Showtime Begins In:

Click here to visit her Live Show on Pinays247.com

The Devil

Submitted by on Saturday, 20 February 2016, 03:35 AM | Fiction | Tagalog
Categories: BDSM, Mature   Tags: , ,


Kanina pa sya tumatakbo. Hindi nya alam kung gaanong katagal na. Ang alam lang nya, dapat makaalis sya sa demonyong lugar na to. Hindi nya alam kung saang parte ng impyerno ito. Basta ang alam nya ay pag inabutan pa sya ng demonyong iyon ay ikamamatay na nya.

Nananakit na ang kanyang mga talampakan sa dami ng mga bato at tuyong sanga ng puno ang natapakan nya. May mga sugat na din sya sa mga binti at braso dahil sa mga sanga na hindi nya naiwasan. Mahirap tumakbo ng mabilis kapag ganitong liwanag lang galing sa buwan ang meron sya, pero kailangan nyang tumakbo.

Pakiramdam nya ang nasusunog na ang baga nya sa sobrang hingal. Bagamat medyo malamig dahil sa wala syang suot na kahit isang saplot ay nakakaramdam sya ng init dahil sa nararamdamang takot.  Nangangawit din syang hawakan ang kanyang mga dede. Hindi nya alam kung sumpa ba o pagpapala na ganon kalaki ang iyon.pero pagkatapos ng mga nangyari mula nung nakaraang araw ay naisip nyang sumpa nga ang mga ito. Hindi nya dapat dinadanas ang mga ito ngayon kung hindi lang dahil sa dalawang iyon.

Patuloy pa din sya sa pagtakbo. Hanggang sa nakita na din nya ang bakod. Gawa ito sa mga hollowblocks lang at higit lang sa dalawaang metro ang taas. Pero dahil sa taas nyang 5’3”, alam nyang hindi nya maaakyat agad to.

Tumingin tingin sya sa paligid. May nakita syang isang malaking bato na pwede nyang maging tungtungan. Pinuntahan nya ito at itinulak papunta sa tabi ng bakod. Kelangan nyang magmadali. Hindi nya alam kung kelan magigising ang demonyong iyo.

Nang mailapit na nya ang bato ay agad syang tumuntong dito at sumampa sa bakod. Naramdaman nyang kumaskas sa bakod ang kanyang mga dede. Mahapdi. Pero kailangang tiisin.Iniangat na nya ang kanyang kanang binti upang makaahon at makatawid na.

Ngunit may biglang humawak sa kanyang kaliwang binti. Nagulat sya. Inabutan sya ng demonyo!

Agad nyang isinipa ito upang makawala sa pagkakahawak nito. Ngunit sadyang malakas ang pagkakakapit nito sa kanyang binti. Naramdaman na lang nyang hinihila na sya nito pabalik. Sinubukan pa nyang manlaban. Kung makakatawid lang sya ng bakod na to ay magiging malaya na sya. Makakabalik na sya sa buhay nya.

Pilit pa din nyang iniaangat ang katawan nya. Dinadala ang buong bigat ng katawan patungo sa kabilang dako ng bakod. Nakikita na nya ang lupa ng kabilang bakod. Kailangan lang nyang makaalpas at malaya na sya.

Ngunit naramdaman na lang nyang pati ang kanyang kanang binti ay nahawakan na din. Nahila na to at dalawang binti na nya ang hawak ng demonyo!

Pero pilit pa din nyang itinutuon ang kanyang bigat sa katawan nya. Baka sakaling makabitaw ang demonyo at makalagpas sya. Ngunit nangangawit na talaga ang kanyang mga braso. Unti unti na nyang nararamdaman ang panghihina ng mga ito.

Naisip nyang bakit ngayon pa? Bakit kung kailang malapit na syang makatakas sa paghihirap na dinanas?

Hanggang sa bumitaw na ang kanyang mga kalamnan. Kasabay nito ay ang pagbagsak nya babalik sa impyerno. Sa kamay nga demonyo.

Naramdaman na lamang nyang nakahiga sya at nakatingin sa bilog na buwan. Pagod na sya. Hindi na nya kaya. Hindi na nya naiisip kung ano ang susunod na mangyayari sa kanya.

Dahan dahan nyang ipinipikit ang kanyang mga mata.

Naaninag nya ang demonyo na pumalit sa buwan.

At pagkasara ng kanyang mga mata..

Ang huling pumasok sa isip nya ay ang larawan ng pinakamamahal na nobyo.

Ibinuka nya ang kanyang mga labi at sa huling pagkakataon ay iniusal ang pangalan nito....

 _____________________________________________________________________________

“Ryan!”

Lumingon siya sa pinanggalingan ng boses at nakita nya ang katrabahong si Loiue na papalapit. Huminto sya sa paglakad at nginitian ang kaibigan.

“Nagmamadali ka naman atang umuwi?” tanong ni Joey paglapit nito sa kanya.

“May pasok pa ko sa school eh,” sagot ni Ryan.

“Oh? Akalain mo yun, seryoso ka pala sa pag-aaral mong yan?”

“Oo naman, matagal ko na ding pangarap na maka-graduate ng college.”

Nagumpisa na silang maglakad palabas ng gate ng City Hall.

“Oh pano, mauna na ko at alas-singko ang klase ko. Late na ko nito,” sabi ni Ryan.

“Sayang at aayain ka pa naman namin para maka happy-happy man lang sana dahil biernes naman ngayon,” panghihinayang ni Louie.

“Hayaan nyo at sa susunod ay baka makasama na ko.”

“Sige”

Naghiwalay na silang dalawa sa tapat ng park at tumuloy na si Ryan sa school nya.

Sa isang Tech Voc na school lang sya nag-aaral at kumukuha ng kursong programming. Diploma course lang yun kaya dalawang taon lang ay gagraduate na sya. Bagamat regular na sya sa trabaho ay ginusto pa din nyang makagraduate. Hindi lang para sa ikakausad sa trabaho, kundi para makaranas man lang na makagraduate. At sa edad nyang 35, hindi maitatanggi na kaduda duda din kung ano ba talaga intensyon nya sa pagpasok sa eskwela.

Pagakyat nya sa fourth floor ay agad syang pumasok sa room nila.

“Salamat sa pagdating, Mr. Melo,” salubong ng kanyang guro. “Buti at hindi ka gaanong late ngayon?”

Naglakad si Ryan papunta sa upuan nya. “Syempre po,  paboritong subject ko kaya ito.” At nagtawang ang mga kaklase nya. Alam naman kasi nilang ayaw ni Ryan sa subject na yun dahil sa paraan ng pagtuturo ng professor nila.

“Tahimik na!” saway ng prof. Tumahimik na ang klase.

Pagupo ni Ryan sa pwesto nya ay agad syang tinanong ng katabi nya. “Kuya, may balita ka na ba kay Krizzy?” Si Krizzy ay ang GF nya na kaklase nila. Ilang araw ng hindi pumapasok to. Wala tong pasabi kung san nagpunta. At dahil wala sa kanila ang may alam kung san to nakatira, walang makapunta sa bahay nila para magtanong. Kahit sya na BF nito ay hindi alam kung san sya nakatira. Well, GF lang naman nya si Krizzy sa school nila. At ganun din nmn to sa kanya. Kaya hindi sya dinadala nito sa bahay nila.

“Wala pa din akong balita sa kanya,” sagot ni Ryan kay Tess.

“Ano na kaya nangyari dun sa babaing yun?”

Kibitbalikat lang ang naisagot ni Ryan. Wala din syang alam. Ang alam nya, si Krizzy ang umalis at nang iwan ng biglaan kaya dapat ito ang unang babalik para makipag ayos sa kanya.

“Mr.Melo!” nadinig nyang tawag ng Prof nila. “Ano ang pinagkaiba ng Income Statement at Balance Sheet?”

Tumayo siya at nagtinginan ang mga kaklase nya. Alam nyang naghihintay na naman ng kalokohang sagot ang mga to. Ngumiti sya ng bahagya at saka sumagot ng “Spelling po mam!”

Nagtawanan ang klase.

_____...


You might also like to visit: