Uhaw sa kapirasong laman

Submitted by on Friday, 1 September 2017, 04:31 AM | Poem | Tagalog
Categories: Erotic   Tags:

Saklolo! Saklolo! Ang paghuhumiyaw ko.
'Wag n'yo ako'ng gahasain maawa na kayo!
Ito na ang selpon pera't alahas ko.
Ako'y pakawalan pagsusumamo sa inyo.

Diyos ko po! Diyos ko po! 'bat nagka-ganito.
Mabuti ako'ng tao, bakit pinabayaan mo?
Ngayon sila'y hayok tikman ang hiyas ko.
Nanlilisik na mga mata, animo'y parang dyablo.

Itay, Inay! Tulungan niyo ako.
Wari ko'y ito na ang katapusan ko.
Makikita ko pa kaya ang aking mga supling,
Sa pagtarak ng patalim na nagdulot ng lagim.

Isa, dal'wa, tatlo, hanggang mag labingpito,
bumaon sa akin,
Hindi pa nakuntento pinukpok pa aking ulo.
Gusto nilang maniguradong, putol ang hininga ko.

Kamusta na po ba? Nakita na ba ko?
Ako'y itinapon sa loob ng estero....


You might also like to visit: