Puto Cheese
Categories: Erotic Tags: poem
May maliit na tindahan sa amin
Sadyang tumawag sa aking pansin
“Puto for sale” sa pinto nito’y nakabitin.
Tindaha’y pinasok, upang aking busisiin
Bentang puto, ako’y gustong makatikim.
Nang makapasok, ‘di maiwasang magtaka
Bakit kaya mga ilaw nito’y pula?
Maraming silya, pati rin mga mesa.
Nang may lumapit, ako raw’y maupo muna
Maya-maya lamang, puto’y ihehelera
Dumating ang oras na pinakahihintay
Putong nais, sa wakas ay masisilay
Ito’y nakaaaliw, may iba’t ibang kulay.
Bawat putong dumadaan, tila ba kumakaway
Ako’y lalong natatakam, halos tumulo ang laway.
Waitres ay lumapit tinanong anong napili
Sa mga putong pinarada, nakita’t nasuri.
Gusto ko yung isang malambot at maputi
Napakabango nito’t sa gitna may hati
Nakakatakam, may keso pang nakausli
Sa tindaha’y umalis, puto’y aking bitbit
Sa manubela ng bisikleta, supot aking isinabit
Nang makauwi’y may nakitang nakadikit
“Mas masarap akong kainin, habang ika’y nakapikit.”
“Oh! Puto! Ang sarap mo!” nang makain’y nasambit.
Puto kayo rito, puto kayo riyan
Putong inilalako kahit...