Showtime Begins In:

Click here to visit her Live Show on Pinays247.com

Random Musings

Submitted by on Saturday, 2 April 2016, 12:25 PM | Blog | Taglish
Categories: Non-Erotic   Tags:

Habang pinag-iisipan ko pa ang sunod kong gagawin na kuwento, hindi ko maiwasang balik-balikan yung experience ko habang sinusulat ko yung Ang Nakaraan ni Amy. I mean it was fun and exciting, pero ang bigat din in the sense na nakaka-pressure magsulat.

   High school ako noong huli akong maging manunulat. Naging Feature Editor ako ng student publication ng paaralan namin. Parang ang bigating pakinggan, di ba? Pero ang totoo ay dahil wala namang ibang nagbibigay ng mga report o kuwento (alam niyo naman ang high school), kaming mga editors na rin ang mga reporter at contributors. Anyway, 2 beses isang taon lang naman kung maglabas ang pahayagan, kasi naman walang budget at public high school sa probinsya. Pero doon ako unang nahubog magsulat.

   Pagtungtong ko na, an ng college naiba ang linya ko. Nagsimula ako sa engineering, pero dahil hindi kami magkasundo ni Mathematics at ng mga pinsan niyang si Algebra at Calculus ay lumipat ako ng Fine Arts.

   Dito ko naman natutunan ang paano tumanggap ng criticism sa gawa at kung paano magbigay ng constructive criticism. Dito ko unang naranasan ang ma-pressure na kailangan maganda ang gawa mo. Ang matindi pa noon ay talagang subjective naman kasi ang visual arts. Hindi mo alam kung ano ang magiging reaction ng titingin hanggang sa ipakita mo sa kanila. Sa katunayan hanggang ngayon medyo nahihya ako magpakita ng mga gawa ko sa kapwa ko visual artist.

   Parang ganoon din ang naramdaman ko uli noong sinusulat ko ang Ang Nakaraan ni Amy. Kinkabahan na ewan ang bago ko i-post ang mga kabanata. Kabado kung anong magiging reaction ng mga members ng site. Katapos makakita ka ng mga papuri, iispin ko naman na 'magustuhan pa kaya nila ang susunod?'. Katapos na udlot pa ang pagsusulat ko dahil nga hindi naman ito ang kabuhayan  ko at iyong kinabubuhay ko naman ang nakapagpawalang-gana sa pagsusulat.

   Kaya ang ginawa ko na lang ay ang magsukat ng para sa sarili ko. Yung tipong kung ano ang gusto ko mabasa. Ang tabang pakinggan, pero that way ay naiwaksi ko sa isipan ko kung magugustuhan nga ba ito ng magbabasa. Nawala ang pressure to please others. Bahala na kung hindi magustuhan, saka ko na haharapin kung mayroong hindi magkagusto. You can't please everyone, 'ika nga. Pero siyempre, kung mas marami ang hindi magkagusto sa kuwento ko, e di admit defeat and move on na lang.

   Isa pang napansin ko ay humahaba ang sinusulat ko dahil sa kagustuhan kong magbigay ng pinakamarami at pinakamasinsin na details sa mga nagaganap sa aking kuwento. Sa totoo lang, noong binabasa ko ang A Song of Ice and Fire ni G.R.R. Martin ay nabo-bore ako sa mg parte ng kuwento na nagbibigay siya ng masinsin na details. Kung hindi niyo pa nababasa an...


You might also like to visit: