Showtime Begins In:

Click here to visit her Live Show on Pinays247.com

Pomagat Part 3

Submitted by on Tuesday, 6 September 2016, 07:59 AM | Fiction | Tagalog
Categories: Erotic Horror, Romance   Tags: , ,

Pomagat Part 3Nagmula sa kanyang gilid. Si Eid pala, halos mahataw niya ng laptop ang binata dahil sa sobrang gulat.

"Hi! Babes!" bati nito.

"Para sayo." sabay abot ng bulaklak at puting tsokolateng tobleron.

"Kanina ka pa dyan?" matamlay na usisa ni Luz imbes na magalak sa pagiging malambing ng binata.

"Hindi naman, kararating ko lang, parang ayaw mo ata sa regalo ko?" sagot ng binata sa kanya.

"Ay hindi naman, thanks ha." sabay kuha sa bulaklak at tsokolate.

"Sige, balik muna ko sa trabaho tapos na break eh." paalam ni Eid sa kanya.

Tumango na lamang siya na parang nag iisip. Lumakad si Eid palayo at pabalik sa kanyang opisina. Malakas ang kutob niya na hindi si Eid ang una niyang narinig na tumawag sa kanya. Matagal na niyang kilala si Eid at kilalang kilala niya ang boses nito. Alam niya din na boses na ng binata ang pangalawang tinig na narinig niya. Malaki ang kaibahan ng unang tinig na narinig niya kaysa pangalawa.

Gulong gulo pa din ang isip niya at lalo na siyang hindi nakasulat. Lumipas ang oras, alas-tres y media na at wala siya kahit buod o balangkas man lang ng kwento. Pumunta siya sa restroom ng second floor at sa pinakadulong cubicle pumasok. Ibinababa ang takip ng inodoro at saka umupo. Ipinatong ang dalawang siko sa hita at saka itinakip ang kanyang dalawang kamay sa mukha.

Dito'y nagbaka sakali siyang makaisip ng ideya. Tahimik na tahimik sa banyo at kahit hininga niya ay naririnig niya ng may biglang dumampi sa kaniyang kanang balikat at siya'y napasigaw ng bahagya.

"Aayy!" maikling sigaw ni Luz.

Ramdam pa rin niya na parang may nakapatong sa kanang balikat niya. Hindi agad siya makalingon sa takot na baka kung ano iyon. Agad siyang nakabuo ng mga tanong sa kanyang isipan.

'Ano ito? Baka kamay ito ng lalaking duguan? Ano ang gagawin ko? Titingnan ba o tatakbo?

Ngunit mas pinili niya ang kumalma. Pinilit niyang lakasan ang loob kahit nangangatal na siya sa takot. Lumunok siya ng laway sa kaba habang nagumpisa na siyang magpawis.Hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon niya kung sakaling kamay ito ng lalaking kahindik hindik ang itsura. Sinimulan niyang lingunin kung ano ang nakapatong sa kanyang balikat.

Dahan dahan niya ipinihit ang ulo pakanan at tiningnan niya kung ano iyon. Nakahinga siya ng maluwag ng isa palang mop na dumulas sa pagkakasandal at bumagsak sa balikat niya.

Kinuha niya ito inilagay sa harapan niya at sinuri. Isang lumang mop na putol ng kapiraso ang dulo. Lumang luma na ang basahan at madumi ngunit maganda pa ang kahoy, siguro ay gawa ito sa sinaunang kahoy na talagang matibay. Hinawakan niya ito sa bandang gitna ng dalawang kamay at saka pumikit ulit.

"Sana makagawa na ako ng magandang istorya" hiling nito sa kanyang isipan habang nakatukod ang mop sa semento na hawak niya ng dalawang kamay. Nagpasya na siyang bumalik sa table niya at simulan ulit magsulat. Akmang tatayo na siya sabay minulat ang kanyang mata. Dito ay halos mawala na siya sa sarili sa nakita. Muli siyang napaupo at nanginig na ang hininga ay habol habol niya na parang inaatake sa puso.

Nakatayo ngayon sa harapan niya ang lalaking duguan, walang sapin sa paa, gula gulanit ang pantalon at naaagnas na ang balat, may mga uod na gumagapang at kinakain ang laman ng mga binti, ang mga ibang uod ay naglalagan sa sahig. Nakakapit ito sa hawak niyang mop dahilan para bitawan niya iyon. Napa atras siya at napasandal sa flash ng kubeta. Nanginginig ang katawan niya habang nakatitig sa lalaki. Ang lalaki namang duguan ay naka titig sa kaniya na may matatalim na tingin at ngiti. Hindi niya kinaya ang namamasdan kaya nagtakip siya ng dalawang tenga at napapikit sabay humiyaw ng pagkalakas lakas.

"Aaaaaaaaaahhhhhhhh! Tili ni Luz na umalingawngaw sa ikalawang palapag ng building.

Narinig ito ni Eid, alam niya na si Luz ang sumisigaw. Natukoy niya na sa banyo ito galing at sa huling cubicle kung saan ito lang ang sarado, Agad niya itong kinatok.

"Luz! Luz! Buksan mo ito."sabi ng binata habang kinakalabog ang pinto.

Walang sumasagot at wala na din ang sigaw ni Luz, sa pangamba na may nangyari sa dalaga, agad niyang sinipa ang pinto at bumungad sa kanya ang dalaga na wala ng malay. Tinapik tapik niya pisngi nito habang tinatawag sa pangalan.

"Luz! Luz! Luz!" Sabi ng binata habang sinamahan na ng konting yugyog ang katawan ng dalaga.

Laking pasalamat ni Eid ng nagkamalay ang dalaga. Nahihilo pa ito at waring wala sa sarili habang hinanap ang mop na dapat ay nasa harapan niya subalit nakita niya na nasa gilid na ito ng banyo at nakasandal muli at parang walang nagbago. Dahil doon ay tuluyan na nawalan ng malay ang dalaga.

Nagising na lang si Luz na nasa clinic na at sinabi ng nurse na dinala siya dito ni Eid. Ipinaliwanag din ng nurse na over fatigued at stressed ang dahilan ng kanyang pagka himatay at kailangan niya ng pahinga. 'Nananaginip lang ba siya kanina?' Tanong niya sa sarili habang minumuni muni kung totoo ba ang mga naganap. Nakaramdam na siya ng pagkabagot sa clinic kaya sinilip ang kanyang relo, ala singko na. Maayos na ang pakiramdam niya kaya nagpaalam na ito sa nurse na uuwi na lang. Pinayagan naman siya at sinabihan na magpahinga na lamang muna para mabawasan ang pagod.

Nakatayo si Luz sa labas ng building na pinagtatrabahuhan, malapit sa kalsada at tabi ng poste ng Meralco. Sa likod niya ay bangketa ng kung anu-anong paninda na nakahilera sa tabi ng daan. Inaantay niya si Mang Carding dumaan, ang driver ng taxi na lagi niyang sinasakyan kapag ayaw niyang sumakay ng jeep.

Lumapit sa kanya ang isang paslit, nasa walo hanggang sampung taong gulang ito.

"Ate, pahinge nga po ng dalawang piso?". Agad na dumukot si Luz ng barya at agad iniabot sa bata.

"Natatakot po ba kayo sa Mamang salbahe?" tanong ng bata.

"Sinong mama Boy?" tanong niya sa paslit.

"Iyon pong sumusunod sa inyo na puro dugo at naagnas na ang katawan." umupo si Luz at hinawakan ang bata sa braso. Naging interesado siya sa mga sinasabi ng bata dahil sa eksaktong pagkaka larawan nito.

"Nakikita mo ba siya?" tanong niya pa sa bata.

"Opo, katabi ninyo po siya kanina" sagot ng bata.

Kinabahan si Luz at nagpalinga linga siya sa paligid ngunit wala ang lalaki duguan. Ngayon ay sigurado na talaga siyang hindi panaginip at guni-guni ang nakikita niya. Bukod sa wala siyang pinagsasabihan ay hindi niya kilala ang batang ito at ngayon lamang niya ito nakita.

"Sa inyo na lang po ito." sabay abot ng bata sa kanya ng isang metal na hugis tatsulok at kung anu anong kakaibang letra ang mga nakaukit at naka disenyo dito. Tinanggal ito ng bata mula sa pag kakakwintas sabay abot sa kanya.

"Ano ito boy?" habang sinusuri ang ibinigay sa kanya.

"Para po layuan kayo ng mamang salbahe, sabi po ng nanay takot daw po sila dyan" paliwanag ng bata, "Kaya nga po nawala siya nung lumapit po ako sanyo." patuloy ng bata.

"Ganun ba? Salamat dito ha." parang naniniwalang tugon ni Luz dahil sa mga nakakakilabot na nangyayari sa kanya ay mas pinili niyang paniwalaan ang paslit.

"Halika po kayo, papakilala ko po kayo sa nanay ko." hinila siya nito at dinala sa bangketa.

Manghuhula pala ang nanay niya at nagtitinda ng kung anu anong bagay.

"Sino ang kasama mo Utoy? Tanong ng matanda "ginagambala ka ng masamang espiritu iha." Dugtong pa nito.

Labis na nagtataka si Luz kung paano nalaman ng matanda na andito na ang kanyang anak at may kasama dahil sigurado siya na bulag ang ina nitong bata. Kita niya ang dalawang mata nito na kinain ng sakit na katarata at tuluyang nabulag. Bukod pa roon ay alam nito na isa siyang babae dahil sa katagang iha at ang pagsambit nito na ginagambala siya ng masamang espiritu kahit hindi pa sila tuluyang nakakalapit at nakakapag usap.

"Papaano po ninyo nalaman? Bulag ho kayo di ba?" tanong ni Luz sa matandang babae.

"Hindi ko kailangan ng mata para makita ang mga hindi nakikita ng ordinaryong tao. Naaamoy ko ang bawat espirutu kung kanino, kung masama o mabuti, minsan mabango kapag ang harangin sa tao ay mabuti, minsan naman ay mabaho kapag ang balak sa tao ay saktan at pasakitan o maging kunin ang buhay. Minsan ay agresibo at minsan ay mapanganib kagaya ng gumugulo sayo." litanya ng matanda.

Parang nahihintatakutan siya sa sinasabi ng matandang babae, sabay narinig ang busina ng taxi ni Mang Carding sa di kalayuan. Parang hindi niya kayang marinig pa ang sinasabi ng matanda kaya agad siyang tumalikod at palakad na papunta sa taxi ng magsalita ang matanda.

"Hayaan mong tulungan kita iha!?" anyaya ng matanda.

"Di bale na lang ho!" dahil sa nanghihilakbot na siya sa pinagsasabi ng matanda.

"Iha!" pahabol ng matanda, " Walang nabubuhay sa nakaraan subalit ang nakaraan ang daan para mabuhay ka sa hinaharap." mahiwagang sabi nito.

Hindi ito naintindihan ni Luz at gusto pa sana niyang bumalik at linawin ito ngunit narinig niyang bumusina ulit si Mang Carding. Marami pa sana siyang katanungan kagaya ng bakit siya ang nakakakita sa lalaki? Ano ang dahilan nito at gusto siyang saktan? Ano ang nagawa niya dito at wari'y galit ito sa kanya.? Mga katanungang wala siyang kasagutan, subalit wala na siyang oras para itanong pa ito o natatakot lamang siyang malaman ang katotohanan at ayaw niyang paniwalaan na nangyayari sa kanya ang mga bagay na iyon. Gulong gulo ang isip niya habang tuluyan na siyang lumakad at sumakay ng taxi.

"Magandang hapon ho ma'am" bati ni Mang Carding habang inabante ang taxi.

"Gabi na ho Mang Carding" pagtatama naman ni Luz.

"Ala sais pa lang naman ho kaya hapon pa din." palusot nito. Kamusta naman po ang mga nobela natin? Wala pa po ba k...


You might also like to visit: