Showtime Begins In:

Click here to visit her Live Show on Pinays247.com

The Spirit Of A Kanto Boy Part 8 (Ang Pagtatapos)

Submitted by on Tuesday, 19 July 2016, 11:56 PM | Fiction | Tagalog
Categories: Romance   Tags:

Limang taon ang nakalipas.

Nabiyayaan sila Ambet at Vivian ng isang anak, si Alfred. Hango sa pangalan ng ama ni Vivian. 5 month old na siya. Medyo natagalan silang mag buo dahil na rin pinilit nilang magpursigi ng todo upang mabigyan ito ng magandang buhay bago lumabas sa mundo.

Naglakas loob si Ambet magbukas ng sariling talyer at kalaunan ay nakapag pundar na din siya ng isang auto supply. Maayos din ang naging takbo nito at nagplaplano na siyang magbukas ng isa pang pwesto.

Si Vivian naman ay isa nang sikat na OB Gynecologist sa Cardinal Santos at St Lukes. Mahaba ang pila sa kanyang clinic na tanda na maganda ang takbo ng kanilang buhay.

Si Ella naman ay isa nang ganap na doktor at kumukuha na ng residency para maging Pediatrician. Tuluyan naman nang pinatigil ni Ambet ang kanyang ina sa pag tanggap ng patahi at sinusustentohan na niya ito.

Kahit na nakakaangat na sa buhay ay hindi naman sila nakakalimot sa kawang gawa. Madalas pa rin mag medical mission si Vivian at Ambet kasama si Ella sa mga lugar kung saan sila kailangan.

Dahil na rin sa makabagong teknolohiya ay hindi naputol ang komunikasyon ni Vivian sa kanyang ina na si Pacita. Madalas siyang magpadala ng mga pictures ni Alfred sa Viber maging mga video nito. Matigas pa rin si Alfredo kahit limang taon na ang lumipas.

Pacita: Alfredo limang taon na ang nakalipas. Nagmahal lang naman ang anak mo. Maayos naman ang buhay nila ngayon.

Alfredo: SIGE KAMPIHAN MO YANG GINAWANG KALANDIAN NG ANAK MO!

Pacita: FOR GOD'S SAKE ALFREDO! MAGKAROON KA NAMAN NG PUSO! LIMANG TAON NA ANG NAKALIPAS! NAGMAHAL LANG ANG ANAK MO! TAO LANG SIYA NA MARUNONG MAG MAHAL.

Nag walk out si Pacita pero bumalik ito at iniwan niya ang kanyang Iphone kay Alfredo.

Pacita: Ayan ang video ng apo natin. Limang buwan na siya. Iiwan ko na sa iyo to para mapanood mo.

Umalis si Pacita sa sala at nang maka alis siya ay agad namang kinuha ni Alfredo ang iphone ni Pacita at pinanood niya ang video ng kanyang apo. Habang pinapanood niya ito ay napaluha siya sa tuwa nang makita ang kanyang apo sa video. Hindi mapigilan ni Alfredo ang mapaluha at agad niyang pinuntahan si Vivian. Laking gulat ng doktora nang makita niya ang kanyang ama sa kanyang Clinic.

Vivian: Hi Dad. Napadalaw ka?

Agad niyakap ni Alfredo ang kanyang anak habang humahagulgul sa iyak. Humuhingi ng kapatawaran sa kanyang nagawa.

Alfredo: Anak patawarin mo ako.

Gumanti din naman ng yakap si Vivian sa kanyang ama at pinatigil na niya ito sa kanyang pag iyak.

Vivian: Dad wala kang kasalanan. Ginawa mo lang ang trabaho mo bilang ama.

Agad namang inilabas ni Vivian ang kanyang smartphone at ipinakita ang mga pictures ng kanyang anak kay Alfredo.

Vivian: Dad tignan mo si Alfred o. Ang cute diba?

Alfredo: Alfred?

Vivian: Yes Dad. Si Ambet ang namili ng pangalan.

Alfredo: Si Ambet?

Vivian: Yes Dad.

Tuluyang nakonsensya si Alfredo sa kanyang asta kay Ambet dahil sa mga kabaitang binibigay nito sa kanya.

Kinabukasan ay pinuntahan agad ni Alfredo si Ambet sa kanyang talyer upang makipag ayos. Di naman siya hiniya ni Ambet at tinanggap ang kanyang pagpapakumbaba.

Ambet: Wala po yun sir.

Alfredo: Dont call me sir. Call me Dad, Daddy, Papa, Itay, tatay kahit ano wag lang sir.

Ambet: Ok po sir este Dad. Kalimutan na po natin yon. Tignan niyo na lang po ang video ni Alfred. Marunong na gumapang.

Muling naluha si Alfredo nang makita niya ang kanyang apo at sabik na sabik na siyang makita ito.

Isang linggo ay naghanda ng mga masasarap na pagkain si Alfredo. Magaling magluto si Alfredo at laking gulat ni Pacita sa kanyang ginagawa.

Pacita: O Alfredo isang baranggay ba papakainin mo? Aba'y sobra sobra na yan para sa ating dalawa.

Alfredo: May bisita tayo.

Pacita: Sino?

Alfredo: surpresa ito.

Pacita: Kelan ka pa naging sweet?

Hindi kumibo si Alfredo at patuloy pa rin siya sa oag aayos sa lamesa at pagkain.
Mga ilang sandali pa ay dumating sila Ambet, Vivian, Ella at Paula sa bahay nila Alfredo at Pacita kasama ang apong si Alfred.

Vivian: Hi Dad.

Ambet: Mano po Itay.

Alfredo: Kaawaan ka ng Diyos anak.

Laking gulat ni Pacita na nagkaayos na sila ni Vivian at Ambet. Agad namang kinuha ni Alfredo ang kanyang apo mula sa kamay ng yaya nito.

Alfredo: Ang apo ko. Kamukhang kamukha ni Lolo.

Napayakap si Alfredo dito at di niya mapigilang maluha. Luha ng tuwa na mahing sila Vivian at Pacita ay napaluha din habang karga ni Alfredo si Alfred.

Alfredo: Halika kumain na tayo at lalamig na ang pagkain.

Muling inabot ni Alfredo sa kanyang yaya si Alfred at pumunta na sila sa komedor upang kumain. Namangha sila sa dami at sarap ng mga putaheng iniluto ni Alfredo at masay...


You might also like to visit: