalaking puro dugo. Agad namang hinanap iyon ni Eid na natatandaan niyang itinago sa cabinet ng stock room kung saan naka imbak ang mga lumang gamit.

Nagmamadaling pumasok si Luz sa silid ni Mr. Mercado at naabutan itong nagbabasa sa kanyang swivel chair.

"Sir! Natapos niyo ba ang kwento?" malakas na tanong ni Luz, sabay biglang binuksan ang pinto.

"Ano ka ba Luz? Bigla bigla ka na lang pumapasok, eto nga at tinatapos ko na."sagot ng kanyang ninong.

"Nakahinga ng maluwag si Luz ng malamang hindi pa ito natatapos ng kanyang ninong.

"Pasok ka kasi ng pasok, eto tatapusin ko na, Wakas, ayan tapos ko na. Bakit ba ha?" walang kamalay malay na sagot niya. Nanlambot si Luz at parang naupos na kandila, akala niya ay umabot siya sa oras.

Nanginginig siya at namumutla, napasandal sa pintuan. "Si-si-sir!!" habang itinuturo ng kanang hintuturo ang likuran ng kanyang boss. "Ano ba iyon Luz?" sabay ikot ng swivel chair at laking gulat nito sa nakita.

"E-E-Eman!?" gulat na patanong ni Mr.Mercado sa lalaking puro dugo.
"Hindi ako si Eman. Ako si Lucifer!" pasigaw na sabi ni Eman na may tawang demonyo, sumaklang ito kay Mr. Mercado at sinakal hanggang sa mamatay, namuti ang mata nito at namutla habang nakanganga. Ngayon alam na ni Luz kung bakit nakanganga ang mga biktima. Sinasakal ito ni Eman o Lucifer at hindi sumisigaw na una niyang hinala kundi nauubusan ng hininga.

"Aaaaaaaaaahhhhhh!" napasigaw si Luz, narinig ito ni Eid at agad tumakbo para sumaklolo.
Nagtatakbo si Luz at naghanap ng mapapasukan, napapasok siya sa opisina ng mga graphics artist, walang mga tao ngayon sa building kundi sa kabilang building kung saan nandoon ang printing press.

Isinara niya ang pinto at laking gulat niya sa nakita, nandito si Eman sa harapan niya, mga ilang metro lang ang layo. Iba na ang itsura nito, may dalawang maikling sungay na at labas na ang mga ngipin dahil sa naaagnas na ang mga pisngi nito at labi, parang bungo na lamang. Halos malaglag na ang eyeball ng mata nito na umabot na sa may ilong.

"Aaaaaaaaahhhh" sigaw ulit ni Luz, bumukas ang pinto at pumasok si Eid agad siyang tinanong.

 "Luz! Anong nakikita mo? Asan siya" tumuro siya sa harapan pero walang makita ang binata. Hinawakan niya si Luz sa kamay upang yakagin tumakbo ng muling magpatingin siya sa harapan, dito ay nakita na niya ang lalaking duguan.

"Diyos ko po! Halika na Luz" yakag ni Eid na takot na takot na din. Pumasok sila sa kabilang kwarto at ibinigay ni Eid ang kaputol ng mop, hinati niya ito sa dalawa para pareho silang may tyansang patayin si Eman.

Tahimik ang paligid ng hablutin ni Eman si Eid at ihagis sa bandang gitna ng silid, ang dalang kaputol na kahoy ay tumalsik sa may bintana at tuluyang nalaglag sa labas. Hindi makasigaw si Luz at gumapang para magtago sa mga lamesa. Hinahanap niya si Eid kung saan napadpad. Nakita niya ito na gumagapang malapit sa pintuan, marahil ay nasaktan ito sa pagkakahagis sa kanya. Agad niya itong nilapitan, inalalayan at lumabas sila sa silid at pumasok sa restroom. Akay akay niya si Eid para pumasok at magtago sa cubicle ng tumawa ang binata ng nakakasindak at sabay tingin sa kanya.

Laking gulat niya ng hindi si Eid!

Siya si Eman!!

Itutulak na niya ito ng maunahan siya at tuluyan siyang bumagsak ng patihaya sa sahig ng banyo. Sumaklang sa kanya si Eman at tumatawa ng mala demonyo, hindi makakilos si Luz, hindi niya din maabot ang kaputol ng mop na tumalsik ng konti ng siya'y bumagsak.

Palapit ng palapit ang mukha ni Eman sa kanya habang tumatawa ng kakila kilabot, ang mga dugo mula sa basag na bungo ni Eman ay bumabagsak ngayon sa kanyang mukha. Tuloy sa pagtawa si Eman habang palapit ng palapit sa mukha ni Luz, nalaglag ang kanang mata nito na lalambi lambitin, pumatak ito sa balingusan ng ilong ni Luz. Impit ang mga sigaw niya na parang nandidiring natatakot. Pilit niyang inabot ang kahoy at ng makuha ito ay agad na itinarak sa puso ni Eman ngunit hindi tumagos sa likod. Itinulak niya ito at tumayo, nilapitan at tiningnan. Laking gulat niya ng makita ito.

'Si Eid! Si Eid ito! Si Eid ang kanyang nasaksak, papaanong nangyari iyon?' Takang nasa isip nya.

Hindi pa siya nakakabalik sa katinuan ng manggaling sa gilid si Eman at isinandal siya sa pader.

Binitawan siya nito at hinugot ang kahoy na nakabaon sa dibdib. Inihagis ito at naging itim na usok bago pa man sumayad sa tiles na sahig ng banyo. Kita niya ang butas sa dibdib nito na talagang tagusan. Muli siyang nilapitan nito at sinakal. Nakita niya si Eid na bumangon na nakatusok pa din sa dibdib ang kahoy, akma niya itong bubunutin para itarak kay Eman.

"E-eid! Hu,.hu, Wag! Aarghh! Hindi na siya makapagsalita dahil sa tindi ng sakal. Alam niya at ng binata na oras na hugutin niya ito ay sasambulat ang dugo at agad siyang mamamatay. Tuloy pa din si Eid sa pagbunot sa kahoy habang lumalakad palapit sa kanila. Ibinigay ang lahat ng lakas at todo bigay na hinugot ang kahoy. Mabilis na tumagas ang dugo at sumirit. Batid ni Eid na ito na lang ang kanilang pag-asa, dahil nalaglag sa labas ng building ang dala niyang kaputol na kahoy. Tumakbo si Eid na sumisigaw.

"Aaaaahhhh!! at agad tinarak sa likod ni Eman ang kahoy. Pumasok ito sa dating sugat nito sa dibdib at tumagos, ang dulo nito na matulis ay inabot ang dibdib ng dalaga dahilan para bumaon ng kaunti at dumugo. Subalit hindi ininda iyon ng dalaga kumpara sa sakit na nadanas ni Eid. Biglang naging itim na usok si Eman at naglaho.

Sa paglaho ni Eman ay bumungad sa kanya ang sugatang si Eid. Bumagsak ito sa kanya at inihiga niya sa lapag.

"Eid!Eid! Patawarin mo ko!" habang nakapatong ang ulo ng binata sa kanyang hita. Tinakpan niya at diniinan ang parteng nasaksak niya upang matigil ang pagtagas ng dugo.

"Wag ka muna mamamatay, di ba bubuo pa tayo ng pamilya" umiiyak na sumamo ng dalaga. Dumilat si Eid at nagsalita.

"Ba-ba-babes! Ma-hal na ma-hal kkittahh!" halos wala ng hiningang sabi ng binata.
"Mahal na mahal din kita babes" eto ang kauna unahang beses niya tinawag ng babes ang binata. Ngumiti lang si Eid at agad binawian ng buhay.

Makaraan ang ilang linggo sa hospital, gumulong ang imbestigasyon at itinuturo si Luz ng mga ebidensya na siya ang sumaksak kay Eid. Hindi makapaniwala ang korte sa pinagsasabi ni Luz kaya isinagguni ito sa mental at doon nag lagi imbes na sa correctional dahil sa napagalaman din na nagdadalang tao ito. Inabot siya ng limang taon sa mental hospital dahil inaakalang siya ay nababaliw at ng isilang niya ang sanggol ay si Lanie ang kumalinga dito. Tuluyang naibasura ang kaso laban sa kanya dahil sa natagpuan ng mediko ligal na sa mga marka ng pagkakasakal sa kanya at iba pang mga sugat na senyales na nanlaban siya dahilan para ilaban ng kanyang abogado na self-defense ang naganap. Sinundo siya ng kapatid na si Lanie kasama ang kanyang anak kay Eid na apat na taong gulang na at muli siyang babalik sa kanilang tahanan. Tanging ang kanyang anak kay Eid ang muling nagpabalik ng kanyang sigla.

Pagdating sa kanilang bahay ay naupo si Luz sa sofa at nagbalik sa mga alala niya ang nakaraan. Tumulo ang luha niya. Naalala ni...


You might also like to visit: