Silent Killer

Submitted by on Sunday, 18 March 2018, 09:21 AM | True Story | Tagalog
Categories: Non-Erotic   Tags: , ,

Gusto ko lang malaman...

Gusto ko lang malaman kung anong pakiramdam 'pag nang-bubully ka? Gaanong saya ang nararamdaman mo sa tuwing may inaasar ka? Pakipaliwanag naman kung ano yung feeling kapag nakikita mong napapahiya na yung binubully mo o kaya naooffend na?

Masarap ba?
Masaya?
Nakakaproud?
Nakakataas ba ng tingin sa sarili?

Explain mo naman para maintindihan ko. Para sa susunod na aasarin mo ako, alam kong worth it naman kasi may nagiging benefit naman sa mental and physical health mo. :)

Kasi ako, bilang inaasar mo, hindi na ako natutuwa. Di na enjoy, kumbaga. Ang hirap kasi makiride nalang palagi sa mga biro mo, na para sa akin parang hindi nalang basta "biro." Siguro nga nag-eenjoy ka, syempre marami kayo e. Mukhang tama at masaya kapag marami kayong nagsama sama ' 'di ba? Pano naman ako? Isa lang ako, so pag naoffend at nasaktan ako, kj at pikon na 'ko? Hindi ba parang ang unfair? Pero sige, dahil enjoy kayo, go kayo. Wala kayong pake. Wala kayong pakikinggan. :)

Pero sana naiisip mong hindi lang basta biro yung ginagawa nyo.

Nakakasakit na.
Nakakasira na ng kumpiyansa sa sarili.
Nakakababa.

OA ba? Hindi. Subukan mong ikaw yung lumugar sa kinalalagyan ko. Subukan mong ikaw yung dumanas nung mga naranasan kong pambubully simula pagkabata, sige nga? Saka mo sabihing kj, pikon, maarte, o oa ako.

Ang hirap na gabi gabi mumultuhin ka ng mga mapanghusgang mga boses ng nakaraan mo, dagdagan mo pa ng mga tila perpektong taong nakakasalamuha mo sa kasalukuyan, nakakaiyak. Nakakabaliw. Minsan napapaisip nalang ako kung nasa akin ba yung problema? Dahil ba hindi ako marunong sumagot at lumaban? Kaya kinakayan kayanan ako? Sige. Di pa rin ako lalaban. Hindi ito yung paraan ko ng pakikipaglaban.

Pero, salamat.

Salamat sa pagpapakita nyo sa akin ng totoo nyong kulay. Salamat dahil nakita ko kung sino yung totoo sa hindi, kung sino yung dapat irespeto sa hindi. Salamat. Dahil sa...


You might also like to visit: