Sinampalukang Realidad

Submitted by on Tuesday, 27 March 2018, 12:55 PM | True Story | Tagalog
Categories: Erotic   Tags:

Ako’y sinampal ng hanging masakit sa katawan
may dalang bigat kaya ako’y natauhan.
Bakit nga ba nagugulumihanan
Kung sa realidad ko’y wala kang kaganapan?

Nakakatawa, di ko lubos maisip.
Bakit ka tumatambay sa aking panaginip?
Makailang beses kang dumalaw,
Ngunit sa alaala’y biglang pumanaw.

Bakit nga ba katotohanan ay kay talim?
Tumutukso, sumasaksak pailalim.
Tignan mo ang ulap, tulad ng pag-iisip, malabo at madilim.
Paningi’y nandidilim, di maikubli pait ng damdamin.

Kaya’t dahan-dahan akong bibitaw
Sa kamay mong di ko naman nahawakan.
Panalangin ko na lang...
Na sana katulad ng sugat kapag nahipan...
Gumagaling agad at biglang nakakalimutan....


You might also like to visit: