Sideline (1st Part)

Submitted by on Saturday, 2 September 2017, 04:57 PM | Fiction | Tagalog
Categories: Mature, Romance, One Night Stand   Tags: ,

Ako si Joe isang early retired police sa ating bayan, ngayong isang kahero ng isang maliit na grocery store dito sa Apple City. Piniling manirahan sa ibang bayan mula ng maging citizen ang aking asawang nag migrate dito. Pero kung ako ang tatanungin mas pipiliin kong manilbihan parin sana sa ating bayan. At kung hindi lang dahil sa hindi inaasahang pang yayari noong ako’y isa pulis pa, hindi ko rin gugusuhin manirahan dito.

Sabi nila, pag pulis daw matulis, pero hindi sa lahat ng bagay.

May isang pangyayari di ko malilimutan, ilang bwan pa lamang nang makaalis ang aking asawa mula nang ipetisyon siya ng magulang nya sa US. At ako naiwan habang hinihintay maayus ang mga papers ko para sumunod sa kanya. Naka assign pa ako sa isang probinsya kalapit lang ng Manila kaya umuupa na lang ako sa isang maliit at maayus na apperment. Siguro may 5 pinto sa isang compound. Nasa pang 3 pintuan ako. Tahimik naman liban na lang kung mapatugtog ang nasa unahang pinto. At since bihira ako nasa bahay kaya hindi naman ako na bubulabog.

Sa ika-apat na pinto may mag-asawang nakatira na may pwesto sa palengke kasama nila ang kanilang pamangkin na babae na kanilang pinag-aaral sa unibersidad malapit sa tinitirhan namin. Si Adeline, 24 anyos na, sa kadahilanan di siya kayang pag-aralin ng magulang kaya kinuha ng mga tiya para sila ang mag tustos dito. Mabait, masipag sa gawaing bahay, tuwing nakikita ko bago ako pumasok eh kung hindi nag lalaba ay nakapag linis na ng kanilang bahay pati na rin ang bakuran ng compound.

Isang araw maaga ako nagising at nagkape sa may pintuhan at sinisipat ang aming bakuran habang naghihintay ng oras para sa shift ko sa umaga.

“Hi Chief Joe, magandang umaga po,” anya ni Adeline na nakangiti nang lumitaw sa aking harapan. Muntik na akong masamid sa pagkakabigla ng kanyang bati

“Mha-magandang umaga din sayo Adeline, wala ka bang pasok?” aking nasambit na lang

“Pagkapananghalian pa po pasok ko Chief, kayo po, maaga po ata kayo nagising ahihihi.”

“Wala naman napa-aga nga gising ko, balak ko sana din mag linis ng bahay at ayusin ang bakuran, kaso naunahan mo na ako.” pagbibiro ko na lang sa dalaga

“Ganun po ba, gusto nyo ako na lang din mag linas ng loob ng bahay nyo?” alok ni Adeline na ikinahiya ko naman.

“Nako ‘wag na, nakakahiya naman sayo, kaya nga ako gumising ng maaga, tsaka konting walis walis lang naman ito at punas ng alikabok hahaha”

“Eh Chief, suma-side line po kasi ako eh….” Muntik ko na mabuga ang nahigop kong kape nang marinig ko ang dalaga sa kanyang na sabi.

“Ano kamo? Suma-sideline ka?!?”

“Opo Chief, suma-sideline ako ng labada, linis ng bahay at kung ano pwede nyo pagawang gawaing bahay. Para hindi naman nakakahiya sa Tiya ko na lagi sila nag bibigay ng baon at pang pa-aral sa kain, dapat nga nagbabanat na ako ng buto para sa matrikula ko, kaso ayaw ng mga Tiya.” Pag eeksplika nito

“Ah kala ko naman kung ano side line yan, huhulihin kita sige ka” biro ko

“Nako Chief, hindi ah tsaka alam ko pulis kayo takot ko lang makulong hahahaha”

Pinutol ko na ang aming usapan para makapag simula na din mag walis walis, tulad ng nasabi ko kanina kahit di naman yun talaga dahilan ng pagkakaaga ng aking gising.

Pagtalikod ko ay may pahabol na biro pa si Adeline sa akin “ Sir Chief, pa side line minsan ha hahaha.” At nginitian ko na lang siya at tuluyang pumasok ng bahay.

Noon lang ako nakipag usap sa aming kapit bihay, kundi tango lang sa pag bati sa mga ito pag nasasalubong ko. Sa edad kong 42 hindi ako ung tipo ng nakikipag kapitbahay ewan ko nga ba bakit pagpupulis ang naging kerera ng buhay ko dito sa Pinas.

Nagprepara ako sa aking pagpasok, naligo at nag ayus. Sa likod bahay ang aming labahan at maliit na kusina, dun ako kung minsan nag aahit ng bigote, at dahil natural ang liwanag dun. Sa bawat dibisyon ay may  bakod na may 4ft and ½ lang ang taas. ‘Yun sa mga ibang ko pang kapitbahay sa apartment , ay nilagyan ng harang, at kung gugustuhin ko naman sabi ng may-ari pwede naman, pero since tiwala naman ako sa aking mga kapitbahay at wala naman mahahalagang bagay na mawawala sa loob ng bahay at mas ok na ung sarado na lang lagi ang aking pintuan sa likod bahay kung sakali.

Ginulat na naman ako ni Adeline ng lumitaw muli sa gilid ng pader na siyang naghahati sa aming apartment “Sir Chief, nagpapa side line ako ha ahehehehe” muntik ko na masugatan ang aking baba sa gulat ng dalaga.

“Loko ka talaga Adeline, yaan mo mag dudumi muna ako ng bahay para sulit ang pag side line mo hahahaha” nangisi na lang ako at dina pinansin pa. Nadinig ko na naglalaba ito dahil tumunog ang pag ikot ng washing machine nila.

Papalabas na ako ng aming apartment at humabol pa talaga si Adeline ng sigaw. “Sir Chief, pag isipan mo po ha please.” At kinawayan ko na lang siya tanda na ako’y aalis na.

Sa istasyon, nakito ko makalat din at naalala ko sinabi ni Adeline, gusto ko siyang tulungan, maganda naman dahilan nya, kaso pag dito ko siya paglinisin baka pagalitan kami ng aming Hepe. Kaya nag ayus din ako ng konti sa aming opisina.

After ng aming shift ay minsan nagkayayaan mag happy happy mga kasama kong pulis. Apat lang naman kami noon at since wala naman operasyon kaya konting unwind lang, pero pinag pasyahan naming sa isa sa bahay na lang naming apat. baka kasi bigla umikot aming kasamahan baka mapahamak pa bulsa at maisumbong pa kami sa aming Hepe.

Since mas malapit ung aming apartment sa estation kaya dun na naming na pag pasyahang mag inuman. Tag 3 bote lang naman beer konting pulutan at konting kwentuhan, di naman para magpakalasing talaga. Pagkatapos.

Nang matapos kami at nagkayayaan ng umuwi ang 3 at ako na ang naiwan sa bahay. Naglipit ng pinag inuman, hindi naman ako nalasing, pasipolsipol lang at nag ayus. Ngunit nasagi ko ang isang bote sa kusina at na basag ito. Nang akin ng wawalisin ay napasilip sa likod si Adeline.

“Sir Chief?” tawag nya sa akin at binuksan ang ilaw sa kanila at tila inaaninag kung ako nga ang tao sa likod bahay.

“Adeline pasensya na nagising ko bakayo? Nasagi ko lang ung bote wala naman ito.”

“Ah kala namin kung ano na meron dito, mukhang nagkainuman kayo dyan sir Chief ah, birthday nyo po?”

“Hindi, nagkayayaan lang dito… Sige na pumasok ka na ok na at naligpit ko na kalat namin, pasenysa na kamo sa mga tiya mo kung nakapag ingay kami ng konti”

“Ah wala po yun sir Chief Joe, hindi naman kayo maingay di nga po namin alam na may bisita kayo, nagulat lang sa nabasag na bote, sige po ingat at good night po”

Sinara ko na ang pintuan ng likod bahay, nagtungo ako sa banyo at naligo para mahimasmasan din ng konti. Kahit konti lang naman ang ininom, kahit papano nag dulot ito ng konti tama at init sa pangangatawan ko.

Nakapikit akong tumapat sa shower head, sinabon ang katawan, at bigla ko na miss ang aking misis. Hinawakan ko ang aking pagkalalaki at sinimulang haguring pataas at pababa. Inisip ang huling naming pagtatalik bago siya umilis. Ngunit para bang may nanunuod sa akin habang ako ay...


You might also like to visit: