Untitled

Submitted by on Sunday, 13 May 2018, 05:18 AM | True Story | Tagalog
Categories: Erotic   Tags:

Yung kailangan mong...
Lumunok ng maraming beses para 'di ka maiyak,
Tumingala para wala ng tumulong mga luha,
Humugot ng malalim na hininga para sa konting ginhawa,
At ngumiti na parang walang sakit na nadarama.

Ito yung pakiramdam na...
Pagmulat mo palang sa umaga ang bigat na,
Wala ka pang inuumpisahan pero napapagod ka na,
Hindi ka pa man din nagsasalita pero masama ka na,
Yung tipong humihinga ka nalang para sa wala.

Sabi nila...
Sabi nila sandali lang 'to.
Malalagpasan at makakalimutan din paglipas ng panahon.
Mapapalitan ng bago at mas magagandang alaala,
Maiibsan daw ang sakit sa pagdating ng bagong ligaya.

Hindi na ako malungkot, pero hindi rin masaya.
Hindi na ako umiiyak kahit palagi kitang naaalala,
Ngumingiti nalang ako kahit mukha akong tanga,
Ganoon yata talaga 'pag...


You might also like to visit: