Showtime Begins In:

Click here to visit her Live Show on Pinays247.com

The Spirit Of A Kanto Boy Part 1

Submitted by on Wednesday, 13 July 2016, 07:46 AM | Fiction | Tagalog
Categories: Romance   Tags:



(Paalala: Ang mga kwentong ito ay pawang kathang isip lamang. Anumang pagkakahawig sa mga tauhan, lugar at pangyayari na nakapaloob sa kwentong ito ay hindi sinasadya at pawang aksidente at nagkataon lamang. Wala masyadong sex scene ito. Sumesentro ito kung paano nabihag ng isang kanto boy ang isang babaeng mayaman at edukada)

Sa isang lugar sa bayan ng San Bartolome ay may isang lugar kung saan pugad ito ng mga tambay at mga taong walang trabaho. May isang tindahan sa kanto ng Kalye Bugbugan at Kalye Tambayan kung saan dito nag iinuman ang mga tambay maghapon. Madalas nilang pag tripan ang mga dayo lalo na tuwing lango sila sa espiritu ng alak.

Isa sa mga tambay dito ay si Ambet, 26 taong gulang. Matipuno ang kanyang pangangatawan at matangkad sa taas na 5'11". Moreno siya at mala Jeric Raval ang kanyang hair style. Malakas ang kanyang dating kaya't madalas din siyang mapagtripan at siya ang palaging laman ng mga basag ulo sa kanilang lugar.

Hindi nakapagtapos ng kursong Mechanical Engineering dahil na rin sa kakapusan sa pera. Pinili niyang huminto sa pag aaral upang magbigay daan sa kanyang nakababatang kapatid na si Ella na kumukuha ng kursong nursing simula nang pumanaw ang kanilang ama. Pangarap kasi nitong maging doktor. Isinantabi na muna niya ang kanyang pangarap na minsan ay ikinasasama ng kanyang loob.

Maganda ang kapatid ni Ambet na si Ella. 20 anyos siya at patapos na sa kursong nursing. Tisay ang kanyang kutis at matangkad siya sa taas na 5'7". Sakto naman ang laki ng kanyang dibdib at pwet sa korte ng kanyang pangangatawan. Tanging ang nanay lamang nila Ambet at Ella na si Paula ang nagtataguyod sa kanila sa pamamagitan ng pananahi at pag tanggap ng labada. Si Ambet naman ay rumaraket bilang kargador, driver at minsan ay construction worker.

Isang araw ay may pumuntang grupo ng mga doktor sa kanilang lugar upang magbigay ng libreng serbisyong medikal para sa kanilang lugar. Imbes na matuwa ang mga tao ay binatikos pa sila ng mga ito.

Tambay 1: ANONG GAGAWIN NYO SA AMIN? EXPERIMENTO?

Tambay 2: OO NGA! HINDI NAMIN KAYO KAILANGAN DITO!

Babaeng Tambay: Yung asawa ko batugan! Kaya nyo bang gamutin?

Halos maiyak iyak ang mga medical student lalo na si Vivian dahil sa ginawang pag tanggap sa kanila ng mga tao. Palibhasa'y anak mayaman at hindi siya sanay sa ganung klaseng pagtanggap. Tumahimik na lamang ang mga tambay nang dumating na ang kanilang Baranggay Chairman at kinausap sila. Napahupa nila ang tension pero hindi kay Ambet at kung ano ano pa ang hinirit kay Vivian.

Ambet: Miss ano ba naman kasi itong ginagawa nyo? Wala namang kwenta ito! Pakitang tao lang kayo! MGA PLASTIK!

Kahit na nagbitaw ng masasakit sa salita si Ambet ay naging mapagpakumbaba pa rin si Vivian.

Vivian: Sir gusto po lang naman namin magbigay ng libreng check up at serbisyong medikal. Hindi naman po kami naniningil. Libre din po naming ipinamamahagi ang mga gamot na dala namin.

Ambet: PWE! BIGYAN NYO NA LANG KAMI NG PAGKAIN ARAW ARAW! Tsaka ang ganda mo miss.

Sinubukan niyang chansingan ang dalaga ngunit pumalag na ang boyfriend ni Vivian na si John.

John: Pare wala namang ganyanan. Nobya ko siya.

Tinulak ni Ambet si John at nakipagsagutan ito sa kanya.

Ambet: EH ANO NGAYON? PAPALAG KA? TIGNAN KO NGA ANG TIGAS MO!

Sinubukang muling chansingan ni Ambet si Vivian ngunit naka tyempo naman si John ng suntok sa mukha ng sigang tambay. Naka chamba ang boyfriend ni Vivian pero napuruhan na siya ni Ambet. Hindi sanay sa suntukan si John kaya halos nalamog siya. Maswerte na lamang siya at may dumating na mga tanod.

Matapos magkagulo sa bayan ay umuwi na si Ambet sa kanilang bahay. Dito kinumpronta ni Ella ang kanyang kuya.

Ella: Kuya bakit mo naman binastos ang mga doktor na yon? Tumutulong na nga sila ng libre.

Ambet: WALA KANG PAKI ALAM! BAKIT MAPAPAKAIN BA NILA TAYO!

Paula: Ambet hindi nila obligasyon ang pakainin tayo. Tinutulungan na nga nila tayo sa pagbibigay ng libreng check up.

Ella: tsaka kuya nursing student ako at ipapadala din kami sa ibat ibang lugar. Gusto mo bang binabastos nila ako?

Ambet: PWE! BAT DI KA NA LANG MAG H...


You might also like to visit: