Showtime Begins In:

Click here to visit her Live Show on Pinays247.com

The Spirit Of A Kanto Boy Part 5

Submitted by on Monday, 18 July 2016, 01:00 AM | Fiction | Tagalog
Categories: Romance   Tags:

Sinimulan ni Ambet ang kanyang hangarin sa dalaga. Pasimple lamang siya na lagi niyang sinusundo ang kanyang kapatid pero siya talaga ang pakay nito. Palagi niyang sinusundo si Ella tuwing sumasama siya sa mga medical mission. Napansin ito ni Ella at siya na ang gumawa ng paraan para sa kanyang kuya.

Isang araw nang umuwi si Ambet galing sa eskwela ay laking gulat niya pagpasok niya sa kanilang bahay. Nandito si Vivian at tinuturuan ang kanyang kapatid sa lesson nito.

Ambet: O Vivian napadalaw ka?

Ella: Ay kuya nagpaturo kasi ako sa isang subject ko.

Ambet: Ikaw talaga! inabala mo pa si Doktora.

Vivian: Ano ka ba Ambet? Ok lang yun. Pangarap din kasi ng kapatid mong maging doktor.

Ambet: Wow! Pagbutihan mo nga talaga yan Ella. Eh si Inay?

Ella: lumabas kuya. May susukatan daw sa San Simon at baka mamayang gabi pa daw ang balik niya. Sige kuya akyat muna ako.

Pumanik na si Ella papunta sa kanyang kwarto at binigyan ng espasyo ang kanyang kuya. Dito na sinimulan ni Ambet upang kilalanin pa si Vivian. Nag iisang anak lamang siya at negosyante ang kanyang mga magulang. Nalaman naman ni Vivian na huminto si Ambet sa pag aaral upang magbigay daan sa kanyang kapatid. 3rd year college kasi siya nang pumanaw ang kanyang ama dahil sa aksidente. Med rep ito dati pero nahulog sa bangin ang sinasakyan niyang bus papuntang Tarlac at isa siya sa mga nasawi. Matapos ang kanilang kwentuhan ay ihinatid na ni Ambet ang dalaga sa sakayan ng jeep.

Halos isang taon ding nagpapa cute si Ambet kay Vivian at naging kumportable na sila sa isat isa. Mas lumalim pa ang kanilang relasyon at hindi na ilang ang dalaga sa kanya. May pagkakataong pasimpleng hahawakan ni Ambet ang kamay ni Vivian at hindi naman ito pumapalag. Nahulog na rin ang loob ng dalaga sa kanto boy dahil sa tatag nitong harapin ang hirap ng kanyang buhay.

Nakapagtapos na rin si Ella ng kursong nursing at nakapasa na rin sa board exam. Pinalad din siyang makakuha ng scholarship sa UST Medical School sa tulong ni Vivian na alumni sa nasabing paaralan. Graduating naman si Ambet sa kursong Mechanical Engineering at planong kumuha ng board exam oras na makapagtapos.

Isang araw nang sunduin ni Ambet si Ella ay bigla namang nagpaalam ang kanyang kapatid.

Ella: Kuya makiki group study muna ako ha.

Ambet: anong group study? Uwi na!

Vivian: Ambet hayaan mo na siya. Ganyan talaga sa med school. Kailangan may ka grupo ka sa pag aaral para hindi ka mabagot.

Ambet: o siya! Pero umuwi ka agad pagkatapos ha! Umalis ka na at baka magbago pa isip ko!

Ella: Opo Lolo. Hahaha

Ambet: aba'y loko tong batang to ah. Tinawag ba naman akong lolo.

Vivian: Hindi bale ikaw naman ang pinaka cute na lolo. Hahaha.

Natuwa ang doktora sa kanilang magkapatid at muli nanamang nag crus ang landas ng dalawa. Kakaiba ang tuwang nararamdaman ni Vivian tuwing kasama niya si Ambet. Nagpatuloy ang kanilang relasyon hanggang sa sobrang kumportable na siya sa binata.

Vivian: Ambet marunong ka ba magmaneho...


You might also like to visit: