Showtime Begins In:

Click here to visit her Live Show on Pinays247.com

Pomagat Part 6

Submitted by on Sunday, 18 September 2016, 07:19 AM | Fiction | Tagalog
Categories: Erotic Horror, Romance   Tags: , ,

Pomagat Part 6Gulong gulo ang isip niya at hindi mapagtugma tugma ang mga kwento. Itinalikod niya ang litrato at may mga pangalang nakasulat, Ernie Rosario Mercado(kanan) ito ang kanyang ninong at boss, Roberto Manahan Cebu (kaliwa) ito ang kanyang tatay,

Immanuel Lucido Ferio (gitna) ang tatay ni Eid, kumpirmado na siya dahil Ferio ang apelyido ni Eid. Magkakaibigan pala ang tatay niya, tatay ni Eid at ninong niya. Ngayon lang niya ito nalaman, ang alam niya ay ninong lang niya ang matalik na kaibigan ng kanyang ama.

Sumandal siya sa sofa, pumikit, nagisip at binalikan ang mga sinabi sa kanya ng matandang manghuhula. Bakit kaya niya pinapatigil ang pagbebenta ng libro?

Umalingawngaw sa isipan niya ang sinabi ni Mang Carding, "paborito kayong writer ng anak ko" , "agad siyang bumili ng bago ninyong nobela at hindi ito tinigilan hangga't hindi natatapos."

Anong hiwaga kaya meron sa nobela niya? May kaugnayan kaya ang lalaking duguan dito? Mga tanong niya sa sarili.

Ala-una na ng hapon ng maisipan niyang pumunta sa publishing para kausapin si Mr. Mercado. Ipapaliwanag niya dito ang kanyang mga karanasan para makumbinsing ipatigil ang pagbebenta ng aklat kahit wala pa siyang konkretong dahilan.

Pagdating sa opisina, agad siyang dumiretso sa silid ng kanyang boss. Naabutan niya itong nagbabasa ng kanyang nobela.

"Luz! anong sadya mo? Kung ipapatigil mo ang pagbebenta nito" habang kinakampay kampay ang hawak niyang libro "wag mo na subukan, dahil malaki ang kikitain natin dito, malapit ko na ngang matapos oh, at talagang nakakatakot ang istorya." sabi ni Mr. Mercado.

"Eh kasi sir" talagang wala siyang maipaliwanag na dahilan, bagkus ay itinanong niya na lang dito ang lalaki sa litrato na nakita niya.

" May kilala ba kayong Immanuel Ferio?" usisa ni Luz

"Ha?" dito ay parang naging malambot ang kanyang ninong, nawala ang lupit at bagsik nito.
"Wala eh, bakit mo naitanong?" tugon ni Mr. Mercado.

Inilabas ni Luz ang litrato at ipinakita sa kanyang ninong.

"Ano po ang kaugnayan ni tatay sa kanya?" makulit na tanong ni Luz.

Pinagpawisan si Mr. Mercado sa mga tanong ni Luz na akala mo imbestigador ng pulisya. Hindi nagtagal ay nagsalita ito.

"Bueno, Luz. Yaman din lang naman na matanda ka na ay ipagtatapat ko na sayo ang lahat." Nagsimulang magsalaysay ang kanyang ninong tungkol sa nakaraan.

"Dalawampung taon na ang nakakaraan, manunulat ako noon dito sa kumpanya ng aking ama, si Berto ang iyong ama ay utility dito maging si  Immanuel o Eman kung tawagin namin, anak niya si Eid. Matatalik kaming magkakaibigan at halos magkapatid na magturingan. Kinumbinsi ko silang maging manunulat ng ako na ang mayari ng publishing at ipinamana na ito sakin. Tanging ama mo lamang ang nakasulat ng mga kwento at si Eman ay walang hilig sa pagsusulat. Naging bantog na manunulat ang iyong ama nuong panahon namin at isa siya sa nagpasikat ng publishing na ito. Kasabay ang pagtatagumpay ng iyong ama ay siya naman pagbabago ni Eman. Naging malulungkutin at parang nasisiraan ng ulo. Hindi talaga iniwan ni Eman si Eid at ang asawa nito kundi namatay ito." Nagulat si Luz sa rebelasyon ng ninong niya. Ang pagkakaalam niya kasi ay sumama sa ibang babae ang tatay ni Eid.

Nagpatuloy pa sa pagkukwento si Mr. Mercado "Isang araw may selebrasyon kami dito dahil sa mabebentang aklat ng iyong ama. Halos iba na itong si Eman, para talaga siyang nababaliw sa mga sinasabi niya. Ang sabi niya noon habang nagiinuman kami ay gagawa daw siya ng kwentong ikamamatay ng marami. Hindi na namin siya pinagtutuunan ng pansin dahil parang wala na ito sa katinuan. Natatandaan ko pang sabi niya, kapag daw siya namatay ay babalik siya sa oras na maging dalawampung taong gulang ang kanyang anak." dito ay kinilabutan si Luz, may nabubuo na sa kanyang isipan. Ang lalaking duguan ba ang ama ni Eid? Kung totoo nga ito bakit siya paghihigantihan nito gayong hindi naman niya ito nakilala? at kung dalawampung taon babalik ito ay hindi din nagtutugma dahil treinta anyos na si Eid ang kanyang anak.

Nagpatuloy si Mr. Mercado sa paglalahad, " ang sabi pa ni Eman nuon ay makikilala daw siya sa kanyang pangalan, paulit ulit niya itong sinasabi, na hindi namin maintindihan maging hanggang sa ngayon." paliwanag ng kanyang ninong.

"Bakit po siya namatay?" matigas na tanong ni Luz.

Hindi tumugon ang kanyang ninong.

"Ninong! Bakit ho siya namatay?" tanong ulit niya na may kalakasan na.

"Luz!" sabay buntung hininga ng malalim.

"Pinatay siya ng tatay mo." malungkot na tugon ng kanyang ninong. Nanlumo siya sa narinig, kailanma'y hindi niya ito nalaman, ang ama niya ay isang kriminal.?

Lalo siyang naging interesadong malaman ang totoo, ngayo'y nagkakaroon na ng linaw sa kanya ang lahat ngunit hindi pa rin niya maintindihan ng lubos.
Nagpatuloy pa ito sa pagkukwento.

"Hindi namatay ang iyong ina sa panganganak kay Lanie na kagaya ng sinabi sayo ng tatay mo, walong taong gulang ka noon at nasa eskuwela ng magbigti ang nanay mo pagkapanganak kay Lanie. Pinagsamantalahan siya ni Eman at si Lanie ang naging bunga. Hindi matanggap ng iyong ina na pinagsamantalahan siya ng itinuring naming kaibigan. Si Lanie ay anak ni Eman, bunga ito ng gahasain niya ang iyong ina. Inilihim ito ng nanay mo kay Berto at nag-iwan na lamang ng suicide note at duon inilahad ang lahat." halos hindi na niya kayanin ang mga naririnig sa kanyang ninong. Sigurado na siya ngayon na si Eman ang lalaking duguan at kapag nag dalawampung taon ang anak niya ay magbabalik ito para maghiganti. Si Lanie ang tinutukoy na anak, kaya pala nun dalawampung taon na ito ay saktong namatay ang kanyang ama. Si Eman ang pumatay dito at hindi atake sa puso, subalit paano ang anak ni Mang Carding paano ito nadamay sa paghihiganti ni Eman? Mga katanungan pa rin sa isipan ni Luz.

Nagpatuloy pa magkwento ang kanyang ninong.

" Sumilakbo ang galit ni Berto kay Eman matapos tapusin ng iyong ina ang kanyang buhay dahil sa pang gagahasa ni Eman. Walang tao noon dito at kaming dalawa lang ni Eman ng mapansin kong lalo itong lumala. Wala na  siyang ibang ginawa kundi i-mop ang sahig ng second floor. Kahit nalinis na niya ay muli niya itong imamop. Mistula siyang naging tagamop ng buong building kahit sinabihan ko na siyang tumigil ay tuloy pa rin. Hindi ko inaasahan na pupunta dito si Berto para maghiganti at patayin si Eman. Hindi ko rin naman batid pa noon na pinagsamantalahan pala ni Eman ang iyong ina. Huli na ng makita ko ang krimeng ginawa ng tatay mo at hindi ko siya napigilan. Naganap ito sa rest room ng second floor. Hinataw ng iyong ama ng handle ng mop ang likod ni Eman at nabali iyon. Habang ang natirang hawak niyang kahoy ay sinaksak niya sa likod ni Eman at agad tumagos ito sa dibdib. Sa galit ni Berto, binaklas niya ang marmol na lababo at pinitpit ang dalawang kamay nito. Inabutan ko na lang na hinahataw ng hinahataw ng tatay mo sa mukha si Eman kahit wala na itong buhay, dahilan para madurog ang kaliwang bungo nito. Inilihim namin ang krimeng ginawa ng tatay mo sapagkat dalawa kayong naulila sa ina at mga musmos pa. Walang magkakalinga sa inyo kung sakaling mabibilanggo ang tatay mo kaya inilihim ko ito yaman din lang na ako lang ang naka saksi. Inilibing namin siya sa basement ng building na ito at sinimento para walang makatuklas sa ginawang krimen ng tatay mo. Inilihim din namin ito sa asawa ni Eman. Nagpanggap kami na sumama ito sa ibang babae, na kahit hanggang ngayon ay iyon pa din ang paniniwala nito. Sinuportahan ko ang pag aaral ni Eid para makabawi sa aming kasalanan na noon ay sampung taong gulang pa lamang. Nang makatapos siya ay kinuha ko siya dito sa kumpanya." paglalahad ni Mr. Mercado.

"Maintindihan mo sana Luz na hindi gusto ng tatay mo na pumatay ng tao lalo na at matalik namin itong kaibigan, sa katunayan ay pinatingnan namin ito sa Psychiatrist at inerekomendang ipasok ito sa mental ngunit tumanggi si Eman. Hindi daw siya baliw. Naniniwala akong hindi siya baliw kundi parang sinasapian ng masamang espiritu, matalim siya tumingin at lagi may talinghaga ang mga sinasabi, na parang may pahiwatig at pagbabanta. Hindi naman siya ganun dati kaya labis kaming nagtaka. Patawarin mo sana ang iyong ama at hindi niya pinagtapat ang totoong pagkamatay ng inyong ina, ayaw niya magulo ang isipan mo noon dahil musmos ka pa." panghihikayat ng kanyang ninong.

Matapos magsalaysay ang kanyang ninong bumiyahe na siya pauwi. Ngayon ay halos naiintindihan na niya ang mga misteryong nangyayari sa kanya. Sakay siya ng jeep at busy ang mga sakay sa kani kanilang gawain, may nagtetext, may nakikinig sa kanilang headset, at ang nakaagaw sa kanyang pansin ay ang nagkukwentuhang dalawang babaeng katabi niya na tungkol sa kanyang nobela. Natapos na daw basahin ng unang babae ang nobelang "POMAGAT", tumugon naman ang isa at sinabing natapos niya na din basahin at sabay sabing "scary." sabay apir at nagtawanan.

Ngunit katapat niyang lalaki ang muling nakapukaw ng kanyang atensyon nakayuko ito at hindi gumagalaw. 'tulog ba ito o ano?' Nasa isip niya.

May nag cut sa kanilang sinasakyang jeep dahilan para magpreno ito ng malakas, halos nagtalsikan sa kanilang kinauupuan ang mga pasahero sa lakas ng preno. Dito ay napatitig siya sa lalaking kaharap niya na ngayon ay lantad na ang mukha, nagsigawan na ang ibang pasaherong katabi niya ng makita ang lalaking katapat niya maging siya ay halos mapasigaw na.

Puti na ang mata ng lalaki at nakanganga, kagaya ng pagkamatay ng tatay niya at ng anak na dalaga ni Mang Carding. Nabaling ang tingin niya sa hawak ng lal...


You might also like to visit: